Sean Connery dies at 90; praised as the ultimate James Bond

by Bernie V. Franco
Oct 31, 2020
Legendary actor and Oscar-winner Sean Connery passed away Saturday, October 31, in his sleep while in the Bahamas. Right photo shows him as James Bond.
PHOTO/S: Instagram (credit to the owner/s)

Pumanaw na ang first-ever James Bond actor na si Sean Connery sa edad na 90.

Kinumpirma ng kanyang anak na lalaki ang pagpanaw ni Sean ngayong Sabado, October 31, 2020.

Hindi tinukoy ang dahilan ng pagkamatay ng Scottish actor, ngunit sinabi ng anak na si Jason na may "lingering illness" ang ama.

Ayon sa international news agencies, namatay ang aktor “in his sleep” sa kanyang tahanan sa Nassau, Bahamas. Ang lugar na ito ang location ng pelikula niyang Thunderball.

Nagsimula ang career ng Scottish actor noong 1950s bilang extra sa mga pelikula.

Umangat ang kanyang pangalan sa international scene nang gampanan niya ang role ng British secret agent na si James Bond 007, sa pelikulang Dr. No, noong 1962.

Si Sean ang kauna-unahang gumanap ng iconic British spy na likha ng author na si Ian Fleming.

Si Daniel Craig, ang kasalukuyang James Bond, ay nagsabing, "Sir Sean Connery will be remembered as Bond and so much more."

Continue reading below ↓

Ayon pa sa BBC News, pagpupuri ni Craig, "He defined an era and a style. The wit and charm he portrayed on screen could be measured in megawatts; he helped create the modern blockbuster.

"He will continue to influence actors and film-makers alike for years to come. My thoughts are with his family and loved ones."

Pagpupugay ni Craig, si Sean ay "one of the true greats of cinema."

Sa kabuuan, nakagawa siya ng pitong James Bond movies: Dr. No, From Russia with Love (1963), Goldfinger (1964), Thunderball (1965), You Only Live Twice (1967), Diamonds are Forever (1971), at Never Say Never Again (1983).

Ayon pa rin sa BBC News, sinabi ng Bond producers na sina Michael Wilson at Barbara Broccoli na "devastated" sila sa balita ng pagkamatay ni Sean.

Sabi pa ng producers: "He was and shall always be remembered as the original James Bond whose indelible entrance into cinema history began when he announced those unforgettable words 'the name's Bond... James Bond'."

Continue reading below ↓

Ginawaran si Connery ng Best Supporting Actor sa Oscars para sa kanyang pagganap bilang Jim Malone sa 1987 movie The Untouchables.

Ilan pa sa kinabilangan niyang Hollywood movies ay ang Indiana Jones and the Last Crusade (1989), The Hunt for Red October (1990), Robin Hood: Prince of Thieves (1991), First Knight (1995), The Rock (1996), The Avengers (1998), at The League of Extraordinary Gentlemen (2003).

Continue reading below ↓

Ginawaran siya ng knighthood ni Queen Elizabeth II noong 2000.

Inanunsiyo naman ni Sean ang kanyang retirement sa pag-arte noong June 2006. Ginawa niya ang announcement nang tanggapin niya ang Lifetime Achievement Award mula sa American Film Institute.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Legendary actor and Oscar-winner Sean Connery passed away Saturday, October 31, in his sleep while in the Bahamas. Right photo shows him as James Bond.
PHOTO/S: Instagram (credit to the owner/s)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results