Meghan Markle denies she made Kate Middleton cry back in 2018: “The reverse happened.”

by Bernie V. Franco
Mar 8, 2021
Meghan Markle (left) reveals Kate Middleton (right) made her cry before the former's wedding to Prince Harry: "She was upset about something, but she owned it and she apologized."
PHOTO/S: YouTube (Oprah Winfrey) / @theroyalfamily on Instagram

Itinuwid ni Meghan Markle ang balita noong pinaiyak umano niya ang hipag na si Kate Middleton ilang araw bago ikasal si Meghan.

Ginanap ang royal wedding nina Meghan at Prince Harry sa St. George’s Chapel sa Windsor Castle, England, noong May 19, 2018.

Asawa ni Kate si Prince William, nakatatandang kapatid ni Prince Harry.

Anim na buwan matapos ang kasal, lumabas noon sa Daily Mail, kilalang tabloid sa U.K., ang balitang pinagpiyestahan ng publiko.

Ayon sa ulat, pinaiyak umano ni Meghan si Kate ilang araw bago maganap ang kasal nina Meghan at Prince Harry.

May sinabi umano si Meghan tungkol sa isusuot na damit ng flower girl niyang si Princess Charlotte, ang nag-iisang anak na babae nina Kate at Prince William.

Walang detalyeng ibinigay ang tabloid, pero naging malaking balita ito dahil usapan ang pagkakaroon umano ng tensiyon sa pagitan ng maghipag na sina Meghan at Kate.

MEGHAN ADDRESSES THE ISSUE

Halos tatlong taon mula nang ikasal at pumutok ang kontrobersiyang ito, isiniwalat ni Meghan ang kanyang panig tungkol sa isyu.

Continue reading below ↓

Nagpaunlak ng two-hour exclusive interview sina Prince Harry at Meghan kay Oprah Winfrey nitong Linggo, March 7.

Paglilinaw ni Meghan, Duchess of Sussex, walang katotohanan na pinaiyak niya si Kate, Duchess of Cambridge.

“The reverse happened,” sabi ni Megan.

Si Kate daw ang nagpaiyak sa kanya.

Dagdag niya, “And I don’t say that to be disparaging to anyone, because it was really hard week of the wedding.”

Pagtukoy pa ni Meghan kay Kate, “And she was upset about something, but she owned it and she apologized.

“And she brought me flowers and a note apologizing.

“She did what I would do if I knew that I hurt someone, right? To just take accountability for it.”

Ang ipinagtataka raw ni Meghan, kumalat ang balitang iyon anim na buwan matapos ang kanyang kasal kay Prince Harry.

“What was shocking was what, was that six seven months after our wedding? That the reverse of that would be out in the world.”

Continue reading below ↓

Iningatan daw ni Meghan na huwag lumabas ang nangyaring ito sa pagitan nila ni Kate, pero naibalita ito at binaligtad daw siya.

“I would have never wanted that to come out about her ever. Even though it happened.

“I protected that from ever being out in the world.”

Ang kinumpirma ni Meghan, may kinalaman ang isyu sa mga damit ng flower girls.

Sabi ng dating Hollywood actress tungkol kay Kate, “A few days before the wedding, she was upset about something pertaining…

“Yes, the issue was correct, about the flower-girl dresses.

“And it made me cry and it really hurt my feelings.

“And I thought in the context of everything else was going in those days leading to the wedding, that it didn’t make sense to not be just doing whatever what everyone else, which was trying to be supportive, knowing what was going on with my dad and what not.”

Continue reading below ↓

Ang ama ni Meghan na si Thomas Markle ay nadawit sa bad press ilang araw bago ganapin ang kasal ng anak.

Pagpapatuloy ni Meghan sa naging isyu nila ni Kate: “It wasn’t a confrontation and I actually think it’s... I don’t think it’s fair to her to get into the details of that because she apologized and I [have] forgiven her.”

CHARACTER ASSASSINATION

Sabi pa ni Meghan, ang nangyaring ito sa kanya ay patunay ng “character assassination” umano ng “institution” sa kanya.

“Everyone in the institution knew it wasn’t true,” ani Meghan, na ang tinutukoy na institusyon ay ang monarchy.

“The narrative about, you know, making Kate cry I think was the beginning of a real character assassination.

“And they knew it wasn’t true. And I thought, well, if they’re not going to kill things like that, then what are we going to do?

“I came to understand that not only was I not being protected but that they were willing to lie to protect other members of the family,” saad pa niya.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Meghan Markle (left) reveals Kate Middleton (right) made her cry before the former's wedding to Prince Harry: "She was upset about something, but she owned it and she apologized."
PHOTO/S: YouTube (Oprah Winfrey) / @theroyalfamily on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results