HOT TOPIC: Trans woman weightlifter may unfair advantage sa Tokyo 2020 Olympics?

by Bernie V. Franco
Aug 2, 2021
Laurel Hubbard of New Zealand competes in Tokyo 2020 Olympics women's weightlifting division. She is a transgender woman.
PHOTO/S: Instagram

Kontrobersiyal na usapin ngayon sa Tokyo 2020 Olympics ang pagpayag ng komite sa pagsali ng isang transgender woman sa women’s weightlifting division.

Ang New Zealander na si Laurel Hubbard, 43, ay isinilang na lalaki at dating sumasali siya sa weightlifting men’s category.

Pero noong siya ay nasa edad 20s, iniwan niya ang sport.

Nag-transition siya bilang trans woman noong 2012.

Muling bumalik si Laurel sa weightlifting noong 2017 sa kategorya ng female weightlifting.

Nagsunud-sunod ang kanyang mga pagkapanalo noon sa kategoryang 87kgs at 90kgs.

Kabilang sa mga pinakahuling pagkapanalo ni Laurel ay ang mga sumusunod: Roma 2020 World Cup, 87kg category; 6thh Qatar International Cup, 87kg category; at 2019 Pacific Games, 87kg category.

Bunsod nito, naging usapan sa social media ang pagiging tans woman niya. Patas nga ba na isali siya sa women’s category?

Inaasahang sasabak sa Tokyo Olympics si Laurel ngayong Lunes, August 2, 2021.

Bago sumali si Laurel sa women’s weightlifting category, nakipagpulong siya sa International Olympic Committee (IOC) para sa guidelines for transgender athletes.

Continue reading below ↓

Pinayagan ng IOC si Laurel, at inilarawan siya bilang “first openly gay transgender woman to compete at the Games.”

Dahil dito, historical ang pagsali ni Laurel sa Olympics ngayong 2020.

Paninindigan ni IOC Medical Chief Richard Budgett: "Laurel Hubbard is a woman, is competing under the rules of her federation and we have to pay tribute to her courage and tenacity in competing and qualifying for the Games.”

ASSENTS AND DISSENTS

Mainit ang ibinigay na suporta kay Laurel ng kanyang mga tagasuporta, partikular ang LGBTQIA community.

Pero matinding puna ang ipinupukol sa kanya ng mga kritiko dahil sa umano’y “unfair advantage” ni Laurel, gaya ng physical components.

Bilang dating lalaki, may mga katangian umano si Laurel, gaya ng mas mahabang mga braso at hita at mas malakas ang puso.

Kabilang sa mga kritiko ay ang advocates ng women’s sport at mga nagsusulong ng patas na sport.

Naniniwala rin ang iba na nabigo ang komite na mapag-aralang mabuti ang pagtatalaga ng guidelines para sa “diverse group” ng mga atleta.

Continue reading below ↓

Aminado ang IOC na may basehan ang mga nagtatanong tungkol sa “disproportionate competitive advantage” ni Laurel.

Maging ang American gay tennis star na si Martina Navratilova, na isinusulong ang kababaihan pagdating sa sport, ay hindi sang-ayon sa pagsali ni Laurel.

Bagamat suportado niya ang pagiging trans woman ni Laurel, naniniwala si Martina na “unfair” ang laban sa weightlifting.

Ganito rin ang opinyon ng American trans woman celebrity na si Caitlyn Jenner, na naging Olympic gold medalist sa men’s decathlon sa 1976 Olympic Games.

Hindi raw ito patas, ani Caitlyn, na dating kilalang Bruce Jenner.

Aminado rin si Budgett na kailangan pa ng mas masusing pag-aaral kaugnay ng isyu dulot ng kontrobersiya ni Laurel.

Sabi ng medical chief, "Consider the fact there have been no openly transgender women at the top level until now (and) I think the threat to women's sport has probably been overstated."

Sa ngayon, tanggap ng komite na habang kailangan pa nilang gumawa ng adjustments sa guidelines, alam nilang hindi pa matatapos ang pagiging kontrobersiyal ng usapin.

Continue reading below ↓

Samantala, mayroon ding isa pang transgender na kasali sa Tokyo 2020 Olympics.

Ito ay si Chelsea Wolfe ng U.S. para sa BMX freestyle category.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Laurel Hubbard of New Zealand competes in Tokyo 2020 Olympics women's weightlifting division. She is a transgender woman.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results