Mariah Carey tweets about death of Pinoy YouTuber Lloyd Cafe Cadena

by Rachelle Siazon
Sep 5, 2020
International singer Mariah Carey on passing of her big fan Lloyd Cafe Cadena: "Sending my prayers to his family and friends during this difficult time."
PHOTO/S: @mariahcarey / @lloydcafecadena Instagram

Nagpaabot ng pakikidalamhati si Mariah Carey sa pagpanaw ng Pinoy YouTuber na si Lloyd Cafe Cadena.

Si Lloyd ay kilala sa kanyang kuwelang skits sa kanyang dalawang YouTube channel, na may 8.6 million subscribers.

Nakarating sa American singer na si Mariah ang balitang si Lloyd ay isa sa kanyang biggest fans.

Nag-trend kasi si Lloyd sa Twitter dahil marami sa kanyang Pinoy subscribers ang lubhang nabigla at nalungkot na sa edad na 26 anyos ay binawian ng buhay si Lloyd.

Kasama sa mga nakisimpatiya ang fan group ni Mariah sa Pilipinas na kinabibilangan ni Lloyd.

Sa pamamagitan ng Twitter, sinabi ni Mariah na ipagdarasal niya ang pamilya at mga kaibigang naulila ni Lloyd.

"So sad," tweet ni Mariah kalakip ng crying emoji.

"RIP Lloyd, you will be missed," dagdag ni Mariah na may broken heart emoji.

"Sending my prayers to his family and friends during this difficult time."


Continue reading below ↓

Hindi lamang sa Pilipinas naging malaking balita ang pagpanaw ni Lloyd dahil pinik-ap din ito ng international media, gaya ng USA Today, Daily Mail UK, today.com.

ANNOUNCEMENT FROM LLOYD'S FAMILY

Biyernes ng hapon, September 4, inanunsiyo sa official Facebook page ni Lloyd ang tungkol sa pagpanaw ng kilalang YouTuber.

Sabi rito ng kapatid ni Lloyd: "It is with a heavy heart and great sadness that we announce the untimely demise of our beloved brother Lloyd Cafe Cadena.

"May he be remembered for all the joy and laughter he shared with everyone.

"My family and I ask for your prayers, respect, and privacy during this time."

PINOY CELEBS MOURN DEATH OF LLOYD

Pati mga artista sa Philippine showbiz, na kilala si Lloyd dahil sa kanyang entertaining vlogs, ay nakikisimpatiya rin sa pamilya ni Lloyd.

Kabilang dito sina Maine Mendoza, Vice Ganda, Kim Chiu, at Alex Gonzaga.

Ang vlogger namang si Michelle Dy ay inalala ang pagkakaibigan nila ni Lloyd sa pamamagitan ng pakikinig ng mga kanta ng idol ni Lloyd na si Mariah Carey.

Continue reading below ↓

ArticleReco:{"articles":["153540","153586","153664","153616"], "widget":"Hot

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
International singer Mariah Carey on passing of her big fan Lloyd Cafe Cadena: "Sending my prayers to his family and friends during this difficult time."
PHOTO/S: @mariahcarey / @lloydcafecadena Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results