Sushmita Sen confirms breakup with live-in partner 16 years younger than her

by Jojo Gabinete
Dec 23, 2021
Sushmita Sen live-in partner Rohman Shawl
Miss Universe 1994 Sushmita Sen says she and former live-in partner Roman Shawl are still friends even after their split. They ended their love story where it also began three years ago—via Instagram.
PHOTO/S: @rohmanshawl Instagram

Top entertainment news ngayong Huwebes ng gabi, December 23, sa India ang breakup ni 1994 Miss Universe Sushmita Sen at live-in partner Rohman Shawl na isang freelance.

Nag-umpisa noong February 2021 ang mga haka-haka na hiwalay na sina Sushmita at Rohman.

Pero ngayong gabi lamang ito kinumpirma ng dating beauty queen.

Malapit sa puso ng mga Pilipino si Sushmita dahil siya ang nanalong 43rd Miss Universe sa coronation night na ginanap sa Pilipinas noong May 21, 1994.

"We began as friends, we remain friends!!! The relationship was long over… the love remains!!!" saad ni Sushmita sa kanyang Instagram post.

Ginamitan niya ito ng hashtag na "#nomorespeculations #liveandletlive #cherishedmemories #gratitude #love at #friendship" para ilarawan pagwawakas ng tatlong taong pagsasama nila ni Rohman.

Sushmita Sen live-in partner Rohman Shawl

Continue reading below ↓

Labing-anim (16) na taon ang agwat ng mga edad ng dalawa, dahil 46 years old si Sushmita at 30 years old si Rohman.

Nang bumisita si Sushmita sa Pilipinas noong January 2017 para maging hurado sa 65th Miss Universe, ang pagiging single niya ang isa sa mga napag-usapan sa exclusive interview sa kanya ni Jessica Soho para sa Kapuso Mo Jessica Soho ng GMA-7.

"I came close to marriage twice, but better sense prevailed. I will get married and I think in due course of time, that too will happen," sabi noon ni Sushmita.

Marami ang nag-akalang si Rohman na ang lalake na kanyang pakakasalan dahil hindi niya inilihim sa publiko ang kanilang pagmamahalan.

LOVE STORY OF SUSHMITA AND ROHMAN

Nagsimula ang relasyon nina Sushmita at Rohman nang magkakilala sila sa social media noong 2018.

Hindi sinasadyang binasa ng dating Miss Universe ang direct message ni Rohman sa kanyang Instagram account na hindi niya normal na ginagawa.

Continue reading below ↓

"It’s a very, very beautiful serendipity story.

"He sent me a direct message on Instagram and I didn't check direct messages because I wasn't sure if you check it, you may be allowing that person to start communicating with you.

"So, I had too many of these direct messages and I had not opened any and there it was," kuwento ni Sushmita sa isang TV interview noong June 2019.

Matagal bago inamin ni Rohman kay Sushmita ang kanyang tunay na edad, pero humantong pa rin sa relasyon ang pagkakaibigan nila na nag-umpisa sa direct message sa Instagram.

UNFOLLOWED EACH OTHER ON IG

Sa kabila ng pahayag ni Sushmita na nananatili sila ni Rohman na magkaibigan, marami ang hindi naniniwala dahil hindi na nila sinusubaybayan sa Instagram ang isa’t isa.

Umalis na rin si Rohman sa tahanan ni Sushmita.

At ayon sa report ng India TV News, nakikitira sa kasalukuyan sa bahay ng isang kaibigan ang ex-live in partner ng dating Miss Universe.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe 1994 Sushmita Sen says she and former live-in partner Roman Shawl are still friends even after their split. They ended their love story where it also began three years ago—via Instagram.
PHOTO/S: @rohmanshawl Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results