Pinoy Broadway actor Miguel Braganza biktima ng Asian hate crime sa U.S.

by KC Cordero
Aug 16, 2021
Nagkaroon ng trauma ang Filipino theatre actor na si Miguel Braganza matapos maging biktima ng Asian hate crime sa New York City noong August 7, 2021. Photo from Miguel Braganza's FB

Pauwi na si Miguel Braganza, isang Filipino theatre actor/director, sa kanyang apartment sa Upper West Side, New York, USA, nang bigla na lang may umatake sa kanya.

Bandang ala una ng madaling araw noong August 7, 2021, kabababa pa lang niya sa Uber na naghatid sa kanya mula sa pagbisita sa isang kaibigan nang maganap ang inisdente.

Tinutukan siya ng baril sa ulo, itinulak para mapahiga siya sa kalsada, at saka pinagnakawan.

Sambit umano ng umatake kay Miguel, na pinalo pa ng baril sa ulo, “You f*cking Asian!”

Isinugod si Miguel sa New York-Presbyterian Hospital, pero pinauwi rin agad siya, ayon sa Philippine Consulate.

Pero nagkaroon siya ng trauma, “It’s the trauma, and a bit of depression. A doctor friend said it’s natural so I’m fighting it."

Binanggit din niya na wala pa siyang natatanggap na anumang update mula sa New York Police Department (NYPD) tungkol sa insidente.

Pahayag niya, “The police were there that night, but up to now they haven’t contacted me.

Continue reading below ↓

“I’m a bit hurt because the police haven’t contacted or told me if they caught the suspect.”

Wala pa ring inilalabas na statement ang NYPD Hate Crime Task Force kaugnay ng nasabing insidente, ayon sa ulat ng Times Square Chronicle noong August 14, 2021.

Tingin ni Miguel sa naganap na insidente, “It is more of attempted robbery, a bit of Asian hate.

“Thank God hindi ako binaril.”

WHO IS MIGUEL BRAGANZA?

Si Miguel ay isang Walter Terry scholar sa dance performance and choreography program ng Harvard University noong dekada 80.

Naging assistant siya ni Tony Award-winning director John Dexter sa original Broadway production ng “M. Butterfly” mula 1988-1990.

Nakasama rin siya ng cast of Miss Saigon sa U.S. and international productions nito at naging bahagi ng show sa loob ng 14 na taon.

Continue reading below ↓

Ang kanilang angkan ay tubong Pangasinan, pero si Miguel ay sa Davao ipinanganak, sa Zamboanga del Sur lumaki, at sa Dumaguete City nagbinata.

Nagsasagawa siya sa kasalukuyan ng musical theatre workshops for children and teens sa New York at Beijing.

ISANG PINAY INATAKE RIN HABANG NAMIMIGAY NG FACE MASKS

Samantala, iniulat ni Philippine Consul General Elmer Cato noong August 14 na bukod kay Miguel, ay isang Pinay ang inatake rin ng dalawang indibidwal habang namimigay ng face masks sa mga kapwa pasahero sa subway noong August 10.

Ayon kay Cato, "The assailants were shouting racial slurs at her while she was being attacked."

Nanawagan din si Cato sa mga opisyal ng New York City na gawin ang mga kinauukulang hakbang para makasuhan ang mga nasa likod ng bayolenteng pag-atake sa mga Filipino.

Aniya, "We reiterate our request for increased police visibility in the city, particularly in the subway system."

Naging talamak ang hate crimes at racism laban sa mga Asians at Asian Americans sa United States sa mga nakalipas na buwan mula nang lumaganap ang COVID-19 pandemic.

Continue reading below ↓

Dahil sa mga nabanggit na insidente, muling nagpaalala ang consular office sa New York sa Filipino community roon na patuloy na mag-ingat at maging mapagmatyag kapag nasa labas ng kanilang mga tahanan.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagkaroon ng trauma ang Filipino theatre actor na si Miguel Braganza matapos maging biktima ng Asian hate crime sa New York City noong August 7, 2021. Photo from Miguel Braganza's FB
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results