Pasha Lee, aktor na sumapi sa Ukraine army, nasawi sa pag-atake ng Russia

by KC Cordero
Mar 9, 2022
Pasha Lee in military uniform, and in casual wear.
Nasawi ang Ukrainian actor na si Pasha Lee matapos bombahin ng Russian troops ang lungsod kung saan siya nakatira at kabilang sa mga nagtatanggol. Siya ang nag-dub ng The Lion King at The Hobbit para sa Ukrainian viewers.

Nasawi si Ukrainian actor and TV host Pasha Lee noong March 6, 2022 matapos bombahin ng Russian troops ang city of Irpin sa Ukraine.

Iniulat ito ng www.mirror.co.uk noong March 7.

Residente si Pasha ng Irpin.

Isa ang 33-year-old actor sa mga Ukrainian celebrities na nag-quit muna sa trabaho para umanib sa Territorial Defense Forces of the Armed Forces of Ukraine at para ipagtanggol ang kanyang bansa sa pananakop ng Russia.

Pasha Lee in military uniform.

Ina-update niya ang kanyang fans sa pamamagitan ng pag-post niya sa social ng kanyang photos habang nakasuot ng military uniform.

Nag-post pa si Pasha noong March 5 sa Instagram na may translated caption na: “For the last 48 hours there is an opportunity to sit down and take a picture of how we are being bombed, and we are smiling because we will manage and everything will be UKRAINE WE ARE WORKING !!!”

Pasha Lee reading a book.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isinilang si Pavlo “Pasha” Romanovych Lee noong July 10, 1988. Ang kanyang ama ay half-Korean-half-Ukrainian. Pure Ukrainian naman ang kanyang ina.

Kilala rin siya bilang Pavlo Li.

Presenter siya sa DOM TV channel sa Ukraine, at naging bahagi ng TV talent shows na Star Factory at X-Factor.

Noong 2006, lumabas siya sa teen-horror movie na The Pit. Tampok din siya sa 2017 sport action movie na The Fight Rules, at sa 2019 comedy film na Meeting of Classmates.

Dubbing artist din siya sa Hollywood movies na The Lion King at Hobbit para sa Ukrainian viewers.

Pinakahuli niyang project ang TV series na Provincial (2021).

Pasha Lee with co-star.

Inilarawan ni Julia Ostrovsk, head ng UATV/DOM Platform, si Pasha bilang "most joyful and sunny" sa hanay ng mga TV presenters sa kanilang programa.

Nagpahayag din ng pakikiramay sa kanyang pamilya ang National Association of Journalists ng Ukraine.

Nag-post naman si Anastasiya Kasilova, isa sa mga co-star ni Pasha sa Provincial, sa kanyang Facebook ng: "He is an actor, TV presenter, my colleague, and a good acquaintance…

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Never forgive!"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nasawi ang Ukrainian actor na si Pasha Lee matapos bombahin ng Russian troops ang lungsod kung saan siya nakatira at kabilang sa mga nagtatanggol. Siya ang nag-dub ng The Lion King at The Hobbit para sa Ukrainian viewers.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results