Popular Thai actor Toy Toy Chanakulpisan confesses to killing his girlfriend

by Jojo Gabinete
Aug 9, 2021
Bangkok's Appeal Court turned down a request for Thai actor Thanapat "Toy Toy" Chanakulpisan to be released on bail. Toy Toy confessed to killing his girlfriend Chatsaran Suwannakit on Friday, August 6.
PHOTO/S: Instagram / Facebook

Hindi pinayagan ng Appeal Court ng Bangkok, Thailand na magpiyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan si Thanapat “Toy Toy” Chanakulpisan.

Si Toy Toy ang 21-year-old Thai actor na bida sa Thai TV series na The Dentist and The Northern Boy.

Umamin si Toy Toy na siya ang pumatay sa 25-year-old girlfriend niyang si Chatsaran "Pim" Suwannakit.

Naganap ang krimen noong Biyernes, August 5, at pinag-uusapan ito nang husto ngayon sa Thailand dahil popular na aktor ang sangkot.

Nag-umpisa ang trahedya nang pag-awayan ng dalawa ang trabaho ni Toy Toy matapos ang pag-inom nila ng beer dahil pilit siyang pinalalayas ni Pim mula sa town house na kanilang tinitirhan.

Sa testimonya ni Toy Toy, nagpunta sa kusina si Pim at kumuha ng kutsilyo. Pinag-agawan daw nila ang kutsilyo dahil natakot umano ang aktor na baka saksakin ng kanyang girlfriend ang sarili.

Humantong sa saksakan ang pag-aagawan ng dalawa sa kutsilyo, na limang pulgada ang haba, dahil nagdilim daw ang paningin ni Toy Toy.

Continue reading below ↓

Ayon sa Bangkok Post, nagtamo si Pim ng mahigit sa dalawampung saksak, mostly minor atilang major, sa iba’t ibang bahagi ng katawan na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Hindi umalis si Toy Toy sa pinangyarihan ng krimen dahil hinintay niya ang pagdating ng Thai Police.


Continue reading below ↓

Hindi pa nagbibigay ng panayam ang naulilang pamilya tungkol sa malagim na pagkamatay ni Pim dahil hindi nila matanggap ang nangyari.

Nahimatay ang ina ni Pim na si Bunyanat Iamsaard nang makita nito ang walang buhay na katawan ng kanyang anak.

Hindi inililihim ni Pim na dumaranas ito ng depression at may bipolar illness siya sa nakalipas na dalawang taon.

Sinabi ni Pim na pilit niyang nilalabanan ang kanyang karamdaman na hindi nauunawaan ng ibang mga tao.

Noong July 8, 2021, nag-post si Chatsaran sa Facebook at Instagram page niya ng mga larawang may mga sugat at pasa ang kanyang mukha.

Ipinagtapat din niya ang maraming beses na pagtatangkang wakasan ang kanyang buhay.

Continue reading below ↓

Ang depresyon ay seryosong usapin. May mga organisasyong handang tumulong sa mga taong dumaraan sa ganitong kondisyon. Katulad na lamang ng National Center for Mental Health na inilunsad ng Department of Health.

Maaari silang tawagan sa mga sumusunod na 24/7 hotline: 0917 899 8727 (USAP); at 989 8727 (USAP)

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bangkok's Appeal Court turned down a request for Thai actor Thanapat "Toy Toy" Chanakulpisan to be released on bail. Toy Toy confessed to killing his girlfriend Chatsaran Suwannakit on Friday, August 6.
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results