K-pop idols Jihyo of Twice, Daniel Kang break up

by Jet Hitosis
Nov 10, 2020
Jihyo, Kang Daniel
K-pop idols Jihyo (left) of Twice and Kang Daniel (right) end their relationship after one year and three months of being together.
PHOTO/S: @jypjihyo, @daniel.k.here on Instagram

Hiwalay na ang K-pop idols na si Jihyo ng all-girl group na Twice at si Kang Daniel.

Sa exclusive report ng Korean entertainment website na Dispatch ngayong Martes, November 10, kinumpirmang break na ang kapwa 23-year-old singers.

Tumagal nang isang taon at tatlong buwan ang kanilang relationship.

Ayon sa report ng Dispatch, naghiwalay sina Jihyo at Daniel dahil sa kawalan ng panahon sa isa’t isa.

Pareho kasi silang busy sa kani-kanilang career.

THE END

Quoted ang source ng Dispatch sa pagsasabing ang K-pop idols “had clear goals.”

Dagdag pa ng source: “As they were focused on working on their albums, the number of meetings decreased.

“It appears that they thought work is more important now.”

Busy ngayon si Jihyo at ang Twice sa pagpo-promote ng bago nilang album na Eyes Wide Open.

Abala rin si Daniel sa recording ng bago niyang album.

Ngayong Martes, iniulat ng isa pang Korean entertainment website, ang Soompi, na kinumpirma ng isang source mula sa JYP Entertainment ang hiwalayan nina Jihyo at Daniel.

Continue reading below ↓

Ang JYP Entertainment ang talent management agency ng Twice.

“It is true that they broke up recently,” maikling pahayag ng source mula sa JYP.

Sa panig ng KONNECT Entertainment, ang talent agency ni Daniel, sinabi nitong maglalabas sila ng pahayag sa issue kapag may go-signal na ito ng singer.

THE BEGINNING

Taong 2018 nang nagkakilala sina Jihyo at Daniel sa pamamagitan ng isang common friend.

Leader pa noon si Daniel ng 11-member K-pop boy banda na Wanna One.

Nag-disband ang Wanna One bago matapos ang 2018, makaraang mapaso ang kontrata ng mga miyembro nito.

Kasunod nito, naglunsad ng solo career si Daniel at itinatag ang sarili niyang talent agency, ang KONNECT Entertainment.

August 2019 nang kinumpirma nina Jihyo at Daniel na mayroon silang romantic relationship.

Makalipas ang mahigit isang taon, nauwi rin sa hiwalayan ang lahat.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
K-pop idols Jihyo (left) of Twice and Kang Daniel (right) end their relationship after one year and three months of being together.
PHOTO/S: @jypjihyo, @daniel.k.here on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results