“I am trans, my pronouns are he/they and my name is Elliot.”
Ito ang inanunsiyo ng Canadian actor-producer-director na si Elliot Page ngayong Miyerkules, December 2.
Isa siya sa mga bida ng Netflix series na Umbrella Academy.
Si Elliot, 33, ay dating kilala sa pangalang Ellen Page, ang Oscar-nominated actress na nagbida sa coming-of-age film na Juno noong 2007.
Napanood din siya sa mga pelikulang X-Men: The Last Stand (2006), X-Men: Days of Future Past (2014), at Inception (2010).
Sumabak na rin siya sa filmmaking. Noong nakaraang taon, idinirek niya ang pelikulang There’s Something in the Water.
February 2014 nang aminin ni Ellen sa isang speech, sa “Time to Thrive” conference ng Human Rights Campaign sa Las Vegas, na siya ay gay.
January 2018 naman nang ianunsiyo niya ang pagpapakasal sa choreographer na si Emma Portner.
At ngayong araw nga, inihayag ni Ellen sa buong mundo na siya ay isang transgender—at simula sa araw na ito ay tatawagin sa pangalang Elliot Page.
“I LOVE THAT I AM TRANS”
Martes ng madaling-araw nang i-post ni Elliot sa sariling social media pages ang kanyang official statement.
“Hi friends, I want to share with you that I am trans, my pronouns are he/they, and my name is Elliot,” bungad ng statement ni Elliot.
“I feel lucky to be writing this. To be here. To have arrived at this place in my life.”
Nagpasalamat si Elliot sa lahat ng pagmamahal at suportang natatanggap niya “to pursue my authentic self.”
Sabi pa niya: “I love that I am trans. And I love that I am queer.”
“I WILL DO EVERYTHING TO CHANGE THIS WORLD FOR THE BETTER”
Nagsisilbing inspirasyon daw kay Elliot ang patuloy na pagpupunyagi ng “trans community” sa kabila ng diskriminasyon at karahasang nararanasan pa rin ng mga ito.
Ayon kay Elliot, ngayong 2020 lang, hindi bababa sa “40 transgender people have been murdered,” habang “40% of trans adult report attempting suicide.”
Sinisisi ng Oscar nominee sa statistics na ito ang “political leaders who work to criminalize trans health care and deny our right to exist.”
Dahil dito, may mensahe si Elliot para sa mga kapwa niya transgender: “To all trans people who deal with harassment, self-loathing, abuse and the threat of violence every day: I see you, I love you and I will do everything I can to change this world for the better.”
WIFE EMMA IS “SO PROUD” OF ELLIOT
Nagpahayag ng buong suporta kay Elliot ang asawang si Emma.
Ibinahagi ni Emma sa kanyang Instagram page ang statement ni Elliot, at sinabing “so proud” siya para sa asawa.
“Trans, queer, and non-binary people are a gift to this world,” sabi ni Emma.
“Elliot’s existence is a gift in and of itself.
“Shine on sweet E. Love you so much.”
Umani ng mga papuri at pagbati si Elliot mula sa kanyang mga kaibigan, kapwa celebrities, at fans na todo-suporta rin sa kanyang coming out.
Tulad na lang ng Hollywood actors na sina Mark Ruffalo at Patrick Stewart.
Sumuporta rin kay Elliot ang American non-governmental media monitoring organization para sa LGBTQ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer) na GLAAD.
“Elliot will now be an inspiration to countless trans and non-binary people.
“We celebrate him. All trans people deserved to be accepted," saad sa statement ng GLAAD.
Ni-retweet ni Elliot ang pahayag na ito ng GLAAD.
ELLIOT WILL STILL PLAY VANYA
Samantala, iniulat ng top entertainment website na Variety na patuloy na gagampanan ni Elliot ang kanyang role sa Umbrella Academy.
Sa Netflix series, ginagampanan ni Elliot ang character ni Vanya Hargreeves, miyembro ng pamilya ng superheroes na naglalabas ng superpowers sa pamamagitan ng tunog.
Isang cisgender woman si Vanya, na nagkaroon pa ng romantic involvement sa isa pang character sa serye sa first season nito.
Ayon sa insiders ng Variety, walang plano ang Umbrella Academy producers na ibahin ang gender ni Vanya.
Kasabay nito, updated na ang credited name ni Elliot sa IMDb page ng Umbrella Academy, ayon sa Variety.
Isa-isa na ring ina-update ng Netflix ang pangalan ni Elliot sa metadata ng lahat ng pelikulang tinatampukan niya na mapapanood sa streaming app.
Maging ang Wikipedia ay mabilis na nakapag-update ng impormasyon tungkol kay Elliot ngayong Martes.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.