Ariadna Gutierrez claims controversial comment about Pia Wurtzbach was "misunderstood"

Oct 9, 2020
Miss Colombia 2015 Ariadna Gutierrez (left) draws ire of netizens after she likened former rival, Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach (right), to a "ghost".
PHOTO/S: @gutierrezary, @piawurtzbach on Instagram

Misunderstood si Miss Colombia 2015 Ariadna Gutierrez.

Ito ang himutok ng 26-year-old beauty titlist-turned-actress matapos siyang umani ng batikos sa naging komento niya tungkol kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, 31.

Si Ariadna ang first runner-up kay Pia sa pageant na ginanap sa Las Vegas, Nevada noong December 20, 2015.

Hindi sinasadyang nabahiran ng kontrobersiya ang coronation night nang nagkamali ang host na si Steve Harvey sa pag-aanunsiyo ng nanalo.

Si Ariadna ang naiproklama ni Steve bilang Miss Universe winner, pero makalipas ang apat na minuto ay itinuwid ng host ang kanyang pagkakamali.

Kasunod nito, ang korona at sash na suot ni Ariadna ay inilipat kay Pia.

Dahil sa nangyari, natural na maintriga ang netizens sa bagong pahayag ni Ariadna tungkol kay Pia, sa isang Zoom interview nitong October 3.

THE “GHOST” COMMENT

Translated ng local pageant website na Pageanthology 101 ang panayam kay Ariadna, na nagsalita sa Spanish.

Sa interview kay Ariadna, ayon sa Pageanthology 101, ikinumpara niya si Pia sa isang “ghost,” dahil hindi raw ito napapansin sa pageant.

Continue reading below ↓

Batay sa impresyong iyon, hindi raw ikinonsidera ni Ariadna na kakumpetensiya ang Filipino-German beauty queen.

Narito ang kabuuang quote ng Pageanthology 101 sa komento ni Ariadna tungkol kay Pia:

“I actually saw her twice during the competition, once at the dining area and during rehearsals.

“But a person like a… a ghost! You see her and never again, like the exit signs! Nobody saw her!

“I used to go with the Latinas but we sat with the Asians and I did not notice her. She was very solitary, too.

“I did not notice her and when I did, I did not think of her as my competition. That is the truth.”

Continue reading below ↓

MISS BULGARIA VS MISS COLOMBIA

Inabangan ng pageant enthusiasts at ng mga Pilipino kung ano ang magiging reaksiyon ni Pia sa sinabi ni Ariadna.

Pero sa halip na si Pia, si Miss Bulgaria 2015 Radost Todorova ang galit na nag-react sa sinabi ni Ariadna.

Sa asar ni Radost, ibinunyag niya ang hindi umano magandang pakikitungo ni Ariadna at ng iba pang Latina contestants kay Pia at sa iba pang kandidata.

Todo-tanggol kay Pia, nagparunggit pa si Radost kay Ariadna.

Sinabi ni Radost na tama lang na si Pia ang nanalo, dahil ang korona ay para sa “beautiful inside and out, not only looking like a Victoria’s Secret model and act like the queen of England!”

Continue reading below ↓

FILIPINOS STORM ARIADNA’S INSTAGRAM

Ang komento ni Ariadna tungkol sa nakaribal niya sa Miss Universe crown at ang ibinulgar ni Radost na hindi umano maayos na trato ng Colombian beauty queen kay Pia ang marahil ay nagbunsod upang kuyugin ng bashers si Ariadna.

Sa pagsilip ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Instagram ni Ariadna, makikitang dagsa ang mga negatibong komento roon laban sa kanya.

Pawang Pilipino ang nagkomento kontra kay Ariadna, bilang pagtatanggol kay Pia.

Sinabihan nila si Ariadna ng "bitter" at mag-"move on" na mula sa pagkatalo sa pageant halos limang taon na ang nakalipas.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Ang ilang netizens, inakusahan si Ariadna ng pagkakaroon ng masamang ugali, batay sa kuwento ni Miss Bulgaria.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Mayroon ding lantarang nagkumpara sa mga buhay ngayon nina Ariadna at Pia.

Continue reading below ↓

“PEOPLE DON’T EVER UNDERSTAND WHAT I SAID”

Mahihinuhang naapektuhan si Ariadna sa mga natanggap niyang pambabatikos.

Sa reply ng beauty queen sa isa niyang Instagram follower nitong October 6, nagpaliwanag siya kaugnay ng ngayon ay kontrobersiyal na niyang pahayag tungkol kay Pia.

Ayon sa ulat ng local pageant news website na Entertainment News Portal (ENP), sinabi ni Ariadna na mali ang pagkakaintindi ng netizens sa kanyang komento.

Continue reading below ↓

Hindi raw niya sinabing hindi karapat-dapat si Pia sa Miss Universe crown.

Nalulungkot din daw si Ariadna para sa mabubuting Pilipinong kakilala niya.

Ibang-iba raw kasi ang mga ito sa mga namba-bash sa kanya ngayon sa social media.

Translated quote ng ENP sa Instagram comment ni Ariadna: “[I never said Pia was undeserving of her win]. People don’t ever understand what I said.

“I feel so sad for the super nice [Filipinos] I’ve met in my life. They are not like this.”

Continue reading below ↓

Kapansin-pansing hindi binigyang-linaw ni Ariadna kung ano ang ibig niyang ipakahulugan sa sinabing hindi niya ikinonsiderang “competition” si Pia sa kasagsagan ng pageant.

Hindi rin nagpaliwanag si Ariadna kung bakit ikinumpara niya sa "ghost" ang presensiya ni Pia tuwing magkakasama ang mga kandidata sa pre-pageant activities.

Ang tanging malinaw sa pahayag ni Ariadna, hindi niya nagustuhan ang pambabatikos na inaani niya ngayon mula sa mga Pilipino.

At press time, nananatiling tikom ang bibig ni Pia sa naging komento ni Ariadna laban sa kanya.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Colombia 2015 Ariadna Gutierrez (left) draws ire of netizens after she likened former rival, Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach (right), to a "ghost".
PHOTO/S: @gutierrezary, @piawurtzbach on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results