Kim Seon Ho to leave variety program 2 Days 1 Night; dropped from two movies

by Erwin Santiago
Oct 20, 2021
KB2 on Kim Seon Ho's departure from 2 Days 1 Night: "The production staff has officially decided that actor Kim Seon Ho will be leaving the program, after his recent controversy. He will also be edited out to the best of our abilities in upcoming episodes which were already filmed prior to the controversies, in order to minimize the discomfort inflicted on viewers."

Tatanggalin na ang Korean actor na si Kim Seon Ho sa popular variety program na 2 Days 1 Night.

Ito ay bunsod ng kinasasangkutang kontrobersiya ni Kim Seon Ho, kung saan isiwalat ng kanyang ex-girlfriend na pinilit umano siya ng aktor na ipalaglag ang ipinagbubuntis niya.

Nag-issue ng official statement si Kim Seon Ho upang humingi ng patawad sa kanyang ex-girlfriend at sa mga taong nadamay dahil sa kanyang pagkakamali.

Ngayong Miyerkules, October 20, ay naglabas din ng pahayag ang TV station na KBS2 upang kumpirmahing aalis na si Kim Seon Ho sa 2 Days 1 Night, kung saan siya naging regular cast member sa loob ng dalawang taon.

Narito ang official statement ng KBS2 na inilathala ng allkpop.com:

"Hello, this is the staff of KBS2's '1 Night, 2 Days' season 4. The production staff has officially decided that actor Kim Seon Ho will be leaving the program, after his recent controversy.

Continue reading below ↓

"He will also be edited out to the best of our abilities in upcoming episodes which were already filmed prior to the controversies, in order to minimize the discomfort inflicted on viewers.

"The production staff of '1 Night, 2 Days' will continue to do our best to create a good program moving forward. Thank you."

Ipinaalam na rin sa ibang cast members ng 2 Days 1 Night ang pag-alis ni Kim Seon Ho sa show ngayon ding araw.

Nakatakdang mag-taping muli ang programa sa October 29.

Inaasahan na rin ang pag-atras ng mga endorsement ni Kim Seon Ho, pati na ang iba pang mga nakalinya niyang proyekto.

Kabilang dito ang dalawang pelikulang pagbibidahan niya, ang 2 O'Clock Date at Dog Days.

Samantala, wala pang pinal na desisyon kung papalitan din siya sa Sad Tropics, kung saan gaganap siyang Korean-Filipino wannabe boxer.

Hindi na bago ang cancel culture sa South Korea, kung saan mataas ang pagtingin sa mga celebrity. Kapag nasangkot ang isang celebrity sa isang eskandalo ay kadalasang hindi na ito nakakabalik sa entertainment scene.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
KB2 on Kim Seon Ho's departure from 2 Days 1 Night: "The production staff has officially decided that actor Kim Seon Ho will be leaving the program, after his recent controversy. He will also be edited out to the best of our abilities in upcoming episodes which were already filmed prior to the controversies, in order to minimize the discomfort inflicted on viewers."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results