iKON's Bobby announces upcoming wedding; will be a father soon

by Erwin Santiago
Aug 20, 2021
iKON's Bobby: "I have promised marriage with a person I love. I am also becoming a father in September."

Magpapakasal at magiging tatay na ang sikat na K-pop idol na si Bobby.

Si Bobby, 25, ay miyembro ng boy group na iKON.

Ngayong Biyernes, August 20, inanunsiyo mismo ni Bobby sa kanyang Instagram ang malaking balitang ito.

Sabi ng rapper-composer: "I have promised marriage with a person I love. I am also becoming a father in September."

Hindi pinangalanan kung sino ang babaeng pakakasalan ni Bobby.

Bagamat masaya raw siya dahil madadagdagan ang miyembro ng kanyang pamilya, humihingi siya ng paumanhin sa fans na nagulat sa kanyang balita.

Hindi kaila sa marami ang pagiging possessive ng K-pop fans sa kanilang mga idolo, kaya bihirang-bihirang napapabalita ang tungkol sa love life ng K-pop idols.

Sa kaso ni Bobby, walang napabalitang naging karelasyon niya kaya tiyak na nagulat nang husto ang kanyang mga tagasuporta.

Pahayag niya: "I should’ve let you know earlier, but I apologize that I am letting you know later as I was worried more than anything for this reason.

Continue reading below ↓

"I feel heavy responsibility as I think I have caused a great emotional burden to the people who always help and support me who is lacking a lot in many ways.

"I sincerely apologize to the people who are hurt or confused by my news."

Sa huli, nangako si Bobby na gagawin niya ang lahat upang hindi maging kahihiyan sa kanyang mga magulang, sa mga kamiyembro niya, at sa iKON fans.

Ipagpapatuloy pa rin daw niya ang pagiging iKON member sa kabila ng kanyang pagpapakasal at pagkakaroon ng anak

Aniya: "I will become a person who does not cause shame to my parents along with the iKON members and fans who have made my lacking self into someone who is needed in this world.

"More than anything, I will work even harder to not cause harm to the members and the fans who are waiting for iKON’s activities."

Ang iKON ay inilunsad ng YG Entertainment noong September 15, 2015.

Continue reading below ↓

Ang iba pang mga miyembero ng grupo ay sina Jay, Song, DK, Ju-ne, at Chan. Dati nilang kamiyembro ang leader ng grupo na si B.I.

Kabilang sa hit songs ng iKon ay ang "Love Scenario," Rhythm Ta," "My Type," "Apology," at "Goodbye Road."

BOBBY'S FULL STATEMENT

Narito ang kabuuang pahayag ni Bobby:

"Hello, this is iKON’s Bobby.

"There is something I really want to tell you today, so I am writing this after putting in much thought.

"I have promised marriage with a person I love. I am also becoming a father in September.

"I am happy to welcome a new family member, but I feel more apologetic to the fans who must be taken aback by my news.

"I should’ve let you know earlier, but I apologize that I am letting you know later as I was worried more than anything for this reason.

"I feel heavy responsibility as I think I have caused a great emotional burden to the people who always help and support me who is lacking a lot in many ways.

Continue reading below ↓

"I sincerely apologize to the people who are hurt or confused by my news.

"I will become a person who does not cause shame to my parents along with the iKON members and fans who have made my lacking self into someone who is needed in this world.

"More than anything, I will work even harder to not cause harm to the members and the fans who are waiting for iKON’s activities."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
iKON's Bobby: "I have promised marriage with a person I love. I am also becoming a father in September."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results