Lee Min Ho's camp denies report he dates ex-MOMOLAND member Yeonwoo

by Erwin Santiago
Aug 30, 2021
Lee Min Ho's agency on dating rumor with Yeonwoo: “It is not true that they are in a relationship. They are just acquaintances.”
PHOTO/S: Instagram / Dispatch

Itinanggi ng kampo ng Korean superstar na si Lee Min Ho, 34, ang report na nagdi-date sila ng dating miyembro ng MOMOLAND na si Yeonwoo, 25.

Ngayong Lunes, August 30, iniulat ng Dispatch, kilalang entertainment news site sa South Korea, na limang buwan nang nagdi-date sina Lee Min Ho at Yeonwoo. Nagba-bonding umano ang dalawa sa pamamagitan ng gaming at panonood ng singer.

Continue reading below ↓

Naglabas din ng ilang larawan ang Dispatch ng magkahiwalay na larawan ng dalawa kung saan sinundo raw ni Lee Min Ho si Yeonwoo para manood ng sine.

Continue reading below ↓

Ngunit pinabulaanan ito ng agency ni Lee Min Ho, ang MYM Entertainment, sa pamamagitan ng isang statement.

Nakasaad dito: “It is not true that they are in a relationship. They are just acquaintances.”

Paglilinaw pa ng agency tungkol sa mga larawan nina Lee Min Ho at Yeonwoo: “It wasn’t just the two of them, and there were other friends present at the time. They are not photos of a date.”

Ang huling napabalitang girlfriend ni Lee Min Ho ay ang aktres at dating miyembro ng Miss A na si Suzy.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lee Min Ho's agency on dating rumor with Yeonwoo: “It is not true that they are in a relationship. They are just acquaintances.”
PHOTO/S: Instagram / Dispatch
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results