Johnny Depp "humbled," Amber Heard "heartbroken" after defamation verdict

by Jojo Gabinete
Jun 2, 2022
johnny depp amber heard defamation
Johnny Depp wins defamation case against ex-wife Amber Heard after she wrote in an op-ed that she is a “public figure representing domestic abuse.”
PHOTO/S: Screen grab from Law & Crime Channel

Ipagdiriwang ni Johnny Depp ang kanyang 59th birthday sa June 9, 2022.

Ang tagumpay ng Hollywood actor sa kaso ng paninirang-puri o defamation na isinampa niya laban sa dating asawang si Amber Heard ang isa sa mga maagang regalo na kanyang natanggap.

Napatunayan ng jury ng State of Virginia na kapwa may pananagutan sina Depp at Heard sa mga demanda nila laban sa isa’t isa. Pero ang aktor ang itinuturing na tunay na panalo dahil siya ang higit na napinsala o nasira sa mga ginawa ng ex-wife niya.

Limampung milyong dolyar ($50 million) ang halaga ng kaso ng paninirang-puri na isinampa ni Depp laban kay si Heard dahil sa artikulong isinulat nito noong 2018 sa opposite the editorial page (op-ed) ng The Washington Post na may pamagat na “I spoke up against sexual violence-and faced our culture’s wrath. That has to change.”

Sa naturang artikulo, isinalarawan ni Heard ang sarili bilang isang public figure na kumakatawan sa domestic abuse.

Continue reading below ↓

Walang binanggit na pangalan si Heard pero naniwala at inangkin ni Depp na siya ang tinutukoy sa artikulo kaya nagsampa siya ng kaso sa Virginia.

Nagkontra-demanda si Heard at paninirang-puri rin na nagkakahalaga ng $100 million ang isinampa niya laban kay Depp.

Tumagal ng anim na linggo ang pagdinig sa kaso na live na napanood sa buong mundo.

Nitong June 1, inilabas ng jury ang kanilang desisyon.

Napatunayan nilang siniraan ni Heard si Depp sa tatlong magkakahiwalay na pahayag sa artikulong lumabas sa op-ed ng The Washington Post, at may paninira ring ginawa si Depp sa pamamagitan ng abogado nito.

Fifteen million dollars—$10 million para sa bayad-pinsala o compensatory damages at $5 million para sa punitive damages—ang ipinagkaloob ng jury kay Depp.

Dalawang milyong dolyar naman ang iginawad kay Heard ng jury para sa damages.

Walang emosyong nabakas sa mukha ni Heard habang pinakikinggan nito ang desisyon ng jury sa kaso nila ni Depp, na hindi nakadalo sa pagbasa ng hatol.

Continue reading below ↓

Pero pagkatapos ilahad sa korte ang verdict, nagpahayag ng matinding pagkadismaya si Heard sa opisyal na pahayag na inilabas niya.

Saad ni Heard, “The disappointment I feel today is beyond words. I’m heartbroken that the mountain of evidence still was not enough to stand up to the disproportionate power, influence, and sway of my ex-husband.

“I’m even more disappointed with what this verdict means for other women. It is a setback. It sets back the clock to a time when a woman who spoke up and spoke out could be publicly shamed and humiliated. It sets back the idea that violence against women is to be taken seriously.

“I believe Johnny’s attorneys succeeded in getting the jury to overlook the key issues of Freedom of Speech and ignore evidence that was so conclusive that we won in the UK.

“I’m sad I lost this case. But I’m sadder still that it seem to have lost a right. I thought I had as an American-to speak freely and openly.”

Continue reading below ↓

Ang libel case na isinampa ni Johnny laban sa The Sun noong 2020 ang tinutukoy ni Heard.

Ang The Sun ang sikat na tabloid sa United Kingdom na naglathala ng artikulong "wife-beater" si Johnny na natalo sa naturang kaso.

Hindi natapos sa demanda niya laban sa The Sun ang paghahanap ni Johnny ng hustisya, at hindi ito nabigo dahil siya ang nagwagi sa kanyang defamation case laban kay Heard.

"I am truly humbled," reaksiyon ni Johnny sa desisyon ng jury na pinasalamatan niya sa pamamagitan din ng isang opisyal na pahayag dahil sa pagpabor sa kanya.

“Six years ago, my life, the life of my children, the lives of those closest to me, and also, the lives of the people, who for many, many years have supported and believed in me were forever changed.

“All in the blink of an eye.

“False, very serious and criminal allegations were levied at me via the media, which triggered an endless barrage of hateful content, although no charges were ever brought against me. It had already travelled around the world twice within a nansecond and it had a seismic impact on my life.

Continue reading below ↓

“And six years later, the jury gave me my life back. I am truly humbled.

“My decision to pursue this case, knowing very well the height of the legal hurdles that I would be facing and the inevitable. Worldwide spectacle into my life was only made after considerable thought.

“From the very beginning, the goal of bringing this case was to reveal the truth, regardless of the outcome. Speaking the truth was something that I owed to my children and to all those who have remained steadfast in their support of me. I feel at peace knowing I have finally accomplished that.”

Nakuha ni Depp ang simpatiya ng publiko na naniniwala na siya at hindi si Heard ang tunay na biktima ng pang-aabuso noong nagsasama pa sila.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Johnny Depp wins defamation case against ex-wife Amber Heard after she wrote in an op-ed that she is a “public figure representing domestic abuse.”
PHOTO/S: Screen grab from Law & Crime Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results