Japan will no longer send participants to Miss Eco International amid alleged COVID-19 controversy

by Arniel C. Serato
Apr 7, 2021
Miss Eco International organization says accusations hurled against them "may have been taken out of proportion."
PHOTO/S: Courtesy: Miss Eco International on Facebook

Hindi na muling magpapadala pa ang Japan ng kandidata sa Miss Eco International.

Kasunod ito ng balitang kumalat kahapon, April 6, na may mga kandidata raw sa recent pageant ang nagpositibo sa COVID-19.

Sa inilabas nilang pahayag sa Facebook kagabi din, inalmahan ng Nippon Bijin ang diumano’y kapabayaan ng Miss Eco International organizer.

Ang Nippon Bijin ang beauty pageant organization sa Japan na nagpapadala ng kandidata sa Miss Eco International.

Sabi nila sa kanilang pahayag: “Nippon Bijin is coordinating closely with our official candidate, Mayuko Hanawa, as well as the Japan Embassy in Egypt to ensure the health and safety of our candidate who is our topmost responsibility.

"We have secured our candidate in a private hotel room and is awaiting for her test results to come back.”

Malinaw na ikinagalit din nila ang pagsasawalang-bahala diumano ng Miss Eco International sa kanilang pananagutan sa mga nangyari sa mga kandidata.

Dagdag pa ng pamunuan ng Nippon Bijin (published as is): "We are appalled at how the situation is being handled by the Miss Eco International organization and we condemn the lack of accountability that the organization is showing towards their candidates.

Continue reading below ↓

"It is evident that the wellbeing of our candidate is not their priority.

"We will no longer send delegates to this organization."

Sa kasunod nilang pahayag, ikinagalak ng Nippon Bijin na negatibo sa COVID-19 ang kanilang kandidatang si Hanawa.

Continue reading below ↓

Samantala, hinihintay pa din ng Miss World Philippines (MWP) ang resulta ng tests sa iba pang kandidata kabilang na ang official representative nating si Kelley Day.

Si Kelly ang tinanghal na first runner-up sa katatapos lamang na Miss Eco International 2020.

“ENSURE THE SAFETY OF ALL OUR CANDIDATES”

Naglabas na din kahapon ang Miss Eco International organization ng kanilang pahayag ukol sa balita.

Inalmahan nila ang mga akusasyong ibinabato sa kanila.

Ginawa din daw nila ang kanilang katungkulan sa mga kandidata bilang pageant organization.

Narito ang buo nilang pahayag:

"Miss Eco International Organization will ensure the safety of all our candidates.

"All accusations made publicly against us may have taken out of proportion. We are trying our best to coordinate with everyone. Including the ladies who are still here in Egypt.

"And we have fulfilled our duties as we promised.

"And we're taking a good care of all our infected queens.

Continue reading below ↓

"We thank all our national directors and candidates for their support and understanding."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Eco International organization says accusations hurled against them "may have been taken out of proportion."
PHOTO/S: Courtesy: Miss Eco International on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results