Ikinasal na ang South Korean couple na sina Park Shin Hye at Choi Tae Joon ngayong Sabado, January 22, 2022.
Sa mga lumabas na paparazzi shots, makikita ang back view ng celebrity couple, kaharap ang nag-officiate ng kanilang wedding.
Base sa mga kuha, ginanap ang kasal sa isang indoor venue.
Sa stage, makikita ang banner ng putol na Oryun Community Church, na ayon sa website nito ay isang "Christian organization that operates multiple churches and worship spaces in and around Seoul."
Nauna nang inanunsiyo na isang private wedding ceremony ang gagapanin ng dalawa sa Seoul.
Ilang oras bago maganap ang kasal, naglabas ang kani-kanilang agencies ng prenuptial photos ng bride at groom.
Sa mga larawan, lutang ang kagandahan ng aktres na si Shin Hye sa kanyang lace gown.
Matikas naman si Tae Joon sa kanyang dark blue suit with bow tie.
Sinundan ito ng kani-kaniyang solo outtakes.
Litaw ang kagandahan ng The Heirs actress sa kanyang wedding gown, gayundin ang kakisigan ng Exit actor sa kanyang suit.
Inanunsiyo ng couple ang kanilang pagpapakasal noong November 23, 2021.
Kasabay nito ang anunsiyo na ipinagbubuntis ni Shin Hye ang kanilang magiging anak.
Taong 2017 nagsimula ang kanilang relasyon.
Read: Park Shin Hye to marry Choi Tae Joon; pregnant with their first child
Si Shin Hye ay nakilala sa kanyang pagganap sa mga K-dramas na The Heirs (2013), You're Beautiful (2009), Pinocchio (2014), Doctors (2016), at Memories of Alhambra (2018).
Bida rin siya sa mga pelikulang Miracle in Cell No. 7 (2013) at #Alive (2020).
Si Tae Joon naman ay Korean singer-actor at naging main cast sa Exit (2028) at Undateables (2018).