South Korean comedian Park Ji Sun, mother found dead at home

by Jet Hitosis
Nov 2, 2020
Park Ji Sun
South Korean comedian Park Ji Sun (in photo) and her mother were found dead inside their home in Seoul, Monday, November 2. Police are investigating what caused their deaths but they are suspecting the mother and daughter committed suicide.
PHOTO/S: Soompi.com, Yonhap News Agency

Natagpuang patay ang South Korean comedian na si Park Ji Sun, kasama ang kanyang ina, sa loob ng kanilang bahay sa Seoul, ngayong Lunes, November 2.

Batay sa reports ng South Korean media, bandang 1:44 ng hapon ngayong Lunes nang natagpuan ng mga tauhan ng Seoul Mapo Police si Ji Sun, 36, at ang kanyang ina na kapwa wala nang buhay sa loob ng kanilang bahay sa Mapo District, Seoul.

Ayon sa police report, nagpasaklolo sa pulisya ang ama ni Ji Sun matapos na hindi nito ma-contact ang asawa at anak.

Pareho raw hindi sinasagot ng mag-ina ang kani-kanilang mobile phones, ayon sa ama ng komedyante.

Hindi pinangalanan sa media reports ang mga magulang ni Ji Sun.

Nang dumating sa bahay ni Ji Sun ang ama, kasama ang mga pulis, ay nakita nila ang mag-inang parehong patay na.

A CASE OF MOTHER & DAUGHTER COMMITTING SUICIDE?

Ayon sa pulisya, walang senyales na pinaslang ang mag-ina.

Continue reading below ↓

Wala rin daw anumang palatandaang puwersahang pinasok ang mga ito sa bahay.

Sa kabila nito, walang detalyeng ibinigay ang mga pulis kung ano ang sitwasyon o hitsura ng mga labi ng mag-ina nang madiskubre ang mga ito.

Sinabi ng pulisya na inaalam pa nila ang sanhi ng pagkamatay ni Ji Sun at ng kanyang ina.

Pero ayon sa media reports, may suspetsa ang Seoul Mapo Police na nag-suicide ang mag-ina.

Nakasaad din sa police report na pansamantalang nakatuloy ang ina sa bahay ni Ji Sun dahil may iniindang sakit ang komedyante.

Nagpapagamot daw ito sa ngayon, kaya inaalagaan ng kanyang ina.

Gayunman, hindi sinabi ng pulisya kung ano ang sakit ni Ji Sun.

PARK JI SUN: THE FUNNY WOMAN

Taong 2007 nang nakilala si Ji Sun bilang isa sa mga mainstays ng sikat na Korean comedy TV show na Gag Concert, na ipinalabas sa KBS channel.

Napanood din si Ji Sun sa iba pang TV shows kabilang ang Infinite Challenge, Yoo Quiz on the Block, at King of Mask Singer.

Continue reading below ↓

Ilang beses na rin siyang tumanggap ng pagkilala mula sa KBS Entertainment Awards simula 2007 hanggang 2010.

Sa nakalipas na mga taon, pinagtuunan ni Ji Sun ang pagho-host ng special events, press conferences, film showcases, at iba pang entertainment presentations.

May handang makinig at tumulong sa mga taong dumaranas ng anxiety at depression.

Tumawag sa mga hotlines ng The Hopeline Project sa (02) 8804-HOPE (4673), sa 0917 558 HOPE (4673), o sa 2919 (toll-free number sa lahat ng Globe at TM subscribers).

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
South Korean comedian Park Ji Sun (in photo) and her mother were found dead inside their home in Seoul, Monday, November 2. Police are investigating what caused their deaths but they are suspecting the mother and daughter committed suicide.
PHOTO/S: Soompi.com, Yonhap News Agency
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results