Pia Wurtzbach called “ghost,” never considered as “competition” by Ariadna Gutierrez

Oct 7, 2020
Ariadna Gutierrez, Pia Wurtzbach
Ariadna Gutierrez of Colombia (left) was mistakenly pronounced as winner by host Steve Harvey during the Miss Universe 2015 pageant (center) on December 20, 2015 at Las Vegas, Nevada. Steve corrected himself four minutes after and clarified that the rightful Miss Universe 2015 was Philippines’ Pia Wurtzbach (right).
PHOTO/S: @gutierrezary, @piawurtzbach on Instagram, Getty Images

Masama pa rin ba ang loob ng Colombian beauty queen na si Ariadna Gutierrez sa nagkamaling pagpuputong sa kanya ng Miss Universe crown noong 2015?

Ito ang nasa isip ng marami matapos ungkatin ni Ariadna, 26, sa isang Zoom interview nitong October 3, ang tungkol kay Pia Wurtzbach, 31, na naging karibal niya sa korona sa Miss Universe 2015.

Ang kinatawan nating si Pia ang kinoronahang Miss Universe ng taong iyon. First runner-up naman si Ariadna.

Sa pageant na ginawa sa Las Vegas, Nevada, noong December 20, 2015, nagkamali ng inihayag na winner ang host na si Steve Harvey.

"Colombia" ang isinigaw ni Steve kaya si Ariadna ang kinoronahan.

Pero makalipas ang apat na minuto, nilinaw ni Steve na first runner-up ang Colombia at ang Pilipinas ang nagwaging Miss Universe 2015.

Binawi ang korona at sash ni Ariadna at ibinigay ito kay Pia.

Iyon ang unang beses na nagkamali ng pag-aanunsiyo ng nagwagi sa 68-year-old pageant.

Continue reading below ↓

Sa isang interview kay Ariadna sa W radio ng Colombia noong December 30, 2015, inamin ng beauty queen na “very humiliating” ang nangyari sa kanya.

Quote ng Hollywood Reporter kay Ariadna: “It was very humiliating for me, but also for the whole country and for all the people, not only from Colombia, but the other Latinos that were in the auditorium.”

ALMOST FIVE YEARS AFTER MISS UNIVERSE 2015

Nitong October 3, 2020, o halos limang taon matapos ganapin ang Miss Universe 2015, sinabi ni Ariadna sa isang Zoom interview na hindi niya inakalang si Pia ang mananalo.

Paliwanag ni Ariadna, parang “ghost” lang kasi ang presensiya ng Filipino-German beauty queen sa buong panahon ng pageant.

Kinapanayam si Ariadna ni Miss Colombia 2017 Laura Barjum at ng pageant enthusiast at YouTuber na si Hector Cermeno.

Ipinost ni Hector ang bahagi ng interview sa kanyang Instagram account nitong October 3.

Continue reading below ↓

Isinalin naman sa English ng local pageant website na Pageanthology 101 ang nabanggit na panayam.

“VERY SOLITARY” PIA, A “GHOST” FOR ARIADNA

Kuwento ni Ariadna, sa pre-pageant activities ay dalawang beses lang niyang nakita si Pia.

Quote ng Pageanthology 101 kay Ariadna: “I actually saw her twice during the competition, once at the dining area and during rehearsals.

“But a person like a… a ghost! You see her and never again, like the exit signs!

“Nobody saw her!” natatawang sabi ni Ariadna.

Bagamat mga kapwa niya Latina ang madalas na kasa-kasama noon ni Ariadna, nakikiumpok din daw siya sa mga Asian. Pero hindi niya raw napapansin si Pia.

“Very solitary” raw kasi ang pambato ng Pilipinas, ayon kay Ariadna.

Kaya para kay Ariadna, hindi niya itinuring na kakumpitensiya ang Pinay beauty titlist noong panahong iyon.

Balik-tanaw ni Ariadna: “I used to go with the Latinas but we sat with the Asians and I did not notice her. She was very solitary, too.

Continue reading below ↓

“I did not notice her and when I did, I did not think of her as my competition. That is the truth.”

MISS BULGARIA SLAMS ARIADNA, DEFENDS PIA

Kumalat online ang Zoom interview na ito kay Ariadna.

Napanood ito ni Radost Todorova, ang pambato ng Bulgaria sa Miss Universe 2015.

Continue reading below ↓

Si Radost ang tinagurian ng mga Pilipino na “BFF” (best friend forever) ni Pia sa crowning moment ng huli sa pageant.

Ito ay matapos mag-viral ang video clip ni Radost habang hinihikayat si Pia na pumuwesto sa gitna ng stage para makoronahan, matapos ihayag ni Steve na ang Pilipinas ang nagwagi ng Miss Universe crown.

Continue reading below ↓

Kasunod ng pahayag ni Ariadna laban kay Pia, dumepensa si Radost para sa Pinay Miss Universe.

Base sa mga naging pahayag ng Bulgarian beauty titlist, kasama niya sa grupo si Pia sa kasagsagan ng pageant.

Mahihinuha ring may negatibong personal na karanasan si Radost kung paano raw tratuhin ni Ariadna, at ng iba pang Latina, ang ibang Miss Universe candidates.

Sa pamamagitan ng interview ng Entertainment News Portal, binigyang-linaw ni Radost kung paano nasabi ni Ariadna na hindi nito napapansin si Pia.

Sabi ni Radost kay Ariadna: “Of course you didn’t see her [Pia]!

“I remember you were always laughing at us, at our clothes and jewelry, at our walk and talk. You were only with the other Latinas looking down on us!

“I stand behind my words.”

Continue reading below ↓

“HAPPY” FOR PIA’S WIN

Para kay Radost, deserving si Pia sa Miss Universe crown.

Kasabay ng papuri ni Radost sa kabutihan ng puso ni Pia, pinasaringan naman niya si Ariadna.

“That’s why we were all so happy Pia won,” patuloy ni Radost.

“You need to be beautiful inside and out, not only looking like a Victoria’s Secret model and act like the queen of England!”

Ipinagdiinan ni Radost na hindi karapat-dapat si Ariadna sa prestigious beauty title.

“You will never be, unless you start acting like a decent human being!” sinabi ni Radost kay Ariadna.

Continue reading below ↓

RADOST ON “GHOST” COMMENT VS PIA

Nakatanggap marahil si Radost ng mga pambabatikos mula sa mga fans ni Ariadna dahil sa kanyang pahayag.

Nagpaliwanag kasi si Radost, sa isang Instagram post, na wala siyang intensiyong makipag-away kaugnay ng naging reaksiyon niya sa pahayag ni Ariadna laban kay Pia.

Hindi lang daw niya kinaya ang “ghost” comment ng Colombian beauty queen laban kay Pia, halos limang taon matapos ang pageant.

Parang “nobody” lang daw si Pia sa pagkakakuwento ni Ariadna, gayung ang Pinay beauty queen nga ang hinirang na Miss Universe 2015.

Saad sa statement ni Radost sa Instagram: “I don’t mean to offend anyone! But after 5 years still commenting on the winner this way… as if she was nobody?!

“A ‘ghost’?! I mean — to be a beautiful person is something you don’t do at the esthetician’s cabinet, it’s something you accomplish at school and at your community!”

Sigurado raw si Radost na naaalala pa si Pia ng mga Miss Universe 2015 contestants.

Continue reading below ↓

Naging “FRIENDS” daw kasi sila, “not just opponents,” at nagtulung-tulong “[to] feel good about ourselves.”

“TRUE BEAUTY OF BEING A QUEEN”

Balik-tanaw pa ni Radost: “We were there to embrace beauty! True beauty!

“And it has nothing to do with how you look but how you make people feel around you!

“That’s the beauty of being a queen!

“It’s not the crown, it’s your heart,” ani Radost.

Sa huli, nanawagan si Radost laban sa cyberbullying, na hindi raw kailangan ng mundo ngayong panahon ng krisis.

Sa halip, dapat manaig ang “love and peace,” ayon kay Radost.

Continue reading below ↓

Hindi nag-react si Ariadna sa mga naging pahayag ni Radost laban sa kanya.

Wala ring reaksiyon si Pia sa mga sinabi ni Ariadna, maging sa ginawang pagtatanggol ni Radost sa kanya.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ariadna Gutierrez of Colombia (left) was mistakenly pronounced as winner by host Steve Harvey during the Miss Universe 2015 pageant (center) on December 20, 2015 at Las Vegas, Nevada. Steve corrected himself four minutes after and clarified that the rightful Miss Universe 2015 was Philippines’ Pia Wurtzbach (right).
PHOTO/S: @gutierrezary, @piawurtzbach on Instagram, Getty Images
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results