Hyun Bin seen being protective of wife Son Ye Jin at the airport

by Rachelle Siazon
Apr 12, 2022
Hyun Bin, Son Ye Jin, Crash Landing On You
Newlyweds Hyun Bin and Son Ye Jin get swarmed by fans at the airport. The popular Crash Landing On You stars are spending their honeymoon in Los Angeles.
PHOTO/S: CTTO via @hyunbinworld Instagram

Mapapa-"sana all" ang fans sa sobrang kilig para sa newlywed couple na sina Hyun Bin at Son Ye Jin.

Kilala rin sila sa uniname na "BinJin" na ginamit nila sa kanilang wedding invite.

Sa unang pagkakataon matapos ang kanilang kasal, nasilayan ng publiko ang mag-asawa sa airport.

Kahapon, April 11, 2022, lumipad mula Korea papuntang Los Angeles sina Hyun Bin at Son Ye Jin para sa kanilang honeymoon.

Ayon sa ulat ng Dispatch, hiwalay na dumating sa Incheon Airport ang mag-asawa.

Pero makikitang color-coordinated ang kanilang white shirts.

Fashionable pa rin si Son Ye Jin sa kanyang blazer at heels na complementary sa kanyang monochromatic look.

Simple at comfy naman si Hyun Bin sa kanyang sporty outfit.

HYUN BIN AND SON YE JIN SWARMED BY FANS AT THE AIRPORT

At kahit nakasuot ng masks ay makikilala pa rin ang sikat na Crash Landing On You stars nang dumating ang mga ito sa Los Angeles.

Continue reading below ↓

Kaya marami sa fans ang excited na nag-abot ng mga regalo at nagpa-sign ng autographs sa dalawa.

Base ito sa kumalat na fan videos ngayong Martes, April 12, 2022.

Hindi maiwasang dumugin ang dalawa, at todo-alalay naman si Hyun Bin kay Son Ye Jin.

Sa isang video, naunang naglakad si Hyun Bin habang tulak ang kanyang cart ng mga bagahe. Pero binalikan niya si Son Ye Jin at tinulungan ito sa cart nito.

BinJin, Hyun Bin, Son Ye Jin, Crash Landing On You

Continue reading below ↓

May mga fans na talagang todo-dikit sa dalawa para kumuha ng stolen pictures.

BinJin, Hyun Bin, Son Ye Jin, Crash Landing On You

Kaya marahil sa isang hiwalay na video clip, kahit abala si Hyun Bin sa pakikipag-usap sa telepono ay makikitang sumenyas siya ng stop at nakiusap sa fans na huwag nang lumapit kay Son Ye Jin para magpa-picture.

Continue reading below ↓

BinJin, Hyun Bin, Son Ye Jin, Crash Landing On You

BinJin, Hyun Bin, Son Ye Jin, Crash Landing On You

Continue reading below ↓

Sa isa pang video clip, makikita namang pumayag si Son Ye Jin na mag-sign ng autograph para sa isang fan.

BinJin, Hyun Bin, Son Ye Jin, Crash Landing On You

Kuha iyon habang tila naghihintay sila ng sundo sa airport sa Los Angeles.

KILIG MOMENTS WITH BINJIN

Ang sweet naman ng dating ni Hyun Bin nang masuyo niyang itinabi si Son Ye Jin nang makitang may dadaang sasakyan sa tabi nila.

Continue reading below ↓

BinJin, Hyun Bin, Son Ye Jin, Crash Landing On You

Naalala tuloy ng fans ang eksena sa Crash Landing On You kunsaan makikitang mabilis na inalalayan ni Captain Ri si Yoon Se Ri noong naglalakad sila sa isang mataong lugar sa fictional Pyongyang sa series.

Tila matagal silang naghintay sa kanilang sundo sa airport.

Ikinatuwa naman ito ng fans na nasilayan ang candid moments ng mag-asawa.

Continue reading below ↓

BinJin, Hyun Bin, Son Ye Jin, Crash Landing On You

Lalo namang kinilig ang fans dahil kahapon ay lumabas din ang iba pang official wedding photos ng couple.

Ni-release ito ng talent agency ni Hyun Bin na VAST Entertainment.

binjin, hyun bin, son ye jin

Continue reading below ↓

Unang nagkatambal sina Hyun Bin at Son Ye Jin sa pelikulang Negotiation noong 2018.

Pumatok naman ang kilig teamup nila sa Crash Landing On You, ang K-drama na umere noong December 2019 hanggang February 2020.

Nagkahulugan ang loob ng dalawa matapos ang proyekto.

Nakumpirmang magkasintahan na sila noong January 1, 2021.

Read: Crash Landing On You stars Hyun Bin, Son Ye Jin in a relationship

Makalipas ang isang taon, noong February 2022, inanunsiyo nila ang kanilang engagement.

Ikinasal sila sa Aston House sa Grand Walkerhill Hotel sa Gwangjang-dong, Gwangjin-gu, Seoul noong March 31, 2022.

Read: Crash Landing On You stars Hyun Bin and Son Ye Jin release official wedding photos

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Newlyweds Hyun Bin and Son Ye Jin get swarmed by fans at the airport. The popular Crash Landing On You stars are spending their honeymoon in Los Angeles.
PHOTO/S: CTTO via @hyunbinworld Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results