James Corden breaks silence on netizens calling "Spill Your Guts" segment "culturally offensive"

by Rachelle Siazon
Jun 29, 2021
American TV host James Corden vows to revamp "Spill Your Guts" TV segment on The Late Late Show following an online petition that not only calls it "culturally offensive and insensitive," but also "encourages anti-Asian racism."
PHOTO/S: Screengrab from The Late Late Show / change.org

Binasag na ni James Corden ang kanyang pananahimik tungkol sa kontrobersiyal na "Spill Your Guts" segment sa kanyang programang The Late Late Show.

Ang The Late Late Show ay isang American late night talk show na ipinapalabas sa CBS.

Madalang ipinapalabas pero sikat ang signature segment sa show na tinatawag na "Spill Your Guts or Fills Your Guts."

Dito ay hinahamon ang celebrity guests na kainin ang exotic food bilang challenge o sagutin ang controversial questions ni Corden.

Hindi binabanggit sa show kung ano ang country of origin ng mga hinahaing exotic food. Pero natukoy na karamihan sa mga ito ay exotic Asian food, na pinandidirihan o ginagawang katatawanan sa show.

Ayon kay Corden, nakarating sa kanya ang online petition ng higit 45,000 netizens na kung hindi man tanggalin ay baguhin ang "culturally offensive" TV segment.

"We completely understand. I don't know when we're gonna do that bit again, but when we do we absolutely won't use any of those foods," saad ni Corden.

Continue reading below ↓

Nakapanayam si Corden sa Howard Stern Show noong June 17.

TIKTOKTER'S COMPLAINT VS SPILL YOUR GUTS & JAMES CORDEN

Noong Hunyo 10, 2021, umalma ang Filipino-Chinese TikToker na si Kim Saira na "culturally insensitive" at "offensive" umano ang presentation ng Asian exotic food sa "Spill Your Guts."

Dagdag pa raw rito ang "insensitive" at "disrespectful" comments ni Corden tungkol sa ilang exotic Asian food na bahagi ng challenge.

Nag-viral ang TikTok ni Saira tungkol sa September 2016 episode ng "Spill Your Guts" kunsaan tinawag ni Corden na "horrific" at "disgusting" ang mga pagkaing natukoy na exotic Asian food tulad ng balut, grilled bull penis, at century egg.

Continue reading below ↓

Naniniwala si Saira na "racist" ang negative portrayal sa exotic Asian food sa show ni Corden.

Sa panahong talamak ang "Asian hate crimes," hindi raw tama na ang isang sikat na American show ay nagpapakalat ng maling perception sa mga pagkain ng Asian people.

Kaya naghain siya ng petisyon sa change.org na naglalayong tanggalin o i-reformat ang "Spill Your Guts" segment sa The Late Late Show.

Humingi rin si Saira ng public apology mula kay Corden, at nais niyang ihayag nito ang aksyong gagawin ng programa.

At press time, mayroon itong 45,859 signatories mula sa netizens.

Ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay naglabas din ng sariling commentary hinggil sa "Spill Your Guts TV" segment, at ang titulo nito ay: "Why James Corden's 'Spill Your Guts' TV segment is no laughing matter."

CORDEN TO PETITIONERS: "WE HEAR YOU."

Sa pagpapatuloy ng pahayag ni Corden, sinabi niyang aaksiyunan ng The Late Late Show ang pag-alma ng netizens sa presentation ng exotic Asian food sa show.

Continue reading below ↓

"It's not for us to determine whether somebody's upset or hurt about something. All we can do is go, 'All right. We get it. We hear you. We won't do that,'" ani Corden.

Diin ni Corden, "As you said at the start, we want to make a show that's full of joy. We don't want to make a show that upsets anybody."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
American TV host James Corden vows to revamp "Spill Your Guts" TV segment on The Late Late Show following an online petition that not only calls it "culturally offensive and insensitive," but also "encourages anti-Asian racism."
PHOTO/S: Screengrab from The Late Late Show / change.org
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results