Kim Seon Ho convo with ex-girlfriend shows he wanted to marry her, but her "lies" broke them up — Dispatch

by Rachelle Siazon
Nov 1, 2021
Based on the screenshots of the couple's Kakao exchange that Dispatch obtained, Kim Seon Ho's ex-girlfriend appears to be the one who first considered aborting their baby. Both were also filled with mixed emotions about having an unexpected pregnancy, but they seemed to have discussed the matter in a mature and mutual way. The couple were spotted on a date (right) roughly three months after the abortion.
PHOTO/S: @seonho__kim Instagram / Dispatch

Inalok ni Kim Seon Ho ng kasal ang ex-girlfriend niya nang hindi inaasahang mabuntis ito, pero may mga balakid sa relasyon ng couple na nauwi sa hiwalayan.

Ito ang buod ng screenshots ng palitan ng mensahe via Kakao ni Seon Ho at ng ex-girlfriend niya na nakalap ng Dispatch at inulat ng soompi.com ngayong November 1, 2021.

Ang Dispatch ang tahasang nagpangalan sa dating weather forecaster na si Choi Young Ah na siyang nobya ni Seon Ho, na sinasabing nagpakawala ng eskandalo bilang anonymous A.

Pero tikom-bibig hanggang ngayon si Young Ah at pati na rin si Seon Ho. Pareho silang 35 years old.

Gayunman, malinaw sa nakalap na screenshots ng Dispatch ang naging takbo ng relasyon ni Seon Ho at ng hinihinalang si Young Ah.

Sinabi ng Dispatch na ipinadala ng girlfriend ni Seon Ho ang screenshots ng usapan nila ng aktor sa mga kakilala ng babae, na ngayon ay napakasamay ng media outlet.

Continue reading below ↓

Base rito, July 24, 2020 nang magpunta ng OB si Young Ah para makumpirmang siya ay "six weeks" pregnant.

Tinext agad ni Young Ah si Seon Ho upang ipaalam ang balita. Noong mga oras na iyon ay nasa taping si Seon Ho.

Malinaw na parehong nag-alala ang couple sa hindi inaasahang pagbubuntis ni Young Ah, pero umpisa pa lang ay ang babae ang unang nagbanggit ng option nilang ipalaglag ang bata.

Sabi ni Young Ah: "We have to look into it more. I have no intention to set you back with the baby, and it’s sufficient that we’re just in love.

"They say it can be difficult for me to have a baby again after an abortion."

Habang si Seon Ho ay tatlong beses sinabing "Let’s think about this wisely" at "Don't worry too much about it."

Taliwas sa alegasyong pinilit ni Seon Ho na magpalaglag ang nobya, makikita sa mga sumunod na text messages ni Seon Ho na siniguro nito kay Young Ah na pananagutan niya ang bata.

Continue reading below ↓

"Honey, I’ll take responsibility no matter what happens. Don’t worry about it and go home and rest," ani Seon Ho.

Sobrang na-touch ang babae.

Sagot ni Young Ah, "Honey… My heart was beating so fast. But your words touched me. Thank you, really!"

"I love you," sabi pa ni Seon Ho.

Apat na buwan pa lang magkasintahan noon ang dalawa, base sa unang timeline na inulat ng Dispatch noong October 26, 2021.

KIM SEON HO MENTIONS "MARRIAGE" IN CONVO WITH CHOI YOUNG AH

Makalipas ang higit isang oras, nagpalitan muli ng text messages ang couple.

Dito binanggit ni Seon Ho na nais niyang pakasalan si Young Ah.

Tila masayang sabi pa ni Seon Ho, "Let’s talk. We have to get married. Hahaha you have no way out now.

"Let’s decide this week.

"Tell our parents about it and decide everything by next week."

Sagot ni Young Ah, "My heart skipped a beat.

Continue reading below ↓

"Okay…! No matter what happens, I’ll discuss everything with you. Thanks. You must have a lot on your mind right now."

Sa kabilang banda, nag-alala rin si Seon Ho sa sinabi ni Young Ah na ayon umano sa doktor ay posibleng hindi na magkaanak ang babae kung nagpa-abort siya.

Mismong si Young Ah ang ilang beses nag-ungkat na nag-aalala siya dahil ayaw nitong maging sagabal ang kondisyon niya sa showbiz career ni Seon Ho.

Sabi naman ni Seon Ho, "It’s okay. I love you, and if we’re of the same mind, I’m happy with that."

Mahihinuhang mahal ni Seon Ho si Young Ah sa mga sumunod niyang salita.

"But it’s okay. Let’s discuss and make a decision and overcome it.

"Because in my entire life, I’ve never loved anyone more than I love you," saad ng aktor.

Inaalala rin ni Young Ah ang epekto ng pagkakaroon ng anak sa sarili niyang karera bilang may-ari ng online shop na nagbebenta ng fashion and beauty brands.

Continue reading below ↓

Sabi ni Young Ah, "I’m also supposed to be earning money now.

"But I didn’t expect this at all, so my first thought was 'What do I do?'

"I couldn’t help but be like that. It’s not a bad thing."

Sa puntong ito inamin ni Seon Ho na may ganun din siyang alalahanin.

Sabi ni Seon Ho: "That’s the first thought I got too.

"But on the other hand I was also happy.

"Hehe, are we family?

"But honestly honey, I want to get married."

HOT STORIES

KIM SEON HO'S FILM CONTRACT

Sa kumalat na anonymous post ng hindi nagpakilalang nobya ni Seon Ho, nakasaad na pinilit daw siya ni Seon Ho na magpalaglag dahil mapipilitan itong magbayad ng danyos na "900 million Korean won" o PHP38,600,000 sa isang kontrata nito.

Sa screenshots na inilabas ng Dispatch, makikitang bagamat binanggit ni Seon Ho ang tungkol sa kanyang kontrata, tila hindi niya pinupuwersa ang nobya na ipalaglag ang bata.

Continue reading below ↓

"I didn’t mention this because I’d seem like a big mouth but I contracted a film so the financial problem of canceling that comes to mind first haha

"It’s pathetic," nag-aalalang pag-amin ni Seon Ho noon pa ring July 24, 2020.

Sagot ni Young Ah, "No, no. You have to do it."

Sabi pa ni Seon Ho, "That’s the only thing that bothers me.

"My parents will be surprised but they will understand.

"If I have to quit acting, that would honestly be so difficult."

Sang-ayon ni Young Ah, "It would be difficult even if this happened when we were ready. I also think negatively of this."

Naunang nabanggit sa artikulong ito na sa takbo ng usapan ay ang nobya ni Seon Ho ang unang nagbanggit ng posibilidad na ilaglag ang bata.

Naging tapat si Seon Ho sa kanyang agam-agam sa kanyang karera, pero ayaw rin niyang isipin nila ni Young Ah na parang wala lang ang kalagayan ng babae.

Continue reading below ↓

"I am not thinking negatively of this. I’m just saying if looking at it objectively," paglilinaw ni Seon Ho.

Saad ni Young Ah, "Getting married because I’m pregnant and seeing each other because of responsibility, I don’t like that."

Sabi naman ni Seon Ho, "No. I love you a lot but it would be upsetting because I love acting just as much.

"So I’m saying let’s decide carefully so we won’t have regrets

"I don’t have much time to continue texting right now."

Sa huli ay napagdesisyunan nilang ipalaglag ang bata noong July 27, 2020, base sa unang timeline na inulat ng Dispatch noong October 26, 2020.

Pero nanatili umanong sweet ang couple base sa nakalap ng Dispatch na sweet text messages ng couple noong August at December 2020.

Namataan din daw sina Seon Ho at Young Ah magka-date sa isang pet café noong October 2020.

ALLEGED TROUBLE WITH CHOI YOUNG AH'S EX-HUSBAND

Taliwas ito sa alegasyon ni "anonymous A" na nagpakilalang girlfriend ni Seon Ho.

Continue reading below ↓

Matatandaang pinaratangan ni A na obssessed umano sa kasikatan ang aktor kaya masyado itong sensitibo sa paglilihim ng kanilang relasyon sa publiko.

"I moved houses without anyone knowing despite having to pay the real estate expenses and a penalty for breach of contract, I changed my license plate, and matched everything to him.

"I hope that he’s at least feeling regretful about irresponsibly throwing me and his dog away," saad ni anonymous A sa isang Korean online community noong October 18.

October 2020 nang inamin ni Seon Ho na siya ang "Actor K" sa post ni A at humingi ng paumanhin ang aktor sa mga pagkakamali niya noon sa ex-girlfriend na di nito piniling pangalanan.

Sa ulat ng Dispatch ngayong November 1, 2021, isang source na kakilala ni Young Ah ang nagsabing hindi si Seon Ho ang dahilan kung bakit lumipat ng bahay at nagpalit ng car license plate si Young Ah.

Continue reading below ↓

Sabi ng source: "Uhm… it’s not completely false because she did change her license plate and moved.

"But was it because of Kim Seon Ho? Not at all.

"She changed her license plate because she said women related to her ex-husband were threatening her.

"She moved because the home owner asked to increase the monthly rent…"

May kaugnayan umano ito sa ongoing divorce proceedings sa pagitan ni Young Ah at estranged husband noong January 2021.

Hindi raw kasi naging tapat si Young Ah sa pinagdaanan nitong pananakot umano ng kanyang estranged husband.

Napag-alaman din umano ni Seon Ho na lihim siyang kinukunan ng audio at video recordings ng nobya "for fun" at para sa "lawsuit."

Ito raw ang naging mitsa ng pagkasira ng tiwala ni Seon Ho kay Young Ah.

Dagdag pa ritong minsan na umanong naging isyu ng aktor ang pagsisinungaling sa kanya ng nobya tungkol sa pakikipagkita nito sa ibang lalake.

Continue reading below ↓

Sabi ng source ng Dispatch na kakilala umano ni Young Ah: "Kim Seon Ho always found the truth out late.

"That she was divorced, that she lied and met other guys, that she was being threatened [by her ex-husband], that she had video and audio recordings she took secretly…

"Could this relationship have continued?"

Sa imbestigasyon ng Dispatch, sinabi ng isang kaibigan ni Seon Ho na lubhang naapektuhan umano ang aktor sa sitwasyon ni Young Ah at ng estranged husband nito.

"Seon Ho once confessed to me that he was having a hard time because of the situation surrounding Choi Young Ah.

"They were receiving threats, harassment from gangsters, harassing the ex husband’s wife, lawsuits…

"There were many stories that I couldn’t handle," saad ng kaibigan ni Seon Ho sa ulat ng Dispatch noong October 26, 2021.

Noon pa lang January 2021, isang kapitbahay ni Young Ah sa "apartment complex" na tinitirahan ng dating weather forecaster ang nag-tip sa Dispatch na ilang buwan na raw niyang nakikitang bumibisita si Seon Ho sa tirahan ni Young Ah.

Continue reading below ↓

Nabanggit pa ng source na sa pagkakaalam niya ay ongoing pa ang divorce proceedings ni Young Ah, at di raw niya alam kung alam iyon ni Seon Ho.

Si Young Ah ay sinasabing 17 days pa lamang kasal sa kanyang asawa nang magpasyang maghiwalay ang mga ito noong 2013.

Noong October 26, 2021, napabalita ang alegasyon ng sinasabing ex-husband na inuugnay kay anonymous A, na hinihinalang si Young Ah.

Sinabi ng ex-husband na ayaw umanong pumayag ni Young Ah sa divorce at humihingi umano itong perang pambayad sa utang ang ama nito.

Pero kinatigan daw ng korte ang ex-husband ni anonymous A matapos mapag-alaman ang diumano'y pakikipagrelasyon ni A habang hindi pa pinal ang divorce ng married couple.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Based on the screenshots of the couple's Kakao exchange that Dispatch obtained, Kim Seon Ho's ex-girlfriend appears to be the one who first considered aborting their baby. Both were also filled with mixed emotions about having an unexpected pregnancy, but they seemed to have discussed the matter in a mature and mutual way. The couple were spotted on a date (right) roughly three months after the abortion.
PHOTO/S: @seonho__kim Instagram / Dispatch
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results