Miss Cambodia suffers costume mishap; Miss Malta leaves mess onstage

by Rachelle Siazon
Dec 11, 2021
Miss Universe 2021 costume mishap, Miss Cambodia
There was a slight delay in the program after Miss Cambodia Ngin Marady (left) and Miss Malta Jade Cini (right) encountered some glitches with their respective costumes during the recently concluded Miss Universe 2021 National Costume preliminaries.
PHOTO/S: Screengrab from Lazada / Miss Universe

Hindi nakaligtas sa costume mishaps at bloopers ang ilan sa mga kandidata ng Miss Universe 2021.

Una na rito si Miss Cambodia Ngin Marady na may suot na traditional dance costume na nagpapakita ng kultura ng kanyang bansa.

Mayroon din siyang dalang mask at spear bilang bahagi ng kanyang ensemble.

Tila pa-exit na ng stage si Miss Cambodia nang biglang malaglag ang malaking flower petal na dekorasyon sa likod na bahagi ng kanyang costume.

Makikita ang gulat na reaksiyon ni Miss Cambodia nang akmang pupulutin niya sana ang props na nalaglag.

Miss Universe 2021 costume mishap, Miss Cambodia

Continue reading below ↓

Dahil may hawak siyang mask at spear ay nagbago ang kanyang isip at iiwan na lang sana ito.

Pero biglang nilapitan si Miss Cambodia ng dalawang floor director na tumulong para ibalik ang kanyang nalaglag na props.

Miss Universe 2021 costume mishap, Miss Cambodia

Pagkatapos ay pinabalik siya sa gitna ng stage at pinaulit ang dance step na bahagi ng kanyang National Costume performance.

Continue reading below ↓

Hindi malinaw kung bakit pinaulit iyon, pero ginawa naman ito ni Miss Cambodia.

Sa kabila ng delay sa program at sa kanyang costume mishap, nag-iwan ng matamis na ngiti si Miss Cambodia para sa audience.

Ikinatuwa ito ng fans ni Miss Cambodia, na hindi nangiming i-repost sa kanyang Instagram account ang videos ng costume mishap niya.

Continue reading below ↓

MISS MALTA'S "MESSY EXPLOSION"

Female version ng knight in shining armor ang peg ni Miss Malta Jade Cini na may dala pang life-sized flag na nagpapakita ng simbolo ng kanyang kultura.

Hindi naman nakaengkuwentro ng blooper si Miss Malta.

Pero siya mismo ang nagpasabog ng confetti para marahil may konting gimik ang kanyang performance.

Kumalat ang confetti sa gitna ng stage.

Kakatwa naman ang reaksiyon ni Nick Teplitz, writer-producer ng Miss Universe Organization at co-host ni Miss Universe 2020 Andrea Meza.

Biro ni Nick, "Come on Malta, who's gonna clean up that mess?"

Miss Malta, Miss Universe 2021 costume mishap

Continue reading below ↓

Hindi maaaring iwan lang sa stage ang kalat ni Miss Malta dahil maaaring maging sanhi ito ng pagkadulas ng ibang kandidata.

Maya-maya pa ay nag-anunsiyo si Nick, "Ladies and gentlemen, we're gonna hold up to clean up that mess."

Para ma-stretch ang gap time ay inusisa muna niya si Andrea tungkol sa napipintong pagpasa niya ng korona sa bagong Miss Universe.

Continue reading below ↓

Anim na buwan lang ang reign ni Andrea at aminadong mahirap daw para sa kanya na magtatapos na ang kanyang Miss Universe journey.

Pero excited din daw siyang malaman kung sino ang mananalong Miss Universe 2021 sa December 12 Israel time (December 13, 7:30 a.m., Philippine time).

MISS FINLAND'S COSTUME MISHAP

Isa pang dumanas ng wardrobe mishap sa National Costume show ay si Miss Finland Essi Enkuri.

Palakad na siya pabalik ng likod ng stage nang biglang malaglag ang kanyang neckpiece.

Miss Finland, Miss Universe 2021

Continue reading below ↓

Pero sa halip na mag-alala, nagpakuwela na lang si Miss Finland sa pamamagitan ng pag-exaggerate ng kanyang shocked reaction.

Miss Finland, Miss Universe 2021 costume mishap

Hindi na masyado kumain ng oras iyon dahil nag-pan na lang ang kamera sa sumunod na kandidata.

Tatlong oras tumagal ang National Costume Show na 6:30 a.m. ng Sabado (Philippine time) na natapos dahil sa six-hour time difference.

Continue reading below ↓

Kaya kung susumahin, kasama ang Preliminary Competition na 1 a.m. ang scheduled time, umabot ng halos pitong oras ang buong pre-pageant event.

Pero ayon sa Pinoy fans ay worth it ang paghihintay dahil sa galing na ipinamalas ng pambato ng Pilipinas na si Beatrice Luigi Gomez.

Standout si Beatrice sa kanyang Bakunawa o dragon-inspired costume.

Pati ang Kapuso Prime-Time Queen na si Marian Rivera ay nagbigay-aliw din nang turuan niya ng "Sabay Sabay Tayo" dance ang kapwa pageant judge na si Miss Universe India 2015 Urvashi Rautela.

Watch PEP Squad's Best Bets Miss Universe 2021 edition here:

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
There was a slight delay in the program after Miss Cambodia Ngin Marady (left) and Miss Malta Jade Cini (right) encountered some glitches with their respective costumes during the recently concluded Miss Universe 2021 National Costume preliminaries.
PHOTO/S: Screengrab from Lazada / Miss Universe
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results