BLACKPINK’s Jennie, BIGBANG’s G-Dragon are dating “for about a year now”—report

by Jet Hitosis
Feb 24, 2021
G-Dragon, Jennie relationship
Korean rapper-record producer G-Dragon (left) of BIGBANG and BLACKPINK lead artist Jennie (right) are secretly dating, according to a report by Korean news outlet Dispatch.
PHOTO/S: @gdragon_official, @blackpinkofficial on Instagram

Matagal nang may romantic relationship ang Korean superstars na sina Jennie ng BLACKPINK at G-Dragon ng BIGBANG.

Ito ay ayon sa report ng Korean news outlet na Dispatch ngayong Miyerkules, February 24.

Si G-Dragon, 32, ang rapper, singer-songwriter, at record producer na tumatayong leader ng K-pop group na BIGBANG.

Si Jennie, 25, ang singer-rapper at fashion icon na nagsisilbing lead artist ng four-piece all-girl group na BLACKPINK.

Ang BIGBANG at BLACKPINK ay parehong mina-manage ng YG Entertainment talent agency.

jennie-gd SECRETLY DATING

Ayon sa Dispatch report, personal daw nitong nasaksihan ang mga palihim na pagkikita ng K-pop superstars.

Para mapanatiling sikreto ang kanilang relasyon, madalas na sa kani-kanilang bahay raw nagkikita sina Jennie at G-Dragon.

Sa katunayan, ayon sa Dispatch, bahagi na raw ng daily schedule ni Jennie ang pagpunta sa bahay ni G-Dragon kapag libre na ang oras ng dalaga.

YG ENTERTAINMENT DECLINES TO CONFIRM REPORT

Open secret din daw ang relasyon nina Jennie at G-Dragon sa kanilang talent management agency na YG Entertainment, iniulat ng Korean website na Soompi, batay sa Dispatch report.

Continue reading below ↓

May pagkakataon pa nga raw na ang mismong managers nina Jennie at G-Dragon ang naghahatid sa kanila sa bahay ng isa’t isa.

Gayunman, nang hingan ng Soompi ng komento ang YG Entertainment ay tumanggi itong kumpirmahin ang iniulat ng Dispatch.

“We cannot confirm anything about our artists’ personal lives. We ask for your understanding,” saad sa pahayag ng YG Entertainment sa Soompi.

THE SIGHTINGS

Samantala, ipinost ngayong Miyerkules ng Dispatch sa Instagram ang mga litrato ng sightings daw nito sa lihim umanong mga pagkikita nina Jennie at G-Dragon.

Kabilang sa mga ito ang mga solong litrato nina Jennie at G-Dragon na nakasuot ng face mask.

May mga pictures ding kuha umano kay Jennie habang nasa pribadong parking lot at elevator patungo sa penthouse ni G-Dragon.

May kuha rin ang Dispatch noong umaga ng January 31, 2021, kung saan umalis daw ang sasakyan ni Jennie mula sa bahay ni G-Dragon at dumiretso sa venue ng online show ng BLACKPINK na THE SHOW.

Continue reading below ↓

Sa isang collage, nakuhanan din ng litrato ang umano’y sasakyan ni G-Dragon sa venue ng nabanggit na BLACKPINK concert.

Mababasa sa caption ng Dispatch (published as is): “BlackPink Jennie is in love.

“Her boyfriend is her idol GD.

“They are the two idol singers representing YG.

“They have been dating for about a year now,” pambubuking pa ng Dispatch kina Jennie at G-Dragon.

Noong January 2019 ay napabalita ang relasyon ni Jennie sa EXO member na si Kai, pero wala pang isang buwan ay lumabas naman ang report na break na sila.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Korean rapper-record producer G-Dragon (left) of BIGBANG and BLACKPINK lead artist Jennie (right) are secretly dating, according to a report by Korean news outlet Dispatch.
PHOTO/S: @gdragon_official, @blackpinkofficial on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results