Korean actress Oh In Hye passes away at 36

by Jet Hitosis
Sep 15, 2020
Oh In Hye
In September 12, South Korean actress Oh In Hye posts on Instagram a series of her selfies, and uploads a skin care tutorial video on her YouTube channel. After two days, September 14, she passed away due to cardiac arrest.
PHOTO/S: allkpop.com

Pumanaw na ang Korean actress na si Oh In Hye nitong Lunes, September 14. Siya ay 36 anyos.

Binawian ng buhay ang aktres ilang oras matapos matagpuang walang malay sa loob ng kanyang bahay sa Songdo International City sa Yeonsu District sa Incheon City nitong Lunes.

Ayon sa report ng Korean top entertainment website na Soompi.com, kinumpirma ng Incheon Yeonsu Police at Incheon Songdo Fire Station na bandang 5:00 ng umaga nang magkaroon ng medical emergency si In Hye.

Inatake raw sa puso ang aktres, na binigyan ng cardiopulmonary resuscitation (CPR) bago isinugod sa ospital.

Bumalik sa normal ang paghinga at ang pulso ni In Hye pero hindi pa rin siya nagkamalay.

Bandang 8:00 ng gabi ng Lunes ay tuluyan nang binawian ng buhay ang aktres.

Iniimbestigahan ngayon ng pulisya ang lumutang na ulat na nagpatiwakal ang Korean actress, ayon sa media reports.

FUNERAL CEREMONY ON SEPTEMBER 16

Sa latest update ng Soompi, nagdaraos ngayon ng memorial service para kay In Hye sa Inha University Hospital sa Incheon.

Continue reading below ↓

Bukas, September 16, magsasagawa ng funeral ceremony para kay In Hye bago siya ilibing sa Incheon Family Park.

September 12 huling nag-post sa Instagram si In Hye. Nag-upload siya ng selfies habang bumabati ng “great weekend” sa kanyang followers.

Nang araw ding iyon, nag-upload din si In Hye ng skin care tutorial video sa kanyang YouTube channel.

Continue reading below ↓

Taong 2011 nang mapanood si In Hye sa una niyang pelikula, ang Sin of the Family.

October ng taong iyon, naging sentro ng kontrobersiya ang aktres nang maging agaw-atensiyon ang suot niyang revealing orange dress sa opening ceremony ng 16th Busan International Film Festival.

Ipinalabas sa nabanggit na film festival ang pelikula ni In Hye na Red Vacance Black Wedding, na idinirek ni Park Chul-soo.

Napanood din si In Hye sa mga pelikulang No Breathing (2013) at The Plan (2014). May special appearance din siya sa Korean drama na Yeonnam-dong 539 (2018).

Note: May handang makinig at tumulong sa mga taong dumaranas ng depression. Tumawag sa 24/7 hotlines ng The Hopeline Project sa (02) 8804-HOPE (4673), sa 0917-558-HOPE (4673), o sa 2919 (toll-free number sa lahat ng Globe at TM subscribers).

Maaari ring makipag-ugnayan sa National Center for Mental Health (NCMH) sa 0917-899-USAP (8727) at sa 0917-989-8727.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In September 12, South Korean actress Oh In Hye posts on Instagram a series of her selfies, and uploads a skin care tutorial video on her YouTube channel. After two days, September 14, she passed away due to cardiac arrest.
PHOTO/S: allkpop.com
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results