Korean rapper Iron found dead, bleeding outside apartment

by Jet Hitosis
Jan 25, 2021
Rapper Iron dead
South Korean rapper Iron, disgraced by a string of scandals, was found dead and bleeding on top of a flower bed in front of an apartment complex in Seoul on January 25, 2021.
PHOTO/S: @emceeiron on Instagram

Natagpuang patay ang South Korean rapper na si Iron sa labas ng isang apartment complex sa Seoul ngayong Lunes ng umaga, January 25.

Si Iron, Chung Heon Chul ang tunay na pangalan, ay 29 years old.

Ayon sa Yonhap News Agency, walang malay at duguan ang rapper nang natagpuan ng security guard sa damuhan sa harap ng isang apartment complex sa Jung District sa Seoul, pasado 10:00 ng umaga ngayong Lunes.

Kaagad daw nakatawag ng ambulansiya ang guard para isugod sa ospital si Iron, pero dead-on-arrival na ito.

“There is no suspicion of murder yet,” quoted ng Korean entertainment website na allkpop.com ang pulis na nag-iimbestiga sa kaso.

“However, we cannot confirm the death as a suicide because we're continuing to investigate,” dagdag ng pulis.

Taong 2014 nang sumikat si Iron bilang semi-finalist sa third season ng hip-hip audition program ng Mnet na Show Me the Money.

Makalipas ang dalawang taon, taong 2016, ini-release ni Iron ang kanyang first album, ang Rock Bottom.

Continue reading below ↓

KOREAN RAPPER IRON CRIMES AND SCANDALS

Gayunman, higit pa sa kanyang musika, mas naging laman ng balita si Iron dahil sa mga kinasangkutan niyang krimen at eskandalo sa nakalipas na mga taon.

Ayon sa Yonhap report, nitong nakalipas na Disyembre, ilang oras na nakulong si Iron dahil sa panghahataw umano ng baseball bat sa roommate niyang 18 taong gulang lamang.

September 2020, pinagmulta ng korte ng 5 million won (PHP217,997) ang rapper dahil sa pagpapakalat sa media ng maling impormasyon tungkol sa dati niyang girlfriend.

Noong 2018, nasentensiyahan si Iron ng korte ng walong buwang pagkakabilanggo—na sinuspinde ng dalawang taon—matapos niyang suntukin sa ulo ang kanyang nobya noong September 2016.

Taong 2016 nang mapatunayan naman ng hukuman na nagkasala si Iron sa paggamit ng marijuana sa pagitan ng 2014 at 2015.

Nahatulan siya ng walong buwan sa bilangguan, subalit suspended din ng dalawang taon ang sentensiya niyang ito, ayon pa rin sa Yonhap.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
South Korean rapper Iron, disgraced by a string of scandals, was found dead and bleeding on top of a flower bed in front of an apartment complex in Seoul on January 25, 2021.
PHOTO/S: @emceeiron on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results