Hollywood actress Tanya Roberts confirmed dead after premature death announcement

by Jet Hitosis
Jan 6, 2021
Former Bond girl Tanya Roberts died on the evening of January 4 due to “urinary tract infection, which spread to her kidney, gallbladder, liver and then blood stream," according to her longtime publicist Mike Pingel.
PHOTO/S: Rolling Stone, thesun.co.uk

Pumanaw na ang dating James Bond girl na si Tanya Roberts sa edad na 65.

Sumakabilang-buhay ang retired Hollywood actress nitong Lunes ng gabi, January 4 (Martes ng tanghali sa Pilipinas, January 5).

Sa oras sa Amerika, Martes ng hapon na inanunsiyo ni Mike Pingel, longtime publicist ni Tanya, ang pagpanaw ng aktres.

“With a heavy heart I can confirm the death of Tanya Roberts last night on January 4, 2021 around 9:30pm PT at Cedars-Sinai Medical Center in Los Angeles, CA,” saad sa official statement ni Pingel.

Sa hiwalay na pahayag ni Pingel sa People Magazine, sinabi niyang namatay si Tanya dahil sa “urinary tract infection which spread to her kidney, gallbladder, liver and then blood stream.”

Kasabay nito, sinabi ni Pingel na sa halip na mga bulaklak ay mas nanaisin daw ni Tanya na mag-donate na lang sa animal rights groups ang mga nais makiramay sa pamilya nito.

Continue reading below ↓

Si Tanya ay isang kilalang animal rights activist.

PREMATURE DEATH ANNOUNCEMENT

Pumanaw si Tanya ilang oras matapos magkamaling ianunsiyo ni Pingel nitong Linggo ng gabi, January 3, na sumakabilang-buhay na ang dating Hollywood actress.

Pero makalipas ang ilang oras, binawi ni Pingel ang kanyang pahayag at sinabing buhay pa at nananatiling kritikal sa ospital si Tanya.

Ang maling impormasyon na ibinahagi ni Pingel sa media ay nagmula sa longtime partner ni Tanya na si Lance O’Brien.

Nagkaroon kasi ng miscommunication si O’Brien sa ospital at inakala nitong pumanaw na ang asawa nang huli niya itong iwan sa pagamutan noong Linggo ng gabi.

December 24 nang isinugod sa ospital si Tanya.

Ayon kay Pingel, biglang nawalan ng malay si Tanya sa loob ng bahay nito sa Hollywood Hills matapos ipasyal ang alaga nitong aso.

FROM CHARLIE’S ANGEL TO BOND GIRL

Si Tanya ay isinilang na Victoria Leigh Blum noong October 15, 1955 sa New York City.

Continue reading below ↓

Fifteen years old si Tanya nang simulan ang kanyang modelling career, na kalaunan ay nauwi sa pag-aartista.

Sumikat si Tanya bilang isa sa mga bida sa 1970s TV series na Charlie’s Angels.

Nagbida rin siya sa fantasy film na The Beastmaster (1982) at gumanap bilang babaeng bersiyon ni Tarzan sa Sheena (1984).

Gayunman, ang pinakatumatak na role ni Tanya ay nang maging leading lady siya ni Roger Moore sa James Bond movie na A View To A Kill noong 1985.

Muling umingay ang pangalan ni Tanya nang ilang taon siyang napanood sa American sitcom na That 70’s Show noong huling bahagi ng 1990s.

Huling napanood si Tanya sa seryeng Barbershop noong 2005.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Bond girl Tanya Roberts died on the evening of January 4 due to “urinary tract infection, which spread to her kidney, gallbladder, liver and then blood stream," according to her longtime publicist Mike Pingel.
PHOTO/S: Rolling Stone, thesun.co.uk
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results