School 2017 actress Song Yoo Jung suddenly dies at 26

by Jet Hitosis
Jan 25, 2021
Song Yoo Jung suicide
On Monday, January 25, 2021, various Korean websites report the sudden passing of actress Song Yoo Jung after committing suicide. A few minutes later, these news outlets removed all references to suicide from their reports. However, the cause of the actress' death was not revealed.
PHOTO/S: @u_jjooung on Instagram

Biglaang pumanaw ang South Korean actress na si Song Yoo Jung, sa edad na 26.

Ayon sa Korean media reports, binawian ng buhay ang Korean drama actress nitong Sabado, January 23.

Nakaburol siya ngayon sa Gangnam Seoul Medical Center.

Isasagawa ang funeral procession para kay Yoo Jung ngayong Lunes, January 25,

Walang kumpirmadong sanhi sa biglaang pagpanaw ni Yoo Jung.

Gayunman, sa initial media reports na naglabasan ngayong Lunes ng umaga ay sinabing nagpatiwakal daw ang aktres.

Pero makalipas ang ilang minuto, binura ng mga news websites na unang nag-report sa pagkamatay ni Yoo Jung ang iniulat nilang suicide ang ikinamatay ng aktres, ayon sa Korean entertainment website na Koreaboo.

Hindi natukoy kung bakit binawi ang naunang ulat tungkol sa dahilan ng pagkamatay ng Korean actress.

Sa kabila nito, walang opisyal na pahayag ang pamilya ni Yoo Jung kung ano talaga ang sanhi ng biglaan niyang pagpanaw.

Maging ang confirmation statement ng Sublime Artists Agency—ang talent management agency ni Yoo Jung—ay wala ring ibinigay na dahilan sa pagkamatay ng K-Drama star.

Continue reading below ↓

FROM COSMETICS MODEL TO DRAMA ACTRESS

Si Yoo Jung ay dating cosmetics brand model bago siya napanood sa weekend drama na Golden Rainbow noong 2013.

Umere ang Golden Rainbow sa MBC network.

Nang sumunod na taon ng 2014, lumabas si Yoo Jung sa daily drama na Make Your Wish, sa MBC pa rin.

Noong 2017, nagbida si Yoo Jung sa K-Drama na School 2017 sa KBS, at sa fantasy romance na Dear My Name noong 2019.

Noong October 2018, napanood si Yoo Jung sa music video ng single ng six-member Korean boy band na iKon na Goodbye Road.

Taong 2020 lang pumirma ng kontrata si Yoo Jung sa Sublime Artists Agency para ipagpatuloy sana ang kanyang acting stints.

Continue reading below ↓

Note: May handang makinig at tumulong sa mga taong dumaranas ng depression. Tumawag sa mga 24/7 hotlines ng The Hopeline Project sa (02) 8804-HOPE (4673), sa 0917-558-HOPE (4673), o sa 2919 (toll-free number sa lahat ng Globe at TM subscribers).

Maaari ring makipag-ugnayan sa National Center for Mental Health (NCMH) sa 0917-899-USAP (8727) at sa 0917-989-8727.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On Monday, January 25, 2021, various Korean websites report the sudden passing of actress Song Yoo Jung after committing suicide. A few minutes later, these news outlets removed all references to suicide from their reports. However, the cause of the actress' death was not revealed.
PHOTO/S: @u_jjooung on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results