Gong Yoo's agency denies date with Taylor Swift at a New York restaurant

by Bernie V. Franco
Nov 27, 2021
gong yoo taylor swift date
Social media got hyped about alleged date of South Korean actor Gong Yoo and American pop singer Taylor Swift. However, Gong Yoo's camp clarifies there is no truth to the claim.
PHOTO/S: instagram /@taylorswift on Instagram

Mainit na pinag-uusapan ngayon ng netizens ang diumano’y pagdi-date ng Korean superstar na si Gong Yoo at sikat na American pop singer na si Taylor Swift.

Diumano, namataan ang dalawang sikat na personalidad na magkasama sa isang restaurant sa New York, USA.

Bunsod nito, nagsulputan ang iba't ibang espekulasyon gaya ng posibleng collaboration ng dalawa para sa gagawing music video ni Taylor.

Pero itinanggi ito ng kampo ni Gong Yoo.

Wala raw katotohanan ang bali-balitang pagkikita ng aktor at ni Taylor.

Ayon sa Management Scoop, “Gong Yoo had not gone to New York recently.”

Dagdag pa ng agency ni Gong Yoo, nasa South Korea ang aktor dahil abala ito para sa project niyang The Silent Sea, ang sci-fi series na ipalalabas sa Netflix sa darating na December.

Marami namang netizens na nagkomento sa isang Korean online community na nasorpresa sila sa “random rumor,” ulat ng www.allkpop.com.

Sa pagiging random daw ng bali-balita, marami ang naintriga kung may katotohanan ito.

Continue reading below ↓

Gayunpaman, marami ang nadismaya sa fake news.

THE RUMOR ABOUT GONG YOO, TAYLOR SWIFT

Ayon sa report, ang nagpasimula ng maling balitang ito ay isang gossip account.

Diumano, napipisil ni Taylor si Gong Yoo para maging leading man niya sa gagawing music video ng kantang “Wildest Dream.”

Ayon sa gossip account, nakatanggap umano sila ng email na nagsabing isang waiter sa New York restaurant ang nakakita kina Gong Yoo at Taylor.

May kuwento ring namataan umano ang dalawa na “cozy with each other.”

Habang sabi naman ng isa pang gossip account, suot pa umano ni Gong Yoo ang scarf niya sa Goblin, ang kanyang hit series noong 2016.

Si Gong Yoo ay isa sa pinakatanyag na South Korean actors. Napanood siya sa Train to Busan, Goblin, at Squid Game.

Si Taylor naman ay kilalang American singer-songwriter na nasa likod ng mga sikat na kanta, gaya ng “Shake It Off” at “You Belong With Me.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Social media got hyped about alleged date of South Korean actor Gong Yoo and American pop singer Taylor Swift. However, Gong Yoo's camp clarifies there is no truth to the claim.
PHOTO/S: instagram /@taylorswift on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results