Crash Landing On You stars Hyun Bin and Son Ye Jin are getting married today

by Rachelle Siazon
Mar 31, 2022
Son Ye Jin, Hyun Bin, BinJin
Hyun Bin and So Ye Jin are tying the knot at the Aston House in Grand Walkerhill Hotel in Seoul, this Thursday afternoon, March 31, 2022.
PHOTO/S: TVN / Crash Landing On You

Simula na ang journey to forever ng sikat na South Korean stars na sina Hyun Bin at Son Ye Jin.

Kilala ang real-life sweethearts bilang stars ng hit K-drama na Crash Landing On You, na umere noong December 2019 hanggang February 2020.

Ngayong Huwebes, March 31, 2022, ang pag-iisang dibdib nina Hyun Bin at Son Ye Jin.

Base sa kumalat sa social media na save the date ng couple, ang wedding venue ay sa Aston House sa Grand Walkerhill Hotel sa Gwangjang-dong, Gwangjin-gu, Seoul.

Ang official ceremony ay gaganapin ng 4:00 p.m., pero as early as a.m. ay magsisimula na ang family festivities nina Hyun Bin at Son Ye Jin.

Son Ye Jin, Hyun BinSon Ye Jin, Hyun Bin

Continue reading below ↓

Ayon naman sa YTN, ang wedding invitation ng couple ay may naka-inscribe na uniname nina Hyun Bin at Son Ye Jin na "BinJin" sa isang mala-sketch ng wedding gown.

BinJin, Hyun Bin, Son Ye Jin

Sinasabing nitong umaga pa lang ay mahigpit na ang security check sa lahat ng mga taong sakay ng mga kotseng dumadating sa venue.

Continue reading below ↓

Son Ye Jin, Hyun Bin

Son Ye Jin, Hyun Bin

Continue reading below ↓

ON FALLING IN LOVE AFTER CRASH LANDING ON YOU

January 1, 2021 nang unang maisapubliko na naging totohanan ang kanilang pag-iibigan matapos ang kilig serye, kunsaan gumanap si Hyun Bin bilang isang North Korean military captain na nahulog ang loob sa isang South Korein heiress at businesswoman.

Kinumpirma ng kani-kanilang talent agency ang tungkol sa pagsinta nina Hyun Bin at Son Ye Jin sa isa't isa.

Sinundan iyon ni Son Ye Jin ng sweet Instagram message na ipinagkatiwala niya ang kanyang puso kay Hyun Bin na aniya'y "good person."

Pareho silang 38 years old noong panahong iyon.

Read: Crash Landing On You stars Hyun Bin, Son Ye Jin in a relationship

HYUN BIN AND SON YE JIN'S ENGAGEMENT

Hindi nagtagal ay na-engage din ang couple.

February 10, 2022 nang magkasabay na inanunsiyo nina Hyun Bin at So Ye Jin ang pagnanais nilang lumagay sa tahimik.

Sigurado raw silang nahanap na nila ang taong nais nilang makasama habambuhay.

Continue reading below ↓

Narito ang Instagram post ni Son Ye Jin noon:

Son Hye Jin, Hyun Bin, wedding

Idinaan namin ni Hyun Bin sa handwritten letter ang kanyang mensahe sa masugid na fans nila ni Son Ye Jin.

Hyun Bin, Son Ye Jin

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hyun Bin and So Ye Jin are tying the knot at the Aston House in Grand Walkerhill Hotel in Seoul, this Thursday afternoon, March 31, 2022.
PHOTO/S: TVN / Crash Landing On You
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results