Hollywood actor Rob Schneider posts lovely tribute for Filipino mom who passed away

by Jet Hitosis
Jan 13, 2021
Rob Schneider, Pilar Schneider dies
In an Instagram post on Tuesday, January 12, Hollywood actor-comedian Rob Schneider (left) shares that his 91-year-old Filipino-American mother, Pilar Monroe Schneider (right) "passed away peacefully after spending a perfect Sunday evening family dinner surrounded with loved ones at her side" on January 11, 2021.
PHOTO/S: @iamrobschneider on Instagram

Binigyang-pugay ng Hollywood actor na si Rob Schneider ang kanyang Pilipinong ina matapos itong pumanaw nitong Lunes, January 11.

Si Rob, 57, ang Filipino-American actor-comedian-scriptwriter na sumikat sa long-running American comedy variety show na Saturday Night Live.

Sa Pilipinas, mas kilala si Rob sa pagbibida niya sa mga pelikulang Grown Ups, The Benchwarmers, The Hot Chick, at Deuce Bigalow: Male Gigolo.

Nitong Martes, January 12, inanunsiyo ni Rob sa isang Instagram post ang pagpanaw ng kanyang inang si Pilar Monroe Schneider, 91.

Ibinahagi ni Rob ang litrato niya habang nasa likod ni Pilar, na nakaupo sa wheelchair.

Nakangiti ang mag-ina habang napapagitnaan ng dalawang anak na babae ni Rob na sina Miranda at Madeline.

Sa caption, sinabi ni Rob na pumanaw ang kanyang ina “peacefully after spending a perfect Sunday evening family dinner surrounded with loved ones at her side.”

a WWII SURVIVOR IN THE PHILIPPINES

Kasunod nito, ikinuwento ni Rob na si Pilar ay isang World War II survivor sa Pilipinas.

Continue reading below ↓

Anak daw ng isang sundalong Amerikano si Pilar, pero lumaki itong hindi nakikilala ang ama “until by accident 22 years later in San Francisco."

Inabandona raw kasi ng sundalo ang ina ni Pilar bago pa man isinilang ang huli.

Ayon kay Rob, dinapuan ng “smallpox” ang ina ni Pilar kaya pinalaki ang huli ng isang tiyahin sa unang tatlong taon ng buhay nito.

“Then one day this well dressed family showed up and told her (Pilar) they were her family and introduced her to her mother, Victoria,” kuwento ni Rob.

ENDURING A HARD LIFE

Patuloy ng Hollywood actor, sa kasagsagan ng giyera sa Pilipinas ay pinatay raw ng mga Japanese invaders ang dalawang binatilyong kapatid ni Pilar na sina John at Bill.

“There was never enough food during the war and her stomach bothered her for her nearly 92 years,” sabi ni Rob.

“The family survived because of Pilar and her ingenuity.”

Continue reading below ↓

Nagtulong daw ang mag-inang Victoria at Pilar, kasama ang iba pang kapatid niyang babae, sa pananahi ng mga pajama na gawa sa kubrekama.

Ang mga tinahing pajama raw ang ipinalit ng pamilya ni Pilar sa mga kamote ng mga magsasaka para may makain sila.

Kuwento pa ni Rob: “After the war Pilar was able to ‘pay for school’ because she and her sister Rose found money the Japanese buried in a cave.”

Ayon sa aktor, kasama raw ng pera na nakabaon sa kuweba ang ilang granada, na napagkamalang “metal pineapples” ng magkapatid na Pilar at Rose.

STARTING A NEW LIFE IN THE U.S.

Makaraang makapagtapos ng pag-aaral sa University of Sto. Tomas, nag-migrate na raw ang pamilya ni Pilar sa Amerika noong 1950s, ayon kay Rob.

Buong pagmamalaking kuwento pa ni Rob tungkol sa ina: “Pilar not only survived, she thrived, getting her master’s degree as a reading specialist and was elected to the School board in Pacifica California getting more votes than Bill Clinton.”

Continue reading below ↓

Sa loob daw ng tatlong dekada ay nagtrabaho bilang guro si Pilar.

Nang magretiro, siniguro raw ng ina ni Rob na ang mga eskuwelahan sa Pacifica “had music teachers and music classes, a program she ran for 15 years.”

ROB's A PROUD SON TO HIS MOTHER

Sa nakalipas na mga taon, ayon kay Rob, madalas nababanggit ni Pilar na nais na nitong makasama ang namayapang asawa.

“Pilar spoke often of joining her beloved husband of 39 years, my lovely father Marvin Schneider.

“That day has come for them to be together.”

Sa lahat daw ng mga pagsisikap ng ina para magtagumpay ito sa buhay sa kabila ng mahirap na pinagmulan, sinabi ni Rob: “I am proud to be able to say that I am the son of Pilar Monroe Schneider.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In an Instagram post on Tuesday, January 12, Hollywood actor-comedian Rob Schneider (left) shares that his 91-year-old Filipino-American mother, Pilar Monroe Schneider (right) "passed away peacefully after spending a perfect Sunday evening family dinner surrounded with loved ones at her side" on January 11, 2021.
PHOTO/S: @iamrobschneider on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results