Explainer: Kim Seon Ho's fans unite to cancel "cancel culture"; what fuels cancel culture in South Korea?

Oct 30, 2021
As Kim Seon Ho's fans attempt to fight against cancel culture, here's a look at how a culture of conformity, gap between expectation and reality, and fandom affect South Korean cancel culture. Seen here is a scene between Kim Seon Ho and Shin Min Ah (upper right) in Hometown Cha Cha Cha along with solo pictures of Seon Ho, So Ye Jin, Jisoo, and Ahn Jae Hyun.
PHOTO/S: Hometown Cha Cha Cha / change.org / @seonho__kim / @yejin_hand /@actor_jisoo / @aagbanjh

“Stop Korea’s toxic cancel culture!”

Ito ang panawagan ng mga fans ng sikat na South Korean actor na si Kim Seon Ho sa inilunsad nilang online petition bilang pagpapakita ng suporta sa kontrobersiyal ngayong bida ng K-drama series na Hometown Cha Cha Cha.

Hanggang nitong Oktubre 29, mahigit 23,600 pirma na ang nakakalap ng fans ni Seon Ho, 35, sa American petition website na change.org.

Iginigiit nilang maibalik si Seon Ho bilang regular cast member ng popular variety program na 2 Days 1 Night, kung saan tinanggal ang aktor dahil sa kinasasangkutang eskandalo.

Inalis sa show si Seon Ho matapos isiwalat ng kanyang ex-girlfriend sa isang online post na pinilit umano ng aktor na ipalaglag ang kanilang anak.

Sa isang official statement, kaagad na humingi ng paumanhin ang aktor sa dating nobya.

Nag-sorry rin siya sa kanyang fans, sa kanyang mga katrabaho, at sa lahat ng naapektuhan ng eskandalo.

CANCELLING KIM SEON HO

Kasunod nito, tinanggal si Seon Ho sa 2 Days 1 Night, kung saan regular cast member siya sa nakalipas na dalawang taon.

Continue reading below ↓

Inalis na rin ang aktor sa dalawang pelikulang pagbibidahan sana niya, ang 2 O'Clock Date at Dog Days.

Mabilis din ang naging reaksiyon ng mga brands na ineendorso ni Seon Ho; pinagtatanggal nila ang kani-kanilang global campaign ads na tinatampukan ng aktor.

Kabilang sa mga brand na ito ang Domino’s Pizza, Canon, Food Bucket, online shopping app na 11Street, skincare brand na La Roche Posay, apparel na Nau, face mask na Miima, at iba pa.

Bagamat tinalikuran ng mga kasamahan sa entertainment industry at libu-libong netizens ang nag-unfollow sa kanya sa Instagram, matapang na ipinaglalaban si Seon Ho ng natitira niyang mga tagasuporta laban sa talamak na cancel culture ng South Korea.

Sa kanilang change.org petition, sinabi ng fans ni Seon Ho na ang cancel culture sa South Korea “has been a trend that when there is a rising star, scandals will suddenly break and asks actors to step down from their roles.”

Continue reading below ↓

Giit ng fans, hindi makatuwiran ang matinding panghuhusga at agarang pamboboykot ng publiko dahil lang ang mga ito ay “expecting actors to be perfect 100%!”

Panahon na raw na tuldukan ang cancel culture: “This should stop! Let actors be humans! Stop the cancel culture! Protect Kim Seon Ho!!”

petition for south korean actor involved in cancel culture

WHAT IS CANCEL CULTURE?

Sa depinisyon ng Merriam-Webster.com, ang cancel culture ay ang pagbawi ng suporta sa isang popular na brand o kilalang personalidad, celebrity o pulitiko, “having expressed an objectionable opinion, or having conducted themselves in a way that is unacceptable, so that continuing to patronize that person’s work leaves a bitter taste.”

Continue reading below ↓

Tinatawag ding online shaming at call-out culture, bagamat makabago ang terminong cancel culture dahil sa impluwensiya ng social media, matagal nang umiiral ang konsepto ng cancelling—na ang simpleng kahulugan ay iboykot.

Sa Amerika, mas pulitikal ang gamit sa cancel culture, bagamat pinagdedebatehan pa roon kung ang purpose nito ay “to hold people accountable, or a tactic to punish others unjustly, or a mix of both,” ayon sa non-partisan American think tank na Pew Research Center.

Pero kung mayroon mang industriya sa mundo na pagbabasehan ng kadalasang nakapanlulumong epekto ng cancel culture, iyon marahil ay ang entertainment industry ng South Korea.

Isang maliwanag na halimbawa ang sinasapit ngayon ni Seon Ho, na mabilis na nahusgahan ng publiko at ng entertainment industry dahil sa dati niyang pagkakamali.

Continue reading below ↓

CULTURE OF CONFORMITY AND HIERARCHY

Paliwanag ni Song Jae-ryong, sociology professor sa Kyung Hee University, masyado raw kasing mataas ang expectations ng publiko sa mga Korean celebrities.

Kasabay nito, malaki naman ang pagpapahalaga ng mga Korean sa pagtalima ng kanilang mga idolo sa nakagisnan nilang depinisyon ng moralidad at kabutihan—at sa pagiging masunurin dito.

Dahil dito, mabilis na kinokondena ng Korean fans ang sinuman o anumang para sa kanila ay hindi kumbensiyonal o hindi pasok sa standards nila ng “good manners.”

“Koreans have a strong tendency to take sides [as a group], putting those from different social groups on the opposite side,” sinabi ni Jae-ryong sa panayam ng Korea Times, na inilathala noong April 22, 2021.

“Because celebrities stand out and draw the public’s attention, people have adverse feelings toward how their lives are different, and tend to be less tolerant of any perceived moral or ethical misconduct,” dagdag ni Jae-Ryong sa artikulong inilathala rin sa website ng South China Morning Post noong April 24, 2021.

Continue reading below ↓

Sa ulat tungkol sa 2015 Australian International Business Survey, ipinaliwang ang culture of conformity sa South Korea at kung bakit mahalaga ito sa business etiquette sa lugar.

Sabi rito: "Respect for age and status are very important in Korean culture, with hierarchy affecting all aspects of social interactions.

"Everyone has a role in society as a result of hierarchy — therefore it is vital to respect it.

"Koreans are most comfortable interacting with someone they consider their equal.

"Status is largely determined by someone’s role in an organisation, which organisation they work for, which university they went to and their marital status."

Halimbawa ang konsepto ng K-beauty kung bakit may demand sa cosmetic surgery para magkaroon ng certain image o branding at magkamit ng impluwensiya at paghanga ng ibang tao.

"There is a widely accepted social standard in terms of beauty," sabi ng professor of psychology na si Ng Jinkyung.

Continue reading below ↓

Dagdag niya: "South Koreans will choose to alter themselves—such as through surgery, which we call secondary control—in order to fit with their environment.

"South Koreans derive self-worth from the acceptance of others, in contrast to the western focus on [creating one's own] self-esteem."

Dahil sa culture of conformity at hierarchy na ito, nagtatakda ang publiko ng istriktong code of conduct para sa kanilang mga iniidolo.

couple by the sea kim seon ho shin min ah

Continue reading below ↓

thin line between expectation versus reality

Kaugnay ng culture of conformity, nagiging detrimental sa career ng artista kapag hindi nasunod ang expectation ng publiko, at taliwas sa nakagawiang image nito on cam ang ikinilos nito off cam.

Pinalala pa raw ito ng mga reality shows at ng iba’t ibang social media platforms, kung saan malayang nasusubaybayan ng mga Korean at ng media ang pribadong buhay ng celebrities.

Ito ay kahit pa dumating sa puntong binabalewala na nila ang karapatan sa privacy ng Korean celebrities.

Sabi ng pop culture critic na si Kim Hern-sik: "Because Koreans value social and ethical norms before privacy, we tend to prioritize the social impact of a person’s actions."

Dahil sa konsepto ng reality show at access sa social media accounts ng stars kunsaan pino-project na candid, casual, at walang arte ang isang artista, tumataas ang expectation na iyon nga talaga ang katauhan nito sa likod ng kamera.

Continue reading below ↓

Sa kaso ng K-pop idols, hindi kaila na hindi bihira ang puhunan ng talent management companies pagdating sa ilang taong training ng aspiring talents bago nailulunsad sa idol groups ang mga ito.

Matindi ang demand na makapagpasikat ng talents, at marami ding aspiring idols, lalo pa't multi-billion dollar industry ang K-pop na na-invade ang international scene pati na Western countries.

Kasabay nito, kontrolado ang artista dahil sa "specific formula" at "set of conditions" ng mga talent management para sa hinuhulmang next K-pop stars.

"All K-pop stars must present the perfect façade of a supremely talented and gorgeous, single, heterosexual star, seemingly accessible to fans of the opposite sex.

"To maintain this illusion and prevent fans from becoming irrationally jealous, performers are often prohibited from dating, at least at the start of their careers," saad sa isang commentary na may titulong "The Capitalist Control of K-pop: The Idol As A Product."

Continue reading below ↓

FANS’ SENSE OF SATISFACTION, VINDICATION

Malaking epekto rin sa cancel culture ang active participation ng fandom sa pagsikat ng isang artista.

Sabi sa Ph.D Dissertation ni Gil Hwa Jeong ng Hankuk University of Foreign Studies:

"Fandoms not only promote their specific subjects but also actively consume them by recreating the original subject with high levels of attachment.

Continue reading below ↓

"Popular culture fans consume a specific content, artist, and/or text of mass-produced popular cultural contents in their daily lives.

"When the fans collect specific chosen subjects and share common cultural taste with each other, the fans can build a fandom and kinship."

Dahil sa matinding affinity ng fans, na malaking ambag sa pagsikat ng kanilang mga iniidolo, inaasahang matindi ang impact kapag nasasangkot sa eskandalo ang South Korean stars.

“Also, Korea has a centralized media structure — although it is changing with the emergence of social media and digital media outlets so if the issues are raised by a few media outlets, they spread quickly and have a huge impact,” paliwanag ni Hern-sik sa Korea Times.

Kasunod ng dagsa ng negatibong opinyon ng publiko laban sa isang celebrity online, nagre-react naman ang TV networks at mga negosyante sa pamamagitan ng pagdistansiya sa naeskandalong personalidad.

At sa halip na makonsensiya, nakakaramdam daw ng sense of vindication ang fans kapag nawalan ng projects at endorsements ang isang naeskandalong celebrity, ayon sa isa pang pop culture critic na si Ha Jae-geun.

Continue reading below ↓

Lalo pa't aware ang fans sa impluwensiya nila pagdating sa mga iniidolo.

"When the public voices their opinion and forces TV shows to cancel shows or stars to step down, that in itself gives a sense of satisfaction.

"And this sometimes leads them to become harsher critics,” sinabi ni Jae-geun sa Korea Times.

Continue reading below ↓

ON KIM SEON HO BEING CANCELLED IN HIS PROJECTS

Sa kaso ni Kim Seon Ho, mataas ang expectation sa kanyang wholesome image nang makilala siya bilang "Nation's Good Boy" nang gumanap siyang mapagpaubayang mentor sa kanyang karibal sa K-drama na Start-Up.

Lalo pang nabigyang-pansin ang wholesome image ni Seon Ho nang bumida na siya sa Hometown Cha Cha Cha, kunsaan ang karakter niya ay jack of all trades at well-loved ng kasama niya sa komunidad, mapamatanda man o bata.

Kaya ganoon na lang ang negatibong epekto sa kanyang karera nang pumutok ang eskandalo tungkol sa kanyang kontrobersiyal na dating history at ang alegasyong sapilitan niyang ipinalaglag ang anak nila ng kanyang ex-girlfriend.

Sa mga sumubaybay sa isyu, lumabas sa ulat ng Dispatch na totoong ipina-abort ng couple ang kanilang anak noong 2020.

Pero may mga detalyeng nagpapakita na hinaluan umano ng ex-girlfriend ng mga kasinungalingan ang mga akusasyon niya kay Seon Ho.

Continue reading below ↓

Marami sa mga ni Seon Ho ang nanatiling solido ang suporta sa kanya, lalo na nang maglabasan ang mga hindi kanais-nais na detalye na nauugnay sa pagkatao ng kanyang ex-girlfriend.

Nanaig ang paghanga at pagmamahal sa kanya ng fans, na ngayon ay pinepetisyon ang maibalik siya sa variety show na 2 Days 1 Night.

Ang dinaranas ngayon ni Seon Ho bilang biktima ng cancel culture ay walang kaibahan sa sinapit ng iba pang celebrities na una nang napagitna sa kontrobersiya at tumanggap ng panghuhusga at pamboboykot mula sa mismong mga taong nagpasikat sa kanila.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

KOREAN CELEBRITIES who got CANCELled

SEO YE JI

Abril ngayong taon nang magkakasunod na sumambulat ang serye ng mga eskandalo laban sa 31-year-old actress na bida sa patok na Netflix K-drama series na It’s Okay To Not Be Okay.

Inakusahan siya ng pambu-bully sa isang kaklase noong bata pa, pagsisinungaling tungkol sa pag-aaral niya sa Spain, pang-aabuso sa kanyang empleyado, at pagkontrol sa career ng ex-boyfriend niyang si Kim Jung Hyun (Crash Landing On You).

Bagamat maganda pa rin ang naging kita sa takilya ng huling pelikula niyang Recalled, agad na pinalitan si Ye Ji sa bagong drama na Island.

Nakansela maging ang endorsement deals ng aktres sa health and beauty brand na Inner Flora, sa mask brand na Aer, sa Korean cosmetic na Luna, at sa sunglasses label na Rieti.

Continue reading below ↓

JI SOO

Alegasyong school bullying at sexual harassment naman ang mga ibinatong kontrobersiya laban sa 28-year-old River When the Moon Rises star na si Ji Soo.

Kusa na siyang umalis sa pinagbibidahang serye kahit umeere pa ito.

Bukod dito, iniulat ng Korean entertainment website na Soompi na kinasuhan ng production company ng River When the Moon Rises si Ji Soo at ang talent management agency nito ng 3 billion won (PHP136.6 million) na halaga ng danyos.

Napanood din si Ji Soo sa mga K-drama na My First First Love (2019) at Strong Woman Do Bong Soon (2017).

Continue reading below ↓

NAEUN

Pambu-bully din sa classmate noong bata pa at pananakot sa isang kasamahan sa girl group ang dahilan ng pamboboykot ng fans sa 27-year-old singer-actress na si Naeun, na dating miyembro ng Apink.

Umalis siya sa SBS drama series na Taxi Driver at kinailangang i-reshoot ng pumalit sa kanya ang lahat ng eksena niya sa serye.

Continue reading below ↓

SEOLHYUN NG AOA

Dahil sa kawalan ng paninindigan, kinastigo ng fans ang miyembro ng AOA girl group na si Seolhyun, 26.

Hindi raw kasi nito pinigilan ang pambu-bully umano ng bandmate niyang si Jimin sa kasamahan nilang si Mina.

Bagamat nanatili si Seolhyun sa seryeng Day and Night sa kabila ng apela ng fans na umalis siya sa drama series, hindi na naibalik ng singer-actress ang maganda niyang reputasyon.

Na-bash nang todo ang isang video interview niya sa Vogue hanggang dumating sa puntong inalis na lang ito sa YouTube channel ng magazine firm.

Continue reading below ↓

YUNHO TVXQ

Sa kabila ng pagiging beteranong K-pop idol at miyembro ng pop duo na TVXQ, hindi pa rin nakaligtas sa pamboboykot ng fans si Yunho, 35.

Inakusahan siya ng pagbisita sa isang ilegal na escort bar at sa pagsuway sa social distancing rules laban sa COVID-19.

Dahil dito, tinanggal na si Yunho sa ad campaigns ng mga ineendorso niyang brands, kabilang ang food manufacturing company na Ottogi at ang food delivery app na Yogiyo.

Continue reading below ↓

AHN JAE HYUN

Taong 2019 nang idiborsiyo ni Ahn Jae-hyun, 34, ang Boys Over Flowers actress na si Koo Hye Sun.

Isinapubliko ang masalimuot na divorce proceedings, at kasunod nito, itinigil ang mga endorsements ng aktor sa mga brands na tulad ng Merbliss at Giordano.

Tinanggal din si Ahn Jae Hyun sa variety show na New Journey to the West.

Si Ahn Jae Hyun ay napanood din sa K-drama na The Beauty Inside (2018) at Cinderella With Four Knights (2016).

Continue reading below ↓

SONG JOONG KI

Hindi na marahil makaka-move on ang fans sa isa sa pinakamalungkot na Hallyu divorces sa kasaysayan matapos makahiwalay ng sikat na aktor na si Song Joong Ki ang Descendants of the Sun co-star niyang si Song Hye Kyo.

Napabalitang mismong brands na ang tumatanggi ngayong kuhanin ang Korean superstar na si Joong Ki, na tumanggap ng matinding pambabatikos sa paniniwala ng marami na siya ang naging dahilan ng breakup nila ni Hye Kyo.

Ngayong taon, muling napanood si Joong Ki nang pagbidahan niya ang Netflix crime drama na Vincenzo—at buong pusong tinanggap ng fans ang kanyang pagbabalik.

Continue reading below ↓

THE CANCEL CULTURE VICTIMS

Gayunman, hindi lahat ng nabibiktima ng cancel culture ng Korea ay nakakabalik pang muli sa industriya gaya ni Joong Ki.

Ang ibang Korean celebrities ay tuluyan nang napariwara, samantalang nauwi naman sa trahedya ang panghuhusga at online shaming para sa iba pa.

SEUNGRI OF BIGBANG

Kasagsagan ng kalulunsad pa lang na solo singing career ng dating BigBang member na si Seungri, 30, nang masangkot siya noong 2019 sa pinakamalaking sex, drugs, and corruption scandal sa K-pop history—ang Burning Sun Scandal.

January ng taong iyon nang mabunyag na si Seungri ang pasimuno sa pagha-hire ng mga prostitute para makaakit ng investors ang Burning Sun, na isa siya sa board members.

Sa imbestigasyon, natuklasan ang iba pang mga krimeng iniuugnay sa illegal na transaksiyon ni Seungri.

Nadamay rin sa eskandalo ang iba pang K-pop idols na sina Lee Jong Hyun ng CN Blue, Choi Jong Soon ng FT Island, at Yong Junhyung ng Highlight.

Continue reading below ↓

Naharap sa patung-patong na kaso si Seungri, na kaagad binitiwan ng mga brand na ineendorso niya.

Makalipas lang ang ilang linggo, opisyal nang nagretiro sa entertainment industry ang dating boy band member.

Agosto 2021 nang masentensiyahan si Seungri ng tatlong taong pagkakakulong sa pagkakasangkot sa transaksiyon ng prostitusyon at sa illicit overseas gambling.

Continue reading below ↓

SULLI

Sa loob ng maraming taon, paulit-ulit na kinuyog ng cyber bullies ang dating f(x) member na si Sulli dahil sa pagkakaroon ng sexy at outspoken image.

Tuloy pa rin ang pambu-bully sa singer kahit pa umamin na siyang dumaranas ng matinding depression dahil dito.

Noong Oktubre 14, 2019, natagpuan siyang patay sa loob ng kanyang bahay sa Seongnam-si.

Kalaunan, kinumpirma ng pulisya na nagpatiwakal si Sulli, 25.

Continue reading below ↓

GOO HARA

Tulad ng matalik na kaibigang si Sulli, paborito ring batikusin at insultuhin ng netizens si Goo Hara, na dating miyembro ng girl group na Kara.

Sa halip na bigyan ng simpatiya sa inabot na pang-aabuso sa kamay ng dati niyang nobyo, ginawang katatawanan ng cyber bullies ang sinapit ni Hara.

Nobyembre 24, 2019 nang nadiskubre ang kanyang bangkay sa loob ng bahay niya sa Seoul matapos siyang magpakamatay sa edad na 28.


Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
As Kim Seon Ho's fans attempt to fight against cancel culture, here's a look at how a culture of conformity, gap between expectation and reality, and fandom affect South Korean cancel culture. Seen here is a scene between Kim Seon Ho and Shin Min Ah (upper right) in Hometown Cha Cha Cha along with solo pictures of Seon Ho, So Ye Jin, Jisoo, and Ahn Jae Hyun.
PHOTO/S: Hometown Cha Cha Cha / change.org / @seonho__kim / @yejin_hand /@actor_jisoo / @aagbanjh
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results