Kim Seon Ho's rumored ex-girlfriend identified by netizens as former weather forecaster

by Rachelle Siazon
Oct 23, 2021
Hometown Cha Cha Cha star Kim Seon Ho remains tight-lipped about netizens speculating that his ex-girlfriend is former KBS weather forecaster Choi Young Ah.
PHOTO/S: Instagram

Napuruhan nang husto ang sikat na South Korean heartthrob na si Kim Seon Ho, 35, matapos paratangan ng ex-girlfriend na pinilit niya umano itong ipalaglag ang kanilang anak.

Habang ang ex-girlfriend ni Kim Seon Ho ay inilihim ang kanyang pagkatao at nagpakilala lamang sa initial na "A" at tinukoy sa initial na "K" ang aktor na kanyang nobyo sa anonymous niya post sa social media.

Pero hindi nakaligtas ang ex-girlfriend ni Kim Seon Ho dahil naging tampulan ng usap-usapan ang kanyang pagkakakilanlan.

WHO IS KIM SEON HO'S RUMORED EX-GIRLFRIEND?

Inulat ng South Korean network na SpoTV News na nagtrabaho ng ilang taon sa broadcasting industry ang "pretty" at "talented" ex-girlfriend ni Kim Seon Ho.

Umugong ang usap-usapan ng mapanuring netizens at fans ni Kim Seon Ho na tugma ang clues sa blind item sa mga katangian ng dating KBS weather forecaster na si Choi Young Ah.

Dagdag pa rito, sinasabing bago pa pumutok ang isyu ay napabalita na ang dating ugnayan ni Kim Seon Ho kay Choi Young Ah.

Continue reading below ↓

Lalo pang naghinala ang netizens nang mapunang nag-private mode ang settings ng Instagram account ng dating weather forecaster.

Halos ganito rin ang impormasyong lumabas sa ulat ng allkpop.com.

Ayon sa isa pang ulat ng kbizoom.com, si Choi Young Ah ay 35 taong gulang. Nagtapos siya ng kursong Foreign Studies major in French.

Nagtrabaho siya bilang weather forecaster sa TV network na YTN noong 2009. Lumipat siya sa major TV network na KBS noong 2010.

Nakilala Choi Young Ah, na may taas na 5'5", dahil likas na fashionista.

Bumitiw siya sa trabaho bilang weather forecaster noong 2013 nang siya ay magpakasal sa isang negosyante na mas matanda sa kanya ng apat na taon.

Ayon pa rin sa kbizoom.com, labimpitong (17) araw lang ang itinagal ng married couple bago nagpasyang magdiborsyo ang mga ito.

Mula noon ay naging abala si Choi Young Ah sa kanyang online fashion and beauty business.

Sinasabing sinubukang hingin ng Korean media reporters ang kumpirmasyon mula kay Kim Seon Ho kung si Choi Young Ah nga ba ang hinihinalang ex-girlfriend niya.

Continue reading below ↓

Pero hindi ito sinagot ng aktor at maging ni Choi Young Ah.

ANONYMOUS A'S DAMAGING ALLEGATIONS

Sa kabilang banda, lubhang mapanira ang mga binitiwan salita ng anonymous ex-girlfriend ng lead star ng hit K-drama na Hometown Cha Cha Cha.

Isinabay pa ng babae ang kanyang rebelasyon noong October 17, 2021, na siya ring araw ng finale ng serye Netflix series na nagtala ng pinamakataas na TV ratings sa buong itinakbo nito sa ere.

Idiniin ng female netizen na si Kim Seon Ho ang may kagustuhang ipalaglag niya ang kanyang unborn baby.

Makakasuhan daw kasi ng breach of contract si Kim Seon Ho at pagmumultahin ng "900 million Korean won" dahil may clause sa kanyang endorsements na kinakailangang manatili siyang single at walang anak.

Base pa rin sa anonymous post ng babae, pumayag siya dahil pinangakuan siya ng kasal ni Kim Seon Ho.

Pero sa huli ay nakipagkalas pa rin sa kanya ang aktor, na nakarelasyon umano niya mula "early 2020" hanggang "June 2021."

Continue reading below ↓

KIM SEON HO'S PUBLIC APOLOGY

Noong October 20, diretsahang inamin Kim Seon Ho na siya ang "Actor K" na tinukoy ni "A" sa anonymous post nito.

Humingi siya ng paumanhin sa ex-girlfriend na pinili niyang huwag nang pangalanan.

"I dated this person with good feelings. But during the relationship, I hurt this person due to my incompetence and lack of consideration," saad ni Kim Seon Ho sa official statement niya.

Hindi idinetalye ni Kim Seon Ho kung ano ang eksaktong kasalanan niya kay A at kung may kinalaman nga ba ito sa alegasyong pinilit niya itong ipalaglag ang kanilang anak.

Hindi rin binanggit ni Kim Seon Ho ang akusasyon ni A na hindi magandang pag-uugali umano ng aktor nang sumikat ito.

Naging household name si Kim Seon Ho nang sumikat ito sa "good boy" role nito sa Start-Up, ang K-drama na umere mula October hanggang December 2020. Secondary male lead lang siya noon.

Continue reading below ↓

Bumida siya Hometown Cha Cha Cha, na umere mula August hanggang October 2021.

KIM SEON HO'S EX-GIRLFRIEND CLAIMS SHE DIDN'T INTEND TO CAUSE HARM

Ilang oras matapos naiulat ang pahayag ni Kim Seon Ho, in-update ng ex-girlfriend niya ang anonymous post nito sa social media.

Personal daw silang nagkausap ni Kim Seon Ho.

"I have received an apology from that person, and I think there were some parts that were a misunderstanding," saad ni anonymous A.

Minsan daw niyang minahal si Kim Seon Ho kaya nasaktan siya nang makitang mawasak ang aktor dahil sa isyu.

Ayaw na raw niyang lumaki pa ang isyu kaya buburahin na rin niya ang kanyang post.

Binatikos nang husto si A dahil sa matinding paratang niya kay Kim Seon Ho at sa tindi ng epekto nito sa showbiz career ng aktor.

May mga nagpakilalang abogado ni A na nagbabala na idedemanda nila ang maninira umano sa kanilang kliyente at maglalabas ng pribadong impormasyon ukol dito.

Continue reading below ↓

Kung anu't ano man, ang malinaw ay naapektuhan nang husto ang karera ni Kim Seon Ho.

Tinanggal na siya sa sikat na Korean variety program na 2 Days 1 Night na kinabilangan niya sa loob ng dalawang taon.

Tatanggalin na rin siya sa dalawang pelikulang pagbibidahan niya sana, ang 2 O'Clock Date at Dog Days.

Habang si A ay nananatiling lihim ang pagkatao.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hometown Cha Cha Cha star Kim Seon Ho remains tight-lipped about netizens speculating that his ex-girlfriend is former KBS weather forecaster Choi Young Ah.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results