Hometown Cha Cha Cha star Kim Seon Ho owns up to hurting ex-girlfriend; apologizes for his mistakes

by Rachelle Siazon
Oct 20, 2021
An excert from Korean heartthrob Kim Seon Ho's statement: "In the meantime, I hope to relay my apology in earnest through this letter. I would also like to apologize to all those who trusted me and cheered me on until the end, for disappointing you."
PHOTO/S: @seonho__kim Instagram

Ang resident "good boy" ng hit K-drama na Start-Up at Hometown Cha Cha Cha na si Kim Seon Ho ay umamin na siya ang aktor na tinutukoy sa isang kontrobersiyal na anonymous post na kumalat sa social media.

Sa opisyal na pahayag ni Seon Ho, sinabi niyang totoong nakarelasyon niya ang anonymous author ng post na naglalaman ng mga kasiraan laban sa Korean hearthrob.

Hindi idinetalye ni Seon Ho kung ano ang eksaktong kasalanan niya sa ex-girlfriend, pero kapansin-pansing hindi rin niya dinenay ang mga paratang nito.

Nais daw niyang personal na humingi ng dispensa sa babae, pero hindi pa raw niya nakakausap ito sa ngayon.

Paliwanag niya sa wikang Korean na isinalin sa English ng website na soompi.com: "This is Kim Seon Ho.

"First, I sincerely apologize for my belated statement.

"When I first saw the news articles with my name on them a few days ago, I experienced a fear like I had never felt before, which is why I am only now presenting myself in writing.

Continue reading below ↓

"I dated this person with good feelings. But during the relationship, I hurt this person due to my incompetence and lack of consideration.

"I had hoped to meet with this person again in order to deliver my sincere apology, but I am currently unable to do so and am waiting for that time when I am presented with the opportunity."

Inamin din ni Seon Ho na lubha siyang natigatig sa kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon.

Alam daw niyang nasaktan niya ang mga taong nagtiwala sa kanya dahil sa hindi niya pagiging tapat sa mga ito.

"In the meantime, I hope to relay my apology in earnest through this letter. I would also like to apologize to all those who trusted me and cheered me on until the end, for disappointing you.

"I was only able to stand tall as actor Kim Seon Ho because of the people who cheered me on, but I had forgotten this fact."

Continue reading below ↓

Humingi rin ng paumanhin si Seon Ho sa mga katrabaho na nadamay sa isyu.

"I also take this time to apologize to the many people who worked with me on various productions for the harm which I have caused, due to my mistakes.

"Once again, I want to sincerely apologize to all who may have been hurt by this incident. I know that these ramblings are insufficient to reach many people earnestly, but I offer my honest thoughts in any way that I can.

"I am truly sorry."

May mga endorsement si Kim Seon Ho na umatras na dahil sa kontrobersiya.

Napabalitang na-cancel din ang dapat sana'y press interviews nina Kim Seon Ho at Hometown Cha Cha Cha co-star Lee Sang Yi (ang gumanap na director sa serye) dahil sa isyu.

ALLEGED ABORTION OF THEIR CHILD

Matindi ang mga binitiwang salita ng hindi kilalang ex-girlfriend ni Seon Ho na nagpakalat ng post laban sa aktor.

Continue reading below ↓

Sinabi ng babae na nabuntis siya, pero pinilit umano ni Seon Ho na ipalaglag ang bata noong sila pa.

Kinalaunan ay nakipagkalas si Seon Ho sa babae dahil ayaw umano nitong masira ang showbiz career nito.

Nagdulot daw sa babae ng matinding "mental and physical trauma" ang karanasan niya kay Seon Ho.

Tumagal ng dalawang taon ang relasyon nila, ayon pa rin sa di nagpakilalang babae.

KIM SEON HO'S AGENCY

Samantala, humingi rin ng paumanhin ang Salt Agency, ang talent management company na may hawak kay Kim Seon Ho.

Nakasaad sa kanilang official statement: "Hello, this is Salt Entertainment.

"We would like to apologize for causing many people concerns due to actor Kim Seon Ho's private matters.

"We would like to deliver our apologies to many people who were disappointed or hurt by the recent events."

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
An excert from Korean heartthrob Kim Seon Ho's statement: "In the meantime, I hope to relay my apology in earnest through this letter. I would also like to apologize to all those who trusted me and cheered me on until the end, for disappointing you."
PHOTO/S: @seonho__kim Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results