Alec Baldwin tweets after fatal shooting of cinematographer; was told gun was safe, official says

by Bernie V. Franco
Oct 23, 2021
Actor Alec Baldwin takes to social media and posts his reaction to the fatal shooting that happened on the set of his upcoming movie. Alec fired a gun for his role, but it turns out that the gun was loaded and hit the crew's cinematographer and film director. The cinematographer was killed in the process.
PHOTO/S: @alecbaldwininsta on Instagram

Naglabas ng pahayag ang Hollywood actor na si Alec Baldwin, 68, kaugnay ng nabaril at pumanaw na cinematographer sa set ng kanilang ginagawang pelikula.

Pinaputok ni Alec ang prop gun dahilan tumama ito sa cinematographer na si Halyna Hutchins, 42, at at film director na si Joel Souza, 48.

Via helicopter ride, isinugod si Halyna sa New Mexico Hospital sa Albuquerque, pero idineklara na siyang patay.

Dinala naman ang film director sa Christus St. Vincent Medical Center.

Nangyari ang insidente ng pamamaril sa set ng pelikulang Rust sa New Mexico, October 21, (U.S. time).

Si Alec ang bida at producer ng Hollywood movie na isang Western period movie.

ALEC REACTS

Naglabas ng kanyang pahayag si Alec via Twitter nitong October 22, 2021.

Maging siya man ay apektado sa insidente at nakikipagtulungan daw siya sa mga may kapangyarihan.

Nakikipag-ugnayan din daw ang Hollywood actor sa asawa ng nasawing cinematographer.

Aniya, “There are no words to convey my shock and sadness regarding the tragic accident that took the life of Halyna Hutchins, a wife, mother and deeply admired colleague of ours.

Continue reading below ↓

“I'm fully cooperating with the police investigation to address how this tragedy occurred and I am in touch with her husband, offering my support to him and his family.

“My heart is broken for her husband, their son, and all who knew and loved Halyna.”

Continue reading below ↓

UPDATE ON THE INCIDENT

Nagkaroon ng update tungkol sa pangyayari sa pamamagitan ng inilabas na affidavit na pirmado ni Detective Joel Cano ng Santa Fe County sheriff’s office.

Iniulat ito ng New York Times ngayong Sabado, October 23.

Ayon sa affidavit, kinakailangan ng baril ni Alec sa kanyang eksena. Gumaganap na isang tulisan sa pelikula si Alec.

Kumuha ng isang baril ang assistant director sa tatlong prop guns at ibinigay ito sa Hollywood actor.

Isinigaw umano ng assistant director na “cold gun” ang baril, na ang ibig sabihin ay wala itong bala.

Pero nang paputukan ng aktor ang baril, tinamaan ang cinematographer, habang nasugatan naman sa balikat ang film director.

Ayon pa sa affidavit, hindi raw alam ng assistant director na loaded ang baril nang iabot ito kay Alec.

Ang affidavit ay bahagi ngayon ng “search warrant application” kaugnay ng insidente.

Noong Biyernes, sinabi ni Juan Rios, spokesman ng sheriff’s office na ang imbestigasyon “remains active and ongoing,” at “detectives entered the movie set today and continue to interview potential witnesses.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor Alec Baldwin takes to social media and posts his reaction to the fatal shooting that happened on the set of his upcoming movie. Alec fired a gun for his role, but it turns out that the gun was loaded and hit the crew's cinematographer and film director. The cinematographer was killed in the process.
PHOTO/S: @alecbaldwininsta on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results