Sidney Poitier, Oscar-winner and Hollywood's first black movie star, dies at 94

by KC Cordero
Jan 8, 2022
Sidney Portier during an awarding ceremony
Pumanaw na si Sidney Poitier sa edad na 94 noong January 6, 2022. Bukod sa siya ang kauna-unahang Hollywood Black actor, siya rin ang first Black man na nanalo ng Oscars.

Sumakabilang buhay na si Sidney Poitier, ang itinuturing na Hollywood's first black movie star, sa edad na 94.

Ang kanyang pagpanaw ay kinumpirma sa CNN ni Clint Watson, press secretary for the Prime Minister ng Bahamas, noong gabi ng January 6, 2022.

Ang Bahamian-American actor ang kauna-unahang black man na nanalo ng best actor sa Academy Awards o Oscars.

Nagwagi siya ng Oscar noong 1963 para sa pelikulang Lilies of the Field, kung saan gumanap siya bilang wandering laborer na tumulong sa white nuns na magtayo ng kapilya.

sidney poitier oscars

Continue reading below ↓

Karamihan sa mga pelikula ni Sidney ay tumatalakay sa racial tensions sa panahon na ang Amerika ay dumaranas ng mga pagbabago sa lipunan na hatid ng civil rights movement.

Noong 1967, gumanap siya bilang isang Philadelphia detective na nilalabanan ang racism sa pelikulang In the Heat of the Night.

Isa naman siyang doktor na nakuha ang simpatiya ng parents ng kanyang white fiancée sa Guess Who's Coming To Dinner (1967).

LIMITED ROLES

Bukod sa nagkakaproblema noon sa distribusyon ang kanyang mga pelikula sa South, limitado rin ang nakukuhang roles ni Sidney sa kung ano lang ang ipo-produce ng white-run studios.

Hindi rin siya ikina-cast sa mga romantic films dahil sa “racial taboos.”

Ngunit ang kanyang tinaguriang “dignified roles” ay nakatulong sa movie audience noong 1950s at 1960s para maisalarawan ang mga black people hindi lang bilang mga alipin kundi doktor, guro, at detectives.

Kasabay nito, bilang nag-iisang black leading man noong 1960s sa Hollywood, lagi siyang nasa matalim na radar ng publiko.

Continue reading below ↓

Dahil itinuturing na “noble symbol” ng kanyang race, nakaranas din siya ng matinding kritisimo mula sa ilang black people na nagsasabing pinagtaksilan niya ang mga ito sa pamamagitan ng pagtanggap ng “sanitized roles” at nagpapa-exploit umano sa mga white people.

"It's been an enormous responsibility," ani Sidney sa panayam ni Oprah Winfrey noong 2000.

"And I accepted it, and I lived in a way that showed how I respected that responsibility. I had to. In order for others to come behind me, there were certain things I had to do."

WHO IS SIDNEY POITIER?

Maraming pinagdaanan sa buhay si Sidney. Siya ang pinakabata sa pitong magkakapatid. Tomato farmers ang kanyang mga magulang.

Premature siya nang ipanganak sa Miami, Florida noong February 20, 1927. Napakaliit niya nang ipanganak at kasya lang halos sa kamay ng kanyang ama.

Ayon kay Sidney, hindi inakala ng kanyang parents na mabubuhay siya. Nang kumonsulta umano ang kanyang ina sa isang manghuhula, napawi ang pangamba nito.

Continue reading below ↓

"The lady took her hand and started speaking to my mother: 'Don't worry about your son. He will survive,'" lahad ni Sidney sa panayam ng CBS News noong 2013.

"And these were her words; she said, 'He will walk with kings.'"

Young Sidney Portier

Noong 15 years old siya, mula sa Bahamas ay ipinadala si Sidney ng kanyang mga magulang sa Miami para manirahan sa nakatatandang kapatid niyang lalaki.

Continue reading below ↓

Hindi niya nagustuhan ang Miami at nagpunta siya sa New York. Sinubukan niya ang pag-aartista.

Hindi maganda ang kanyang naging umpisa. Dahil limitado ang kanyang edukasyon, hirap siyang magbasa ng script.

Namasukan siyang dishwasher sa isang restaurant. Dito, isang hindi inaasahang pangyayari ang bumago sa kanyang buhay.

Isang nakatatandang waiter ang naging magiliw sa kanya. Tuuwing gabi matapos ang kanilang trabaho ay binabasahan siya ng newspaper para mag-improve ang kanyang comprehension, grammar, at punctuation.

Ani Sidney sa panayam ng CBS News, "That man, every night, the place is closed, everyone's gone, and he sat there with me week after week after week.

"And he told me about punctuations. He told me where dots were and what the dots mean here between these two words, all of that stuff."

Hindi nagtagal, nagkaroon siya ng trabaho sa American Negro Theatre kung saan kumuha rin siya ng acting lessons.

Kalaunan, nabigyan siya ng stage role bilang understudy ni Harry Belafonte.

Continue reading below ↓

Naging daan ito para makarating siya sa Broadway hanggang mapansin na ng Hollywood.

ON NOT ACCEPTING ROLES AGAINST HIS VALUES

Ang unang movie ni Sidney ay ang No Way Out noong 1950. Gumanap siya bilang batang doktor na kailangang gamutin ang isang racist patient.

no way out

Richard Widmark and Sidney Poitier in No Way Out

Continue reading below ↓

Nasundan ito ng Cry, the Beloved Country (1951), isang apartheid drama kung saan gumanap siyang reverend.

Problemadong estudyante naman siya sa Blackboard Jungle (1955), at takas na bilanggo sa The Defiant Ones (1958).

Sa The Defiant Ones siya unang na-nominate bilang best actor sa Academy Awardsnoong 1958. Siya ang pinakaunang black man na nakakuha ng nominasyon sa Oscars.

the defiant ones

Continue reading below ↓

Sidney Poitier and Tony Curtis in The Defiant Ones

Sa panayam niya kay Oprah, sinabi ni Sidney na noong 1950’s ay mahirap makahanap ng iba’t ibang roles ang isang black actor.

Aniya, "[Blacks] were so new in Hollywood. There was almost no frame of reference for us except as stereotypical, one-dimensional characters.

"I had in mind what was expected of me—not just what other Blacks expected but what my mother and father expected. And what I expected of myself."

Hindi rin siya tumatanggap ng roles na saliwa sa kanyang values, o makakasama sa kanyang lahi.

Sinabi niya kay Oprah na kahit nag-i-struggle siya sa simula ng kanyang acting career, hindi niya tinanggap ang role na babayaran siya ng US$750 kada linggo dahil ayaw niya ang karakter—isang janitor na walang ginawa matapos patayin ng mga goons ang anak na babae at itapon ang bangkay sa kanyang mismong bakuran.

Aniya, "I could not imagine playing that part. So I said to myself, 'That's not the kind of work I want.' And I told my agent that I couldn't play the role.

Continue reading below ↓

"He said, 'Why can't you play it? There's nothing derogatory about it in racial terms.' And I said, 'I can't do it.' He never understood."

Lumabas siya sa unang Broadway production ng A Raisin in the Sun noong 1959 at sa movie version nito makalipas ang dalawang taon.

Sumunod dito ang Lilies of the Field (1963), The Greatest Story Ever Told (1965), at A Patch of Blue (1965), kung saan ang kanyang karakter ay nagmahal nang tapat sa isang bulag na white girl.

lilies of the field

Continue reading below ↓

Sidney Poitier in Lilies of the Field

ACTIVE IN CIVIL RIGHTS MOVEMENT

Lumahok din si Sidney sa civil rights movement sa Amerika.

Dumalo siya sa 1963 March sa Washington.

Noong 1964 ay bumiyahe sa Mississippi para makipagkita sa mga aktibista kasunod ng karumal-dumal na pagpaslang sa tatlong kabataang civil rights workers.

"Racism was horrendous, but there were other aspects to life," aniya sa panayam ni Oprah.

"There are those who allow their lives to be defined only by race. I correct anyone who comes at me only in terms of race."

sidney poitier

Continue reading below ↓

US$1 MILLION PER MOVIE TF

Taong 1967, nagbida si Sidney sa pelikulang To Sir, With Love. Noong panahong iyon, ang kanyang talent fee ay nasa US$1 million na per movie.

Para ma-afford siya ng producers, binayaran siya ng minimum legal amount, at binigyan ng percentage sa kikitain ng pelikula.

Naging big hit ang pelikula, at dito kumita nang malaki si Sidney.

to sir with love

Continue reading below ↓

Sumunod dito ang In the Heat of the Night (1967). Isang memorable scene dito ay nang gumanti ng sampal ang karakter ni Sidney sa racist plantation owner.

Bago niya tinanggap ang pelikula, ipinadagdag niya sa script ang eksena na gaganti siya ng sampal. Ipinalagay rin niya sa kontrata bago siya pumirma na hindi dapat i-cut ng studio ang nasabing eksena.

"And of course, it is one of those great, great moments in all of the film, when you slap him back," ani Lesley Stahl ng CBS News kay Sidney noong 2013.

Sagot niya, "Yes, I knew that I would have been insulting every black person in the world [if I hadn't]."

in the heat of the night

Continue reading below ↓

In The Heat of the Night

Sa harap naman ng mga kritisismo sa kanyang ginagampanang roles, ani Sidney kay Oprah, "I lived through people turning on me. It was painful for a couple years.

“I was the most successful Black actor in the history of the country. The criticism I received was principally because I was usually the only Black in the movies. Personally, I thought that was a step [forward]."

FROM ACTOR RO MOVIE, TV DIRECTOR

Pagsapit ng dekada '70 ay nagdirek na si Sidney. Ang Buck and the Preacher (1972) ang kanyang naging directorial debut noong 1972.

Naging direktor at aktor siya sa Uptown Saturday Night (1974), Let's Do It Again (1975), at A Piece of the Action (1977). Karamihan sa mga cast nito ay black.

Biggest hit naman niya bilang direktor ang Stir Crazy (1980) tampok sina Richard Pryor at Gene Wilder.

stir crazy

Continue reading below ↓

Sidney Poitier with Gene Wilder and Richard Pryor

Bagamat humina na ang kanyang hatak sa takilya, lumabas pa rin si Sidney sa mga pelikulang Shoot to Kill noong 1988 kasama ni Tom Berenger; at Sneakers noong 1992 kasama ni Robert Redford.

Huling pelikula niya ang The Jackal noong 1997 kasama nina Bruce Willis at Richard Gere.

the jackal

Continue reading below ↓

Sidney Poitier and Richard Gere in The Jackal

Lumabas din siya sa telebisyon at na-nominate sa Emmys sa kanyang role bilang US Supreme Court Justice Thurgood Marshall at South African leader Nelson Mandela sa dalawang miniseries.

CONTRIBUTION TO AMERICAN CINEMA

Noong 2000 ay tuluyan nang nagretiro si Sidney sa pag-arte.

Bukod sa paglalaro ng golf na kanyang naging libangan, Isinulat din niya ang kanyang memoir, ang The Measure of a Man: A Spiritual Autobiography.

Dumagsa naman ang pagkilala sa kanya noong 2001 dahil sa pagbubukas niya ng pintuan ng Hollywood para sa maraming Black actors.

Tumanggap siya ng honorary Academy Award dahil sa kanyang naging kontribusyon sa American cinema.

Pinagkalooban naman siya ni President Barack Obama noong 2009 ng Presidential Medal of Freedom, ang pinakamataas na civilian honor sa US.

Sidney Portier with former US President Barack Obama

Continue reading below ↓

Ginawaran din siya ng pinakamataas na parangal ng Film Society of Lincoln Center noong 2011.

Isa sa mga nagsalita sa okasyon ang filmmaker na si Quentin Tarantino, na nagsabing, "In the history of movies, there've only been a few actors who, once they gained recognition, their influence forever changed the art form.

"There's a time before their arrival, and there's a time after their arrival. And after their arrival, nothing's ever going to be the same again.

“As far as the movies are concerned, there was pre-Poitier, and there was Hollywood post-Poitier."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pumanaw na si Sidney Poitier sa edad na 94 noong January 6, 2022. Bukod sa siya ang kauna-unahang Hollywood Black actor, siya rin ang first Black man na nanalo ng Oscars.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results