Kim Seon Ho tearfully apologizes for controversy involving ex-girlfriend

by Khryzztine Joy Baylon
Jul 21, 2022
kim seon ho touching the void
Kim Seon Ho: "I am truly sorry for causing concern to many people with bad news. Looking back, I have reflected a lot on my shortcomings. All I can say is that I will put forth the effort to become a better actor and a better person."
PHOTO/S: Twitter

Balik-entablado at acting ang resident "good boy" at star ng hit Korean dramas na Start Up at Hometown Cha Cha Cha na si Kim Seon Ho.

Ito ay matapos ang halos siyam na buwang pahinga dulot ng kontrobersiyang kinasangkutan niya.

Noong October 2021 ay inamin mismo ni Seon Ho na siya ang aktor na tinutukoy sa isang anonymous post ng isang netizen na pinipilit umano ng kanyang ex-boyfriend na aktor na ipalaglag ang ipinagbubuntis nito kapalit ng pangakong pakakasalan siya.

Read: Dispatch reveals timeline of Kim Seon Ho's relationship with Choi Young Ah, details about abortion issue

Sa kanyang muling pagbabalik sa acting, bida si Seon Ho bilang Joe Simpson sa stage adaptation ng 2013 docu-drama film na Touching the Void.

Batay ito sa kuwento nina Joe Simpson at Simon Yates, dalawang British mountaineer na muntik nang mamatay sa kanilang pagbaba mula sa summit ng Siula Grande sa Peruvian Andes.

Continue reading below ↓

Kasama ni Seon Ho sa stage play sina Lee Hwi-jong, Lee Jin Hee, at Shin Sung-min.

Ayon sa report ng Korean media outlet na SBS News, dumalo si Seon Ho nang magpatawag ng press conference ang direktor ng Touching the Void na ginanap sa Daehangno Art One Theater Hall sa Jongno-gu, Seoul, noong July 20, 2022.

Continue reading below ↓

Ito ang unang public appearance ng aktor mula nang maganap ang kontrobersiyang kinasangkutan niya sa kanyang ex-girlfriend.

Bago magsimula ang conference meeting ay solo munang umakyat si Seon Ho sa entablado dala ang kanyang handwritten letter.

Ayon pa sa report, hindi napigilang maiyak ng aktor habang binabasa ang kanyang "apology letter" sa harap ng media.

Pahayag ni Seon Ho: "I thought it was the right thing to do, so I came out alone first. I am a little nervous so I thought I would talk incoherently so I wrote this down. I hope you can understand with open hearts.

"I am really sorry and apologize for sharing this at the press call event. Many people worked hard from this spring to summer to make this play.

"I feel like I have caused a hindrance to everyone so once again apologize to the team and everyone.

"I am truly sorry for causing concern to many people with bad news. Looking back, I have reflected a lot on my shortcomings.

Continue reading below ↓

"All I can say is that I will put forth the effort to become a better actor and a better person."

Dadag pa niya, "I am sorry."

Hindi ito ang unang pagkakataong humingi ng paumanhin si Seon Ho sa publiko.

Noong October 2021 ay naglabas na rin siya ng apology letter kung saan humingi siya ng tawad sa dating karelasyon at sa lahat ng kanyang mga tagasuporta.

Read: Hometown Cha Cha Cha star Kim Seon Ho owns up to hurting ex-girlfriend; apologizes for his mistakes

Nagsimula nang ipalabas ang Touching the Void noong July 8 at mapapanood ito hanggang September 18, 2022.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Seon Ho: "I am truly sorry for causing concern to many people with bad news. Looking back, I have reflected a lot on my shortcomings. All I can say is that I will put forth the effort to become a better actor and a better person."
PHOTO/S: Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results