Sandara Park recalls adhering to dating ban as 2NE1 member; apologizes to ex-boyfriends

Oct 10, 2020
Sandara Park
In 2009, South Korean singer-actress Sandara Park was introduced as one of the members of all-girl singing group 2NE1. The group disbanded in 2016.
PHOTO/S: @daraxxi on Instagram

Nag-sorry ang Korean singer-actress na si Sandara Park sa kanyang ex-boyfriends on national TV nang mag-guest siya sa isang Korean talk show kamakailan.

Ito ay matapos aminin ni Sandara, 35, na tumupad siya sa ipinataw noon sa kanyang “dating ban” bilang miyembro ng matagumpay pero disbanded na ngayong Korean all-girl group, ang 2NE1.

Sinabi ito ni Sandara nang mag-guest siya sa Korean TV show na Love Intervention nitong October 6.

Tinalakay sa show kung paano napapanatiling matatag ang love life kahit pa may COVID-19 pandemic.

CONTACT-FREE DATING

Kuwento ni Sandara, bago pa man nagkaroon ng pandemya ay ginagawa niya na ang contact-free dating.

“I’ve been in ‘untact’ (non face-to-face contact) relationships even before COVID-19,” ulat ng top Korean entertainment website na Soompi sa sinabi si Sandara.

Paliwanag ni Sandara, nasanay siya sa contact-free dating noong miyembro pa siya ng 2NE1.

Mahigpit daw kasing ipinagbabawal noon sa mga miyembro ng 2NE1 ang pagkakaroon ng romantic relationships.

Continue reading below ↓

Sandara (far right) and other 2NE1 members

Ang YG Entertainment ang talent management agency ni Sandara at ng 2NE1.

Pagbabalik-tanaw ni Sandara, trainee pa siya noon sa 2NE1 nang mapagalitan siya sa pagkakaroon ng boyfriend.

Kuwento ni Sandara: “When I was a trainee, I was scolded for being in a relationship.

Continue reading below ↓

“My manager took away my cellphone.”

FIVE-YEAR DATING BAN

Nang ganap na raw na maging 2NE1 member si Sandara, kinailangan naman niyang tumalima sa limang-taong dating ban ng YG Entertainment.

“Then after I debuted, there was a five-year dating ban.”

Ayon kay Sandara, tumalima siya sa ban.

Kumpara sa ibang Korean idols na sumusuway at nagde-date nang palihim, hindi raw talaga nakipag-date si Sandara sa loob ng limang taon.

“I really didn’t date because they told me not to,” kuwento pa ni Sandara.

SINGLE ANG DATING

Kamakailan lang daw nanindigan si Sandara na magiging aktibo na siyang muli sa pakikipag-date.

Kailangan lang pala niyang maging mas “assertive,” aniya.

Sabi ni Sandara: “Only recently did I make up my mind to date actively. All I needed was a will to be more assertive.”

Sa puntong ito, humingi ng paumanhin si Sandara sa mga dati niyang boyfriend.

“I would like to take this opportunity to apologize to my ex-boyfriends,” sabi ni Sandara.

Continue reading below ↓

Naaliw sa honest answer ni Sandara, napuno ng tawanan ng audience ang studio.

SANDARA, A KAPAMILYA

Bagamat sikat na sikat na ngayon sa kanyang bansa, sa Pilipinas nagsimula ang showbiz career ni Sandara.

Sumali siya sa ABS-CBN reality talent show na Star Circle Quest noong 2004, at naging second placer sa winner na si Hero Angeles.

Napanood si Sandara sa mga pelikulang Bcuz Of U, Can This Be Love, D’ Lucky Ones, at Super Noypi.

Nagkaroon din siya ng self-titled album, kung saan nakapaloob ang pinasikat niyang kanta na “In Or Out.”

SANDARA AND JOSEPH

Naging boyfriend ni Sandara ang kapwa Star Circle Quest alumnus na si Joseph Bitangcol.

Hiwalay na sila bago pa man bumalik sa South Korea ang pamilya ni Sandara noong 2007.

Sa South Korea, pumirma si Sandara sa YG Entertainment hanggang naging opisyal na miyembro ng 2NE1 noong 2009.

Nang mag-disband ang 2NE1 noong 2016, naging solo artist na si Sandara.

Continue reading below ↓

Sa buong panahon ng career ni Sandara sa South Korea, pinanatili niyang pribado ang kanyang love life.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In 2009, South Korean singer-actress Sandara Park was introduced as one of the members of all-girl singing group 2NE1. The group disbanded in 2016.
PHOTO/S: @daraxxi on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results