Chinese-Canadian pop star Kris Wu detained for alleged rape

by Bernie V. Franco
Aug 1, 2021
Pop star Kris Wu is reportedly detained in Beijing, China due to rape allegations. The singer-actor's camp denies allegation.
PHOTO/S: @kriswu on Instagram

Naka-detain ang Chinese-Canadian pop star na si Kris Wu sa Beijing, China kaugnay ng alegasyong rape.

Idinitine ng Beijing police si Kris matapos siyang akusahan ng 19 anyos na estudyante na biktima umano ng date-rape dalawang taon na ang nakalilipas.

Itinanggi naman ng kampo ng 30 anyos na singer ang bintang sa kanya.

Ang isyung ito ang dahilan kung bakit trending si Kris sa social media.

Marami ring luxury brands ang kumalas sa endorsement deals sa kanya.

Si Kris ay unang sumikat noong maging miyembro ng all male K-pop group na EXO.

Pero tumiwalag siya noong 2014 para maging solo artist, at nagtagumpay siya bilang solo singer, model, at aktor.

ALLEGATION VS. KRIS WU

Ayon sa pahahag ng Beijing police, si Kris ay “criminally detained” dahil sa alegasyong rape “in response to relevant information reported on the internet,” kabilang na bintang na ang singer “repeatedly lured young women to have sexual relations.”

Continue reading below ↓

Ipinost naman sa social media ng nagreklamong biktima ang kanyang akusasyon noong nakaraang buwan.

Nagpa-interview ang biktima sa isang Chinese online site, at ikinuwentong noong 17 anyos siya ay nagkita sila ni Kris sa pag-aakalang bibigyan siya nito ng trabaho.

Nang magkita, may staff member umano si Kris na pinilit uminom ng alak ang biktima.

Mabilis daw nalasing ang biktima dahil hindi siya sanay uminom. Nagising na lamang siya kinabukasan na nasa kama ni Kris.

Inakala raw ng babae na simula na ito ng relasyon nila ni Kris, pero pagdating daw ng March ngayong taon ay hindi na nagparamdam si Kris, ulat ng Al Jazeera.

Napag-alaman din daw ng babae na hindi lang siya ang may ganitong karanasan kay Kris.

Matapos ang pagsisiwalat ng babae ay may iba pang lumantad at nagsabing nabiktima rin sila umano ng singer.

Itinanggi naman ni Kris ang mga alegasyong ito sa kanyang social media accounts.

Continue reading below ↓

Naglabas din ng official statement ang kampo ng singer at pinasungalingan ang akusasyon sa kanya ang teenager.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pop star Kris Wu is reportedly detained in Beijing, China due to rape allegations. The singer-actor's camp denies allegation.
PHOTO/S: @kriswu on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results