Prince of Brunei Azim Bolkiah dies at 38

by Jet Hitosis
Oct 26, 2020
The Philippine Embassy and the Filipino Community in Brunei Darussalam convey its heartfelt condolences to the Brunei Royal Family on the passing of Prince Haji Abdul Azim on October 24, at the age of 38.
PHOTO/S: Childhood Cancer International, @bruneiroyalfamily on Instagram

Pumanaw ang isa sa mga tagapagmana ng trono ni Brunei Sultan Haji Hassanal Bolkiah na si Prince Haji Abdul Azim, sa edad na 38.

Si Prince Azim ay isa ring philanthropist at film producer.

Pasado 10:00 ng umaga ng Sabado, October 24, nang binawian ng buhay ang prinsipe.

Alinsunod sa tradisyong Islam, inilibing si Azim nang araw ring iyon, ayon sa official announcement ng state broadcaster na Radio Television Brunei.

“Sultan Haji Hassanal Bolkiah's son Prince Haji 'Abdul' Azim passed away on 7th of Rabi-ul-awal (Oct 24) at 10.08am local time.

“The funeral will take place during Asr prayers (late noon) this evening,” iniulat ng Radio Television Brunei.

Ipinost sa Instagram page ng Brunei Royal Family ang mga litrato at video sa paglilibing kay Azim.

Inihimlay ang labi ng prinsipe sa tabi ng kanyang lolo, ang dating Brunei Sultan na si Sultan Omar Ali Saifuddien III (1914-1986), sa Royal Mausoleum sa Bandar Seri Begawan.

Continue reading below ↓


Continue reading below ↓

REASON OF DEATH

Hindi tinukoy sa official statement kung ano ang ikinamatay ni Azim.

Pero sa report ng news websites na The Star at The Strait Times, sinabing pumanaw ang prinsipe dahil sa matagal na nitong iniindang sakit.

Ayon sa source ng The Star, matagal-tagal na ring naka-confine si Azim sa isang ospital sa Brunei Darussalam.

Gayunman, walang detalye kung ano ang sakit ng prinsipe.

Nagdeklara ng pitong araw na mourning period sa buong Brunei, ayon sa media reports.

Sa buong panahong iyon, naka-half-mast ang lahat ng watawat ng bansa.

Ang kababaihang Muslim ay inaatasang magsuot ng puting tudung o headscarf, habang ang mga non-Muslim ay dapat na mayroong puting armband, na may lapad na tatlong pulgada.

FOURTH-IN-LINE TO THE THRONE

Si Prince Azim ay ikalawang anak na lalaki ni Sultan Bolkiah.

Isinilang siya noong July 29, 1982 bilang panganay na anak ng sultan sa ikalawang asawang si Pengiran Isteri Hajah Mariam.

Continue reading below ↓

Si Azim ang sana'y ikaapat na tagapagmana ng trono ni Sultan Bolkiah, na isa sa pinakamayaman sa mundo.

Nag-aral si Azim sa mga prestihiyosong international schools, kabilang ang International School Brunei, ang Raffles Institution sa Singapore, at ang Leighton Park School at Oxford Brookes University sa United Kingdom.

Nag-enroll din siya sa Royal Military Academy Sandhurst ng England, pero umalis siya sa eskuwelahan makalipas ang isang linggo.

THE FILM PRODUCER

Kalaunan, sumabak si Azim sa film production.

Ayon sa LinkedIn profile ni Azim, nagsilbi siyang producer para sa Daryl Prince Productions na nakabase sa London.

Base sa credits ni Azim sa online entertainment database na IMDb.com, kabilang sa mga pelikulang produced niya ang You’re Not You (2014), Dark Places (2015), Wild Oats (2016), The Time of Their Lives (2017), at The Happy Prince (2018).

Dahil bahagi ng film industry, kilala si Azim sa pagdaraos ng mga bonggang Hollywood parties, lalo na tuwing kaarawan niya.

Continue reading below ↓

Malapit si Azim sa pamilya ng pumanaw na King of Pop na si Michael Jackson (1958-2009).

Sa katunayan, nag-post nitong Sabado ang kapatid ni Michael, ang singer ding si Janet Jackson, ng Instagram Story bilang pamamaalam kay Azim.

Kaibigan din ni Azim ang singer na si Mariah Carey, at ang Hollywood actresses na sina Scarlett Johansson at Pamela Anderson.

Continue reading below ↓

THE PHILANTHROPIST

Sa kabila ng kanyang bonggang lifestyle, may puso sa pagkakawanggawa si Azim.

Regular siyang nagdo-donate sa Make A Wish Foundation, isang non-profit organization sa Amerika na tumutulong sa pagpapagamot sa mga batang may malulubhang karamdaman.

Kinikilala rin ang kabutihan ni Azim sa pagpapagamot sa mga batang may cancer sa Brunei, sa pamamagitan ng Childhood Cancer International.

Si Azim ay isa ring masugid na tagasuporta ng autism awareness campaign sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Philippine Embassy and the Filipino Community in Brunei Darussalam convey its heartfelt condolences to the Brunei Royal Family on the passing of Prince Haji Abdul Azim on October 24, at the age of 38.
PHOTO/S: Childhood Cancer International, @bruneiroyalfamily on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results