Tom Cruise screams at Mission: Impossible 7 crew for breaking COVID-19 safety protocol

by Jet Hitosis
Dec 16, 2020
Tom Cruise COVID-19 guidelines
Hollywood superstar Tom Cruise loses his cool while expressing his frustration with crew members on the set of Mission: Impossible 7 in United Kingdom after he saw them breaking COVID-19 safety protocols.
PHOTO/S: Yahoo News, The Sun UK

Nanggagalaiti sa galit na nagpakawala ng magkakasunod na mura ang Hollywood superstar na si Tom Cruise matapos niyang maaktuhan ang paglabag sa COVID-19 safety protocols sa set ng pelikula niyang Mission: Impossible 7.

Ramdam ang matinding frustration at galit sa boses ng 58-year-old American actor-producer habang binubulyawan ang dalawang film crew.

Sinita niya ang mga ito sa pagkakatayo nang kulang sa isang metro ang layo sa isa’t isa.

Ito ay batay sa audio ng insidenteng nakuha ng British tabloid na The Sun, at isinapubliko nitong Martes, December 15.

Ayon sa The Sun, nangyari ang insidente sa loob ng Warner Studio sa Leavesden, Hertfordshire sa England, kung saan kinukuhanan ang ilang eksena ng Mission: Impossible 7.

Hindi binanggit sa report kung kailan nangyari ang insidente, bagamat dalawang linggo pa lang ang nakalipas nang mag-shooting sa United Kingdom ang pelikula ng Hollywood A-lister.

Si Tom ang bida at producer ng ikapitong installment ng pinakamatagumpay niyang film series.

Continue reading below ↓

TOM STRICTLY ENFORCING COVID-19 GUIDELINES

Ayon sa report ng The Sun, bilang film producer ay istriktong ipinatutupad ni Tom ang lahat ng COVID-19 safety protocols sa set ng Mission: Impossible 7 sa United Kingdom.

Ilang beses na kasing naipagpaliban ang shooting ng pelikula dahil sa mga insidenteng may kinalaman sa pandemic.

Ang huli ay noong Oktubre, nang 12 film crew ng Mission: Impossible 7 ang nagpositibo sa COVID-19 habang ginagawa ang pelikula sa Italy.

Dahil dito, nangako si Tom sa UK authorities na tatalima sa lahat ng safety protocols ang kanyang production unit payagan lang silang makuhanan ang lahat ng kinakailangang eksena sa pelikula sa lugar.

Kaya naman ganoon na lang ang galit ni Tom nang maispatan niya mismo ang dalawang film crew na halos magkadikit na nakatayo sa harap ng isang computer screen.

Bigla raw uminit ang ulo ng veteran actor at humihiyaw sa galit na kinumpronta ang dalawang film crew.

Continue reading below ↓

TOM LOSES COOL, GOES CURSING GALORE

Sa audio clip na in-upload ng The Sun, maririnig ang malakas na boses ni Tom habang gigil na pinagsasabihan ang dalawang tauhan.

Ipinamukha ng aktor sa dalawa na dahil sa disiplinadong produksiyon ng Mission: Impossible 7, pinahintulutan nang muli ang paggawa ng pelikula sa Hollywood.

“We are the gold standard. They’re back there in Hollywood making movies right now because of us.

“Because they believe in us and what we’re doing.”

Sinabi ni Tom na dahil may go-signal na ang film production sa ngayon, libu-libong manggagawa sa Hollywood ang nagbalik-trabaho.

Tuluy-tuloy ang sermon ni Tom: “I’m on the phone with every f**king studio at night, insurance companies, producers and they’re looking at us and using us to make their movies.

“We are creating thousands of jobs, you mother**kers!

“I don’t ever want to see it again. Ever!” gigil na bulyaw ni Tom sa dalawang tauhan.

Continue reading below ↓

“IF I SEE IT AGAIN, YOU’RE F**KING DONE!”

Hindi narinig sa audio pero mahihinuhang humingi ng paumanhin ang dalawang tauhan sa kanilang ginawa.

Pero lalo lamang nagpuyos sa galit si Tom.

Madadaan daw ba sa pasensiya ang pagdami ng nagugutom at ng mga mahihinto sa pag-aaral bunsod ng pagkawala ng maraming trabaho na dulot ng pagsasara ng filmmaking industry dahil sa pandemic?

Sigaw pa ni Tom: “You can tell it to the people who are losing their f**king homes because our industry is shut down.

“It’s not going to put food on their table or pay for their college education.

“That’s what I sleep with every night—the future of this f**king industry!”

Giit ni Tom, hindi dahil lang sa kapabayaan ng dalawang film crew ng Mission: Impossible 7 ay muling matitigil ang shooting ng kanyang pelikula.

“So I’m sorry, I am beyond your apologies,” pabulyaw pa ring sabi ni Tom sa dalawa.

Continue reading below ↓

“I have told you, and now I want it, and if you don’t do it, you’re out.

“We are not shutting this f**king movie down! Is it understood?

“If I see it again, you’re f**king gone.”

TOM RENTS AN OLD CRUISE SHIP AS ISOLATION AREA

Maririnig sa audio na direktang kinausap ni Tom ang dalawang tauhan, at sinabihan ang isa ng “you’re going to cost him his job.”

Gigil na dugtong niya: “Am I clear? Do you understand what I want? Do you understand the responsibility that I have?

“Because I will deal with your reason, and if you can’t be reasonable and I can’t deal with your logic, you’re fired.

“That’s it. That is it. I trust you guys to be here.”

Aabot sa 50 iba pang film crew—na pawang nagulat at nawalan ng kibo—ang nakasaksi sa insidente, ayon sa The Sun.

Sa buong dalawang linggong nagsu-shooting ang Mission: Impossible 7 sa UK, matamang nakasubaybay raw si Tom sa anumang paglabag sa COVID-19 guidelines.

Continue reading below ↓

Sa katunayan, ayon sa The Sun, gumastos pa raw ang Hollywood superstar ng £500,000 (PHP32.3 million) para sa isang lumang cruise ship “for the cast and crew to isolate on.”

Ang Mission: Impossible 7 ay idinidirek ni Christopher McQuarrie at nakatakdang ipalabas sa North America sa November 19, 2021.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hollywood superstar Tom Cruise loses his cool while expressing his frustration with crew members on the set of Mission: Impossible 7 in United Kingdom after he saw them breaking COVID-19 safety protocols.
PHOTO/S: Yahoo News, The Sun UK
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results