Alleged ex-husband of Kim Seon Ho's ex-girlfriend reveals messy details of their divorce

by Rachelle Siazon
Oct 27, 2021
Reported ex-husband of anonymous A reveals that their divorce proceedings turned to his favor after he discovered in a surveillance camera recording that his estranged wife was allegedly having an extra-marital affair with three men. Anonymous A is the ex-girlfriend of South Korean actor Kim Seon Ho (in photo) who exposed a scandal about him.
PHOTO/S: @seonho_kim Instagram

Tila minumulto ang ex-girlfriend ni Kim Seon Ho ng mga hindi kanais-nais na impormasyong sinasabing bahagi ng lihim na pagkatao nito.

Kahapon, October 26, kumalat ang diumano'y audio record ng boses ng sinasabing ex-husband ng ex-girlfriend ni Seon Ho.

Ang naglabas nito ay ang YouTuber-reporter na si Lee Jin Ho, na nagsabing kuha ang voice recording sa lumang podcast kunsaan nagdetalye ang ex-husband tungkol sa messy divorce na pinagdaanan nito.

Ayon kay Jin Ho, hindi tinukoy ng lalaki sa voice recording kung sino ito.

Pero napag-alaman daw ni Jin Ho mula sa kanyang imbestigasyon na ang lalaki ay walang iba kundi ang ex-husband ng female netizen, na nagpakilalang ex-girlfriend ni Seon Ho.

Nagpakilala sa alias na "A" ang ex-girlfriend ni Seon Ho na nagpasimula ng eskandalo tungkol sa South Korean actor.

Sa ulat ng kbizoom.com, nakasaad na sinabi ng ex-husband ni A na tumagal ang proseso ng divorce nila ni A dahil nais nitong bayaran niya ang "170 million Korean won" na utang umano ng ama ni A.

Continue reading below ↓

May binanggit din sa hiwalay na ulat ng allkpop.com na tila alam ng lalaki sa voice recording ang kapritso ni A dahil napag-alaman pa raw niyang nagpa-plastic surgery umano si A habang dinidinig sa korte ang kanilang divorce.

Iniipit umano ni A ang proseso ng kanilang divorce at sinasabing nais nitong manatiling kasal sa mister.

"SHE BROUGHT THREE MEN TO THE HOUSE."

Pero nakahanap umano ng bala ang ex-husband laban kay A para payagan ng korte ang kanilang divorce.

Taliwas sa paninindigan ni A sa korte na nais niyang protektahan ang kanyang marriage, natuklasan umano ng ex-husband ni A na nagdadala si A ng mga lalaki sa bahay nila.

Nang maghiwalay sila ay umalis na raw ang ex-husband sa bahay nila ni A, pero may pagkakataong umuwi siya roon para kunin umano ang kanyang gamit

Lahad ng lalaki sa voice recording, ayon pa rin sa ulat ng allkpop.com: "So I left the house we used to live in and she stayed there. Then slowly her family began to occupy the house so that I can't go back.

Continue reading below ↓

"What's funny is that—I went back since I have to get my stuff—and there was a surveillance camera installed."

Doon na raw niya nakita ang record ng surveillance camera na nagpapakita ng tatlong lalaking kalaguyo umano ni A.

Paliwanag pa ng lalaki sa voice recording: "I think she installed it because she was afraid she doesn't know when I would come back [to the house].

"I found some wires connected to the camera and found a hard drive. So I took it because I felt I would find something in it.

"So I watched the whole surveillance. I didn't watch more since I found the evidence.

"It wasn't even a month, but within three months, she brought three men to the house. Three different men. And she would do it on the sofa."

WHAT A'S EX-HUSBAND TOLD THE COURT

Natukoy rin daw ng lalaki sa voice recording kung sinu-sino ang tatlong lalaking kalaguyo umano ni A.

Continue reading below ↓

Akusasyon ng lalaki sa voice recording laban kay A: "So, the two young guys seemed to be from a host bar and one was an old man. He's her sponsor.

"I did more research and found that she had a sponsor before the marriage and he's that sponsor."

Hindi raw niya lubos-maisip ang pagsisinungaling ni A sa korte na gusto nitong manatili silang kasal gayong may kinikita umano itong ibang mga lalaki.

"So she's really dirty. After all that she came to the court saying that she doesn't want a divorce.

"So I showed the judge that tape and he judged that we can get a divorce."

Hindi kaila sa mga masugid na sumusubaybay sa isyu na kahapon, October 27, naiulat ng Dispatch na ang dating weather forecaster na si Choi Young Ah ang sinasabing ex-girlfriend umano ni Kim Seon Ho.

Sinabi ng Dispatch na may isang source na kaibigan ni Seon Ho ang nagsabing isa sa mga problemang pinagdaanan ng ex-couple ay ang masalimuot na divorce ni Young Ah sa ex-husband nito.

Continue reading below ↓

Pero hanggang sa kasalukuyan, walang direktang pahayag si Young Ah tungkol sa pagkakaugnay niya sa isyu.

RELATED STORIES

Use these MetroMart promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Reported ex-husband of anonymous A reveals that their divorce proceedings turned to his favor after he discovered in a surveillance camera recording that his estranged wife was allegedly having an extra-marital affair with three men. Anonymous A is the ex-girlfriend of South Korean actor Kim Seon Ho (in photo) who exposed a scandal about him.
PHOTO/S: @seonho_kim Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results