U.S. President Donald Trump’s campaign team faces legal action for using "YMCA" at rallies

by Jet Hitosis
Nov 6, 2020
Donald Trump
U.S. President Donald Trump dances to the tune of Village People's classic hit "YMCA" during a campaign rally in Carson City, Nevada, on October 18, 2020.
PHOTO/S: Screenshot from CTV News

Sasampahan ng kaso ang campaign team ni U.S. President Donald Trump sa paggamit sa classic song na “YMCA” sa campaign rallies at videos ng kontrobersiyal ngayong reelectionist.

Ito ang banta ng abogado ng Paris-based music label na Scorpio Music.

Ang kumpanya ang may hawak ng rights sa awiting “YMCA” ng American disco group na Village People.

Taong 1978 nang ini-release ang “YMCA,” na ikinokonsidera bilang isang gay anthem.

Ang awiting ito ang ginagamit na closing song sa huling campaign rallies ni Trump ilang linggo bago ang U.S. election nitong November 3.

Nag-viral pa ang video clips ng pagsasayaw ni Trump sa saliw ng “YMCA” habang nasa stage, sa kanyang campaign rally sa Carson City, Nevada noong October 18.

TRUMP’S DANCE MOVES

Gayunman, iba ang sayaw ni Trump sa iconic choreography ng kanta.

Nakamulatan na ang pagmumuwestra ng mga braso at kamay sa mga letrang Y, M, C, A kapag sinasayaw ang chorus ng kanta.

Continue reading below ↓

Si Trump, umiindak sa “YMCA” na parang sumusuntuk-suntok sa hangin, kasabay ng bahagyang pagtiklop-tiklop ng mga tuhod at pagpalakpak, habang maya’t mayang itinuturo ang crowd.

Ang dance moves na ito ni Trump ay nagbunsod ng isang dance challenge sa video-creating app na TikTok, ang “Trump Dance.”

Samantala, ginamit din ang kantang “YMCA” bilang soundtrack sa campaign video ni Trump, na isinapubliko ilang araw bago ang U.S. election.

A CASE OF THEFT?

Ayon kay Atty. Richard Malka, rights lawyer na kumakatawan sa Scorpio Music, walang pahintulot ang paggamit ni Trump sa “YMCA.”

Malinaw na “theft of the property of others” daw ang ginawa ng campaign team ng incumbent president, batay sa report ng Agence France Presse (AFP) ngayong Biyernes, November 6.

Sinabi ni Malka na ang kanyang mga kliyente “have discovered with amazement this misappropriation, moreover for partisan and electoral purposes for the benefit of Donald Trump, which they would never have accepted.”

Continue reading below ↓

Aniya, ang hindi awtorisadong paggamit ng campaign team ni Trump sa nabanggit na kanta ang “subject of a complaint in the next few days, both in France and in the United States, against any initiator or accomplice of what constitutes outright theft of the property of others.”

Ang “YMCA” ay isinulat ng French writers na sina Jacques Morali at Henri Belolo.

Kasama nina Jacques at Henri ang lead singer ng Village People na si Victor Willis.

Sa isang statement noong February 2020, sinabi ng Village People na hindi nila minamasama kung pinapatugtog at sinasayaw pa rin hanggang ngayon ang 42-year-old hit song nila.

Pero ayaw raw nila itong maiugnay sa pulitika, kaya hindi sila kumpormeng gamitin sa campaign events ni Trump ang pinasikat nilang kanta.

TRUMP’S BUSY ATTACKING ELECTION’S INTEGRITY

Walang reaksiyon ang kampo ni Trump sa bantang ito ng rights holders ng “YMCA.”

Abalang-abala kasi ngayon ang presidente sa paggigiit na nagkaroon ng dayaan sa katatapos na eleksyon, dahilan kaya malaki ang lamang sa kanya ni dating Vice President Joseph Biden, 77.

Continue reading below ↓

Ilang oras matapos hilingin ang pagpapahinto sa pagbibilang ng mga boto sa natitirang battleground states, muling binigyang-diin ni Trump na dinadaya umano ng Democratic Party ang vote counting, ayon sa The Associated Press (AP).

Si Trump ay mula sa karibal na Republican Party.

Bagamat paulit-ulit ang alegasyong ito ni Trump, wala siyang maiharap na ebidensiya o anumang basehan para patotohanan ang kanyang mga paratang.

“This is a case when they are trying to steal an election, they are trying to rig an election,” sinabi ni Trump habang nasa podium ng White House briefing room nitong Huwebes ng gabi, November 5 (Biyernes ng umaga sa Pilipinas).

Dagdag ni Trump: "If you count the legal votes, I easily win. If you count the illegal votes, they can try to steal the election from us."

Continue reading below ↓

PRO-TRUMP PROTESTS

Nauna nang kinuwestiyon sa korte ng legal team ni Trump ang bilangan ng mga boto sa Pennsylvania, Michigan, at Georgia states.

Sa latest development, inulit ni Trump ang nauna niyang banta na kukuwestiyunin sa U.S. Supreme Court ang resulta ng eleksyon at ipapahinto ang pagbibilang sa natitirang mga boto.

Dagsa na rin sa kalsada, at maging sa social media, ang mga tagasuporta ni Trump.

Tulad ng Presidente, ipinipilit ng mga nagpoprotesta na dinadaya raw ang pagbibilang sa mga mail-in at absentee ballots.

Ang paggamit ng mail-in ballots sa unang pagkakataon ang nagpapatagal sa bilangan ng mga boto.

Isa itong alternatibo sa aktuwal na pagpunta sa voting centers, upang maiwasan ang siksikan at hawahan ng COVID-19 sa huling araw ng eleksyon nitong November 3.

Isang pro-Trump group, na binansagang "STOP THE STEAL," ang na-ban ng pamunuan ng Facebook ngayong Biyernes, iniulat ng Washington Post.

Nagsasagawa raw kasi ng "threats of violence" ang grupo, sabi ng Facebook.

Continue reading below ↓

Ayon sa report, binuo ang grupo upang himukin ang mga Amerikano na lumabas sa lansangan at sumali sa mga pro-Trump protests.

THE NEW PRESIDENT?

Samantala, iniulat ng media na hindi pa man pormal na naipoproklamang nanalo, nagpapakita na raw ng “more traditional image of presidential leadership” si Biden.

Pagkatapos makibahagi sa isang COVID-19 briefing ng gobyerno nitong Huwebes, idineklara ni Biden sa harap ng mga miyembro ng media na “each ballot must be counted.”

Continue reading below ↓

Umapela rin si Biden sa mga Amerikano na manatiling mahinahon: “I ask everyone to stay calm. The process is working.

“It is the will of the voters. No one, not anyone else who chooses the president of the United States of America.”

At press time, ayon sa AP, humakot na si Biden ng mahigit 73 milyong boto.

Ito ang pinakamalaking botong nakuha ng isang presidential candidate sa kasaysayan ng Amerika.

Dahil dito, inaasahang si Biden na ang mamumuno sa Amerika sa susunod na apat na taon, kapalit ni Trump.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
U.S. President Donald Trump dances to the tune of Village People's classic hit "YMCA" during a campaign rally in Carson City, Nevada, on October 18, 2020.
PHOTO/S: Screenshot from CTV News
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results