Korean actor-singer Lee Seung Gi confirms dating Lee Da In

by Rose Garcia
May 27, 2021
Vagabond star Lee Seung Gi not only announces that he now has his very own agency, but that he also enjoys getting to know Lee Da In.
PHOTO/S: @leeseunggi.official / @xx__dain Instagram

Kinumpirma ng South Korean superstar na si Lee Seung Gi, 34, na nagkakamabutihan sila ng rising star na si Lee Da In, 27.

Nitong Miyerkules, May 26, naglabas ng opisyal na pahayag si Seung Gi kaugnay ng balitang may kinalaman sa kanyang blooming love life.

Kasabay nito ang anunsiyong wala na siya sa bakuran ng Hook Entertainment, na kanyang talent agency sa loob ng 18 taon, simula noong trainee pa lamang siya noong 2003.

Nagtayo si Seung Gi ng sariling agency, ang Human Made, na siyang naghayag na ine-enjoy nina Seung Gi at Da In ang pagkikilanlan sa isa't isa.

Narito ang official statement ng Human Made na unang lumabas sa naver.com at isinalin sa Ingles ng koreaboo.com:

"Hello. This is singer and actor, Lee Seung Gi’s new agency, Human Made.

"Firstly, we would like to apologize that our statement came late, as we were in the process of setting up our company.

Continue reading below ↓

"Currently, as reported in the media, Lee Seung Gi is at the stage where he and Lee Da In have good feelings and are getting to know each other bit by bit.

"However, we ask for you to refrain from articles that contain guesswork and unconfirmed speculations, as well as hope that you will support (us) with warm gazes.

"We also convey our infinite gratitude to all the staff and the CEO, Kwon Jin Young, of Hook Entertainment that Lee Seung Gi has been with for 18 years, since his trainee days. Even after this, we will be cheering on each other’s futures.

"We hope you will support Human Made’s artist, Lee Seung Gi’s new start. Thank you."

DATING SINCE 2020

Noong Lunes, May 24, unang napabalita na "dating" ang relationship status nina Seung Gi at Da In.

Ayon sa news outlet na Sports Kyunghyang, simula pa raw late last year ay nagdi-date na sina Seung Gi at Da In. Bukod sa parehong artista, nagkalapit ang dalawa dahil sa hilig nila sa paglalaro ng golf.

Continue reading below ↓

Marami na rin daw sa showbiz insiders ang nakakaalam ng relasyon nina Seung Gi at Da In. Nababanggit na rin daw ni Seung Gi sa ilang malalapit na kaibigan ang tungkol sa kanila ni Da In.

Sabi pa sa report, gaano man kaabala ang aktor sa filming ng Mouse, ang recent pyscho/suspense/thriller drama niya sa tvN na nag-finale episode noong May 20, basta may libreng oras ito ay siguradong dadalaw sa aktres o magkasama sila.

Kinumpirma naman ng talent agency ni Da In na 9Ato Entertainment ang balitang may ugnayan ang dalaga at si Seung Gi.

Sabi sa opisyal na pahayag ng agency: "We have checked with actress Lee Da In herself, and she stated that they met as senior and junior [of the same industry] and have been carefully getting to know each other since five or six months ago.

"Please show them warm attention and support so that they can continue their relationship well."

Continue reading below ↓

Naglabas din ang Dispatch ng paparazzi pictures nina Seung Gi at Da In na kuha pa raw noong isang taon.

Base sa report ng Dispatch, nasundan nila ang mga ito nang may mag-tip na naglaro ng golf ang dalawa sa isang resort sa Gangwon Province. Hanggang sa mag-stop-over sa Korean Bank na magkasama pa rin.

Dumiretso raw ang dalawa sa bahay ng halmoeni o lola ni Seunggi sa Sokcho. Kaya pinaniniwalaang ipinakilala nito ang girlfriend sa kanyang lola.

FACTS ABOUT LEE SEUNG GI AND LEE DA IN

Si Lee Seung Gi ay kilalang multi-entertainer bilang successful singer, actor, variety at TV host.

Ang last known relationship pa niya ay sa Girls Generation member na si Yoona noong 2015.

Kamakailan lang ay nanalo siya bilang Best Male Entertainer sa 57th Baeksang Awards para sa weekly variety program na Master In The House ng SBS.

Ilan sa mga naging hit drama na pinagbidahan niya bukod sa Mouse ay ang mga seryeng Vagabond, A Korean Odyssey, at The King 2 Hearts.

Continue reading below ↓

Si Lee Da In naman ay anak ng aktres na si Kyeon Mi-Ri, na kilala sa pagganap bilang si Lady Choi sa 2003 drama na Jewel in the Palace. Kapatid niya ang aktres na si Lee Yu-bi, na gumanap namang first love ni Seung Gi sa drama na Gu Family Book.

Ilan sa mga seryeng nilabasan ni Lee Da In ay Hwarang, My Golden Life, Doctor Prisoner, at Alice.

Limang taon ang agwat ng edad nila bilang mga senior-junior sa industry.

HOT STORIES

Use these GrabFood promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vagabond star Lee Seung Gi not only announces that he now has his very own agency, but that he also enjoys getting to know Lee Da In.
PHOTO/S: @leeseunggi.official / @xx__dain Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results