Kim Seon Ho to star in his first movie, ads resume, colleagues give good words despite scandal

by Rachelle Siazon
Nov 1, 2021
Kim Seon Ho just might survive South Korea's cancel culture as he remains the lead star of Sad Tropics, where he will play a Korean-Filipino aspiring boxer. Jo Han Chul (in shades), one of his colleagues in Hometown Cha Cha Cha even posted their fun cast photos (right) at the peak of the controversy involving Seon Ho.
PHOTO/S: @seonho__kim / @1season73 Instagram

Wagi ang fans pati na ang ilang mga kaibigan at katrabaho ni Kim Seon Ho na umaasang malampasan ng South Korean actor ang eskandalo sangkot ang ex-girlfriend nito.

Ngayong November 1, 2021, kinumpirma ng film production company na NEW na tuloy ang pagbibidahang pelikula ni Seon Ho, ang Sad Tropics.

"After much deliberation, the producers of ‘Sad Tropics’ have decided to film the movie this year with actor Kim Seon Ho," pahayag ng pamunuan ng film company.

Ito ay makalipas ang ilang araw mula nang ihayag ng film company na pinag-uusapan pa ang lagay ni Seon Ho sa proyekto.

Inaahasang magsisimula ang shooting ng pelikula sa Disyembre, ayon sa ulat ng Soompi.

Sa kuwento ng pelikula, gaganap na half-Korean, half-Filipino si Seon Ho dahil ang kanyang ama ay isang Korean at ina ay isang Filipino.

Mangangarap siyang maging boxer at pupunta siya ng Korea para hanapin ang kanyang amang umiwan sa kanila ng kanyang ina.

Continue reading below ↓

Ito ang kauna-unahang pelikula ni Seon Ho.

KIM SEON HO rises ABOVE KOREA'S CANCEL CULTURE

Malaki ang posibilidad na malampasan ni Seon Ho ang cancel culture sa South Korea dahil unti-unti na ring nagsisipagbalikan ang ads o endorsements niya.

Ngayong November 1, isang e-commerce brand ang nag-post sa YouTube ng bagong video na si Seon Ho ang endorser.


Continue reading below ↓

Bago ito ay may isang face mask brand ang nagbalik sa public setting ng YouTube video ni Seon Ho ilang araw matapos nila itong i-hide dahil sa kontrobersiya.

Sinabi pa ng CEO ng brand na wala itong planong kanselahin ang kontrata ni Seon Ho dahil sa kontrobersiya.


GOOD WORDS FROM KIM SEON HO'S COLLEAGUES

May ilan ding katrabaho si Seon Ho na nagpatunay ng maayos na pakikitungo ng aktor sa mga ito.

Continue reading below ↓

Kontra ito sa alegasyon ng anonymous ex-girlfriend ni Seon Ho na "two-faced" at masama ang ugali nito sa mga katrabaho.

Ang child actress na si Kim Min Seo ay nagpatunay ng magandang karanasan niya kay Seon Ho bilang katrabaho.

Noong October 26, ipinost ni Min Seo ang mga photo collage ng mga eksena nila ni Seon Ho.

Si Min Seo ay gumanap bilang si Oh Ju Ri, ang K-pop fan girl na anak ng may-ari ng cafe sa Hometown Cha Cha Cha.

Sabi sa caption ni Min Seo sa salitang Korean, "I only trust what I saw in person and I only talk about what I know. A long, long, and happy memory."

Continue reading below ↓

Ang veteran actor na si Jo Han Chul, na gumanap bilang Oh Chun Jae na siyang may-ari ng café sa Hometown Cha Cha Cha, ay nag-upload din ng litrato ng mga cast ng serye noong October 22, o noong kasagsagan ng kontrobersiya sangkot si Seon Ho.

May dalawa pang staff ng show ang nag-post din sa Instagram.

Continue reading below ↓

"No worries #Hongbanjang #Bestrong #hometown chachacha," sabi ng production designer na si Ryu Seon Kwang."

KIM SEON HO'S SCANDAL

Noong October 18, pumutok ang eskandalo tungkol sa pagmamanipula umano ni Seon Ho sa kanyang ex-girlfriend para ipalaglag ang anak nilang ipinagbubuntis nito.

Napag-alamang nakarelasyon ni Seon Ho ang babae noong March 2020 at naghiwalay sila noong May 2021.

Continue reading below ↓

Dalawang pelikula ni Seon Ho ang umatras na gawin siyang bida, ang 2 O'Clock Date at Dog Days.

Natanggal din ang aktor sa South Korean variety show na 2 Days And 1 Night kunsaan siya ay mainstay ng dalawang taon.

Apektado rin pati endorsements ni Seon Ho, gawa ng cancel culture sa South Korea kunsaan karaniwang umaatras ang brands at projects kapag nadudungisan ang wholesome image ng artista.

Pero unti-unting lumabas ang mga impormasyong may halong kasinungalingan umano ang pinakalat ng ex-girlfriend ni Seon Ho.

Naglabas ang Dispatch ng dalawang ulat kunsaan makikitang tila walang pamimilit na ipa-abort ang bata base sa mga nakalap na exchange of Kakao messages ng couple noong July 2020.

May mga lumutang ding hindi kanais-nais na mga detalye tungkol sa nobya noon ni Seon Ho.

Dagdag pa rito, may petisyon ang avid fans ni Seon Ho na ibalik siya sa 2 Days 1 Night dahil hindi raw makatarungang husgahan ang isang artista nang dahil sa South Korean cancel culture kunsaan masyadong mataas ang expectations sa mga artistang maging perpekto.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Seon Ho just might survive South Korea's cancel culture as he remains the lead star of Sad Tropics, where he will play a Korean-Filipino aspiring boxer. Jo Han Chul (in shades), one of his colleagues in Hometown Cha Cha Cha even posted their fun cast photos (right) at the peak of the controversy involving Seon Ho.
PHOTO/S: @seonho__kim / @1season73 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results