U.S. President Donald Trump, First Lady Melania Trump test positive for COVID-19

by Jet Hitosis
Oct 2, 2020
Melania Trump, Donald Trump
US President Donald Trump and First Lady Melania Trump at the White House grounds in Washington D.C., on June 11, 2017.
PHOTO/S: gettyimages.com

Positibo sa COVID-19 si United States President Donald Trump at ang asawang si First Lady Melania Trump.

Ang 74-year-old U.S. President mismo ang nagkumpirma nito sa isang tweet nitong Biyernes ng madaling-araw, October 2 (Biyernes ng tanghali sa Pilipinas).

Ayon kay Trump, sisimulan kaagad nilang mag-asawa ang proseso ng quarantine at ang agarang pagpapagaling.

Tweet ni Trump: “Tonight, @FLOTUS and I tested positive for COVID-19.

“We will begin our quarantine and recovery process immediately.

“We will get through this TOGETHER!”

Continue reading below ↓

Tinag niya ang official Twitter account ni Melania na @FLOTUS (First Lady of the United States).

Ayon sa media statement ni Navy Commander Dr. Sean Conley, presidential physician, maayos ang lagay ng mag-asawang Trump, na sa White House magka-quarantine.

“The President and First Lady are both well at this time, and they plan to remain at home within the White House during their convalescence.

“Rest assured I expect the President to continue carrying out his duties without disruption while recovering,” sabi ni Conley.

Kinumpirma ng presidente ang pagkakasakit nilang mag-asawa ilang oras makaraang magpositibo sa virus ang aide ni Trump na si Hope Hicks.

Nagpa-swab test ang mag-asawang Trump matapos magpositibo sa COVID-19 si Hicks.

Continue reading below ↓

Madalas na magkakasama ang Presidente, ang First Lady, at si Hicks sa nakalipas na mga linggo dahil nangangampanya si Trump para sa reelection.

Nakatakda sa November 3 ang presidential elections sa Amerika.

Amerika pa rin ang may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa mundo, na nasa 7.31 milyon na ngayon.

Mahigit 208,000 sa bilang na ito ang nasawi, ayon sa World Health Organization (WHO).

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
US President Donald Trump and First Lady Melania Trump at the White House grounds in Washington D.C., on June 11, 2017.
PHOTO/S: gettyimages.com
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results