Former Big Bang member Seungri gets three-year prison sentence in sex, gambling scandal

by Erwin Santiago
Aug 12, 2021
A military court convicted former Big Bang member Seungri to a three-year prison sentence for facilitating prostitution, illegal gambling overseas.
PHOTO/S: Xportsnews

Sinentensiyahan ng tatlong taong pagkakakulong ang dating Big Bang member na si Seungri.

Ito ay kaugnay ng multiple charges na isinampa laban sa kanya, kabilang na ang prostitution mediation at overseas gambling, ayon sa ulat ng Yonhap News Agency.

Sa paglilitis na ginanap ngayong Huwebes, August 12, ipinag-utos ng military court ang agarang pagdi-detain sa 31-year-old celebrity na ang tunay na pangalan ay Lee Seung-hyun.

Ayon sa korte, “The defendant conspired with Yoo In Suk [his business partner] to mediate prostitution for foreign investors on several occasions and gained profits.

“The defendant’s crimes that commercialized sex have a large negative influence on society.”

Dagdag pa nila, “As his testimonies were inconsistent and changed between the police investigation, prosecution investigation, and at court, his credibility is low.”

Ang iba pang mga kaso ni Seungri ay violation of the Act on the Aggravated Punishment, etc. of Specific Economic Crimes; violation of the Food Sanitation Act; embezzlement; violation of the Act on Special Cases Concerning the Punishment, etc. of Sexual Crimes; violation of the Foreign Exchange Transactions Act; purchase of prostitution services; at special violence instigation.

Continue reading below ↓

Bukod sa prison sentence, pinagbabayad din siya ng 1,156,900,000 won (P52 million sa Philippine peso).

Irerehistro rin ang kanyang personal information sa national registry for the violation of the Act on Special Cases Concerning the Punishment, etc. of Sexual Crimes.

Sa military court nilitis si Seungri dahil nag-enlist siya sa Army noong March 2020, kasunod ng indictment niya ng January ng taong iyon dahil sa multiple charges, kabilang na ang operation of an unlicensed adult entertainment establishment at embezzlement.

Si Seungri ay naging sentro ng imbestigasyon sa sex at drug scandal kaugnay ng Burning Sun, isang nightclub sa Seoul na iniuugnay sa kanya.

Inakusahan siya ng pagkuha ng prostitutes para sa investors mula Taiwan, Japan, Hong Kong, at iba pang bansa mula December 2015 to January 2016 para makakuha ng investment sa kanyang nightclub at iba pang mga negosyo.

Kinasuhan din siya ng pagdispalko ng humigit-kumulang 528 million won mula sa kanyang club funds, at pagsusugal sa Las Vegas mula December 2013 hanggang August 2017. Sinasabing nagpakawala siya ng 2.2 billion won para sa bisyo niyang ito.

Continue reading below ↓

Itinanggi ni Seungri ang karamihan ng mga akusasyon laban sa kanya, at sinabing ang business partner niya ang responsable sa prostitution at hindi rin umano siya nagpunta sa Amerika para magsugal.

Sa hearing noong July 2, hiniling ng military prosecutors ang five-year prison term at multang 20 million won para kay Seungri.

Ayon sa kanila, si Seungri "shown no remorse and shifted blame to other people despite enjoying large benefits from his crimes."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A military court convicted former Big Bang member Seungri to a three-year prison sentence for facilitating prostitution, illegal gambling overseas.
PHOTO/S: Xportsnews
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results