Kim Seon Ho's ex-girlfriend issues apology; to take legal action against death threats

by Erwin Santiago
Oct 21, 2021
Kim Seon Ho's ex-girlfriend: "There was a time when that person and I were both genuinely in love, so I feel bad seeing him collapse in an instant due to what I wrote, part of which was very strong. I have received an apology from that person, and I think there were some parts that were a misunderstanding."

Nag-issue rin ng apology ang ex-girlfriend ni Kim Seon Ho ilang oras maglabas ng kanyang official statement ang Hometown Cha Cha actor kaugnay ng kontrobersiyang kinasasangkutan niya.

Ngayong Miyerkules, October 20, inamin ni Kim Seon Ho na siya ang "Actor K" na tinutukoy sa kumalat na anonymous post ng isang netizen na pinilit ng kanyang ex-boyfriend na aktor na ipalaglag ang ipinagbubuntis nito kapalit ng pangakong pakakasalan siya nito.

Pero pagkatapos daw magpa-abort ng netizen ay hiniwalayan siya ng aktor.

Sinabi rin ng nag-post na iba ang ugaling ipinapakita ng aktor sa kanyang mga nakakatrabaho.

Sa official statement ni Kim Seon Ho, humingi siya ng apology sa ex-girlfriend na nasaktan niya dahil sa kanyang "incompetence and lack of consideration."

Humingi rin ang aktor ng paumanhin sa mga nagtiwala at sumuporta sa kanya "for disappointing you."

Sabi pa ng aktor: "I was only able to stand tall as actor Kim Seon Ho because of the people who cheered me on, but I had forgotten this fact.

Continue reading below ↓

"I also take this time to apologize to the many people who worked with me on various productions for the harm which I have caused, due to my mistakes."

"I FEEL BAD SEEING HIM COLLAPSE IN AN INSTANT"

Ilang oras pagkatapos lumabas ang public apology ni Kim Seon Ho, in-edit ng kanyang ex-girlfriend ang original post nito kung saan ibinulgar niya aAng aktor.

Sabi nito, "I received an apology from him. I think there were misunderstandings between us."

Humingi rin ng paumanhin ang ex-girlfriend "for causing unintended trouble for many people through my writing."

Idinagdag din nitong hindi raw niya nais makitang bumagsak si Kim Seon Ho sa isang iglap dahil sa kanyang isiniwalat dahil "there was a time that he and I truly loved each other."

Sinabi rin ng ex-girlfriend na ayaw na niyang kumalat ang anumang impormasyon o anumang tungkol sa kanilang dalawa ng aktor na malayo sa katotohanan.

Continue reading below ↓

Ito ang kabuuan ng statement ng ex-girlfriend ni Kim Seon Ho na nailathala sa iba't ibang Korean entertainment websites:

"I’m sorry for having unintentionally hurt many people with my post.

"There was a time when that person and I were both genuinely in love, so I feel bad seeing him collapse in an instant due to what I wrote, part of which was very strong.

"I have received an apology from that person, and I think there were some parts that were a misunderstanding.

"I don’t want things that are different from the truth to be spread, and I don’t want our story to be exaggerated anymore.

"My heart is heavy because I feel that I have caused a lot of damage to many people through this incident.

"I will take down this post soon."

KIM SEON HO'S EX-GIRLFRIEND

Bunsod ng kanyang pagsisiwalat ay inatake ng Korean netizens ang ex-girlfriend at mayroon pang nagsiwalat ng mga pribadong impormasyon, pati na ang mga larawan nito, tungkol sa pagkakakilanlan nito.

Continue reading below ↓

May mga nagsasabing ang ex-girlfriend ni Kim Seon Ho ay naging weather broadcaster sa loob ng sampung taon.

Nagbabala ang kampo ng ex-girlfriend ni KIm Seon Ho na gagawa sila ng legal action laban sa mga banta sa kanyang buhay at pribadong buhay.

Ito ang inilabas na pahayag ng legal counsels ng ex-girlfriend ng aktor:

"We are attorneys Lee Dong Hoon and Jung Da Eun of the law firm Best Way, who are representing Kim Seon Ho’s ex-girlfriend “A.”

"At the moment, personal information about “A” is being recklessly released through certain media outlets, social media, and online communities; and she is facing endless attacks and even death threats based on falsehoods about her identity and personal life.

"As a result, “A” is currently suffering from severe psychological stress, to the point where it is difficult for her to even go about her everyday life.

"In order to prevent “A,” who is not a celebrity, from suffering additional damage, we respectfully request that you refrain from over-the-top speculation and defamation of character, and we also ask that [reporters] refrain from investigating “A” as an individual or requesting interviews.

Continue reading below ↓

"Our law firm will do our utmost to protect “A,” and we are informing you of our plans to take all possible legal measures in response to malicious reports, posts, or comments related to “A.”

IS KIM SEON HO'S SHOWBIZ CAREER OVER?

Sa kabila ng pahayag ng ex-girlfriend ni Kim Seon Ho na hindi niya intensiyong masira ang career ng aktor, sa loob lamang ng isang araw ay naglaho ang kasikatang tinatamasa ngayon ng Korean star.

Sa isang iglap lamang ay natapos na ang lahat ng pinaghirapan niya sa loob ng maraming taon.

October 18, Lunes, o isang araw matapos ipalabas ang huling episode ng hit Netflix series ni Kim Seon Ho na Hometown Cha Cha, lumabas ang anonymous post ng ex-girlfriend sa Korean online community na Nate Pann na may titulong “I am disclosing actor K’s two-faced and shameless true nature.”

Pagkalipas ng dalawang araw, nitong October 20, binasag ni Kim Seon Ho ang kanyang katahimikan at inamin ang kanyang pagkakamali.

Continue reading below ↓

Tila domino effect ang kasunod na mga pangyayari dahil halos sabay-sabay nawala ang mga proyekto at endorsements ng popular na aktor.

Una nang dumistansiya sa kanya ang ilang brands na iniendorso niya.

Kasunod nito ay tinanggal siya sa variety program na 2 Days 1 Night, kung saan naging regular cast member siya sa loob ng dalawang taon.

Nawala na rin sa kanya ang dalawang pelikula na pagbibidahan sana niya, ang 2 O'Clock Date at Dog Days.

Samantala, wala pang pinal na desisyon kung papalitan din siya sa Sad Tropics, kung saan gaganap siyang Korean-Filipino wannabe boxer.

Si Kim Seon Ho ay malinaw na biktima ng cancel culture sa South Korea, kung saan ang isang celebrity na nakagawa ng pagkakamali o nasangkot sa matinding kontrobersiya ay "cancelled" na o mahihirapan nang makakabalik sa entertainment industry.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Seon Ho's ex-girlfriend: "There was a time when that person and I were both genuinely in love, so I feel bad seeing him collapse in an instant due to what I wrote, part of which was very strong. I have received an apology from that person, and I think there were some parts that were a misunderstanding."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results