Alec Baldwin fatally shoots cinematographer, injures director after firing prop gun

by Rachelle Siazon
Oct 22, 2021
American actor Alec Baldwin fires prop gun that killed cinematographer Halyna Hutchins during the shooting of film Rust in New Mexico. Police says it hasn't been declared an accident at press time.
PHOTO/S: Instagram

Nauwi sa malagim na trahedya ang shooting ng Western movie na Rust tampok ang American actor at producer na si Alec Baldwin, 68.

Ang cinematographer na si Halyna Hutchins, 42, ay idineklarang patay nang makarating ito sa New Mexico Hospital sa Albuquerque via helicopter ride.

Ang direktor ng pelikula na si Joel Souza, 48, ay sugatan at dinala sa Christus St. Vincent Medical Center.

Nangyari ang insidente noong Huwebes ng hapon, October 21, (U.S. time) sa New Mexico.

Ayon sa police report na inilathala sa Variety.com, 1:50 p.m. nang matanggap nila ang tawag tungkol sa diumano'y aksidenteng pamamaril ng isang tao.

Pero idiniin ng pulisya na hindi pa nila idinideklarang aksidente ang pangyayari habang isinasagawa ang imbestigasyon.

"The Sheriff's Office is referring to this incident as a shooting investigation. That detail will be addressed by detectives as they work their case," saad ng spokesman ng Sheriff's office na si Juan Rios.

Continue reading below ↓

Sabi pa sa opisyal na pahayag ng Santa Fe County Sheriff's Office, "This investigation remains open and active.

"No charges have been filed in regard to this incident. Witnesses continue to be interviewed by detectives."

Ito ay sa kabila ng naunang pahayag ng pamunuan ng Rust Movie Productions LLC, production company ng pelikula, na aksidente ang nangyaring "misfire" ng baril sa set ng Rust.

Sinundan nila ito ng official statement tungkol sa kooperasyon ng kumpanya sa imbestigasyon ng pulisya.

Sabi rito: "The entire cast and crew has been absolutely devastated by today’s tragedy, and we send our deepest condolences to Halyna’s family and loved ones.

"We have halted production on the film for an undetermined period of time and are fully cooperating with the Santa Fe Police Department’s investigation.

"We will be providing counseling services to everyone connected to the film as we work to process this awful event."

Sa kasalukuyan, wala pang opisyal na pahayag si Alec Baldwin.

Continue reading below ↓

Sa istorya ng pelikula, gumaganap si Alec na tulisan na may teenager na apo na nakulong dahil sa aksidenteng pagpatay ng isang tao.

Noon lamang October 19, nag-post ang cinematographer na si Halyna Hutchins ng litrato ng complete cast at crew ng Rust.

Noon namang October 20, masigla pa si Halyna na nangabayo habang break time nila sa set ng pelikula.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
American actor Alec Baldwin fires prop gun that killed cinematographer Halyna Hutchins during the shooting of film Rust in New Mexico. Police says it hasn't been declared an accident at press time.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results