American singer R. Kelly convicted in sex trafficking trial

by Jojo Gabinete
Sep 28, 2021
American singer R. Kelly has been convicted in a sex trafficking trial after decades of avoiding criminal responsibility for numerous allegations of misconduct with young women and children.
PHOTO/S: Instagram

Nagkaroon ng panawagang ipagbawal sa mga streaming platform na Apple Music at Spotify ang mga kanta ni R. Kelly matapos mapatunayan ng federal jury sa New York City na guilty siya sa mga kasong racketeering at sex trafficking.

Si R. Kelly o Robert Sylvester Kelly ang kinikilalang King of R&B dahil sa kanyang mga hit song na sumikat noong dekada ’90, tulad ng "Ignition" at "I Believe I Can Fly."

Si R. Kelly rin ang sumulat ng "You Are Not Alone," isa sa mga popular song ng King of Pop na si Michael Jackson.

Nabigyan na ng ibang kahulugan ng lyrics ang mga sikat na kanta ni R. Kelly dahil sa mga karumal-dumal na ginawa niya sa kanyang mga batang biktima.

Nakatakda sa May 4, 2022 ang paghahatol sa 54-year-old singer at record producer.

Nahaharap siya sa life imprisonment dahil sa mga patung-patong na kaso laban sa kanya.

Nakabilanggo si R. Kelly mula pa noong July 2019 dahil sa mga reklamo ng pakikipagrelasyon, pakikipagtalik, at pang-aabuso sa mga menor de edad na babae at lalake.

Continue reading below ↓

THE COMPLAINANTS

Ayon sa isa sa mga complainant na si Jerhonda Johnson Pace, wala pa siya sa legal na edad nang makipagtalik siya kay R. Kelly sa Chicago noong 2009.

Ikinuwento ni Pace sa korte na bukod sa pinagsuot siya ni R. Kelly ng Girl Scout uniform, inutusan siyang itali niya ng pigtail ang kanyang buhok, at kinunan ng American singer ng video ang kanilang pagtatalik.

Nagbigay rin ng testimonya sa korte si "alias Alex," high school student nang makilala siya ni R. Kelly.

Sinabi ni Alex na pinilit siya ni R. Kelly na halikan at pinayuhang maging bukas ang isip niya.

Naranasan ni Alex na makipagtalik sa mga kababaihang ni-recruit ni R. Kelly habang nanonood ito at kinukunan ng video ang eksena.

May pagkakataon ding sumasali si R. Kelly sa kanilang mga ginagawa o pinaliligaya ang sarili habang pinanonood ang mga nangyayari.

Ayon kay Alex, pamangkin ang pakilala sa kanya ni R. Kelly sa ibang mga tao kahit hindi sila magkadugo o magkamag-anak.

Continue reading below ↓

AALIYAH WAS ONLY 15 WHEN SHE MARRIED R. KELLY

Ang American singer na si Aaliyah, na pumanaw dahil sa isang plane crash noong August 25, 2001, ang unang asawa ni R. Kelly.

Pero hindi legal ang kanilang pagpapakasal noong August 31,1994.

Lumitaw ang katotohanang menor de edad si Aaliyah nang magpakasal sila ni R. Kelly, na 27 years old noon, dahil dinaya ang kanyang edad.

Fifteen years old lang si Aaliyah nang ikasal sila ni R. Kelly, pero 18 years old ang edad niyang nakalagay sa kanilang marriage certificate.

Wala rin pahintulot ng mga magulang ni Aaliyah ang pag-iisang dibdib nila ni R. Kelly.

Hindi nagtagal ang relasyon ng dalawa dahil naghiwalay sila makalipas ang isang taon.

Halos isang dosenang mga saksi na biktima ng mga pang-aabuso ni R. Kelly noong mga menor de edad pa sila ang humarap sa korte at nagbigay ng testimonya tungkol sa psychological torture na naranasan nila sa kamay ng singer.

Continue reading below ↓

Nagkaroon din ng sexually transmitted disease ang ilan sa mga biktima dahil nahawa sila sa singer, na walang reaksiyon nang marinig nito ang guilty verdict sa kanya ng federal jury.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
American singer R. Kelly has been convicted in a sex trafficking trial after decades of avoiding criminal responsibility for numerous allegations of misconduct with young women and children.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results